A/N:
Ang story pong ito ay madaming BS CHAPTERS. Ito po ay kabaligtaran ng FALLING FOR MISS PERFECT na matatagpuan sa external link. --- >>>
All names, places and events ay imagination lang ng author po ninyo. Fictional po lahat ng characters, places and events.
Please vote & comment. Try ko lang po kung papatok! Hahaha!
______________________________________
(A/N: Si Lance Lao po ------>> Nasa multimedia box ----->>>)
LANCE'S LIFE AFTER 2 YEARS OF MY DEAD HEART STORY:
Nasa bar si Lance kasama ang mga kaibigang sina Zeon (MY DEAD HEART), at Tope (I LOVE YOU, JUSTINE CHOI!). Pinilit siya ng dalawa na sumama para daw makapagbonding naman sila. Naging magkakaibigan ang tatlo dahil sa ang mga babaeng konektado sa buhay nila ay magkakaibigan.
Lance Lao is 25 years old, single, handsome, standing 5'10, sexy (with abs), and a very successful and rich businessman. Si Lance ang namamahala ng LAO ENTERTAINMENT katulong ang kanyang panganay na kapatid na si Sapphire Lao. Ang LAO ENTERTAINMENT ay isang kompanya na naghahandle ng mga artista, singers, at models. Mapa-print, movies, o tv ay hawak nila. Ang kompanyang ito ang naghahandle ng careers ng mga sikat na artista tulad nina Zyrah/ Zoe at Zeon Franz. Sila ang ilan sa mga pinakasikat na artista ng kompanya na naging malaking bahagi ng pagunlad nito.Abroad man or local entertainment ay hawak ng LAO ENTERTAINMENT.
Ngayon nga, after a very busy day, ay nagkayayaan ang 3 magkakaibigan na mag-bar dito sa ZENITH Bar sa Timog. Matagal-tagal na rin silang hindi nakakalabas ng ganito dahil si Zeon at Tope ay parehas ng may asawa.
"Ano na Lance? Kailan ka ba mag-aasawa? May anak na ako eh hindi ka pa nagpapatali ah?" Pang-aasar ni Tope sa kanila. Actually sa kanilang tatlo, si Tope ang pinakabata. Mas bata ito sa kanilang dalawa ni Zeon ng isang taon halos.
"Wala kasi akong matagpuan na pupwede sa akin eh." Ang kakamot-kamot na sagot ni Lance.
"Don't tell me, you're still inlove with my wife?" Ang biglang naging seryosong tanong ni Zeon sa kanya.
"Ano ba naman yan, Zeon?! Pambihira naman! Kaibigan na lang ang turing ko kay Zyrah. Kaya tigilan mo nga iyang mga pinag-iisip mo." Natatawang sagot ni Lance. Natatawa siya dahil sa pagkaseloso ni Zeon. Madali itong magalit basta isama mo lang sa usapan ang pangalan ng asawa nito.
"Oo nga naman, Zeon. Kung may pagnanasa pa itong kolokoy na ito sa asawa mo, tingin mo kakaibiganin ka pa niya?" Ang pagbibigay linaw na dagdag ni Tope. Baka kasi biglang ma-activate ang topak nito at manuntok.
"Ok.. ok.. I got it ok? You don't have to join forces just to make me believe." Nakataas ang dalawang kamay na sabi ni Zeon. Para bang susuko na sa laban.
"Teka, hindi ba kayo hahanapin ng mga asawa ninyo?" Tanong ni Lance sa dalawa. Syempre, alam niya ang resposibilidad ng dalawa sa kanilang mga pamilya.
"Nagpaalam kami. Ipinaalam ko kaya si Zeon kay Zyrah." Ang nakangising singit ni Tope.
"Ha! Ha! Ha!" Nagka-tawanan silang tatlong magkakaibigan.
"Ang goal natin tonight ay ang hanapan ng girlfriend si Lance!" Kulit pa ni Tope.
"Cheers to that!" Offer ng toast ng nakangiting si Zeon. Simula ng naging mag-asawa si Zyrah at Zeon ay hindi na ito bugnutin at palagi ng nakangiti.
Uminom sila ng uminom.
Inom.
Inom.
BINABASA MO ANG
Lustful Desires
Roman d'amourSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...