LD 14

12.9K 209 12
                                    

A/N:

WUHUU!! Kaway-kaway... click-click.. vote-vote... comment-comment...

_______________________________________

CHAPTER 14

THE MOMENT OF TRUTH?

"I'm Hera's....... " Pinutol ni Lance at sumulyap muna sa kanya. Kinakabahan man, pero alam niyang imposibleng sabihin nito na I'm Hera's boyfriend. Obviously, wala silang usapan na magnobyo na sila, hindi ba?

"F-friend ko, Ethan." Siya na ang nagdugsong. Kumunot man ang noo ni Lance, pero tumingin na agad ito sa gawi ni Ethan.

Napangisi naman si Ethan ng marinig nitong friend niya lang si Lance. Ewan lang niya kung anong reaction nito kung sinabi niyang my sexmate! Baka pingutin siya nito o kurotin sa singit! Baka nga itakwil pa siya nito bilang bestfriend.

"Ahh friend ka lng pala, Brod eh." Dagdag pang-aasar pa ni Ethan kay Lance.

"So? Bakit sino ka ba?" Nakangising balik tanong nito.

"Ako ang kapatid niya." Sa sinabing iyan ni Ethan ay napaatras si Lance. Nawala na ang nag-aapoy na galit sa mga mata nito.

"Ganoon ba? I'm sorry? Hindi ko alam na kapatid ka niya." Paghingi ng tawad ni Lance.

"Sige. Kakalimutan ko na ang bagay na ito." Sabi naman ni Ethan kay Lance.

"Pero hindi ba pwedeng pahiram muna si Hera?" Kakamot-kamot na tanong ni Lance.

"Bakit? Saan kayo pupunta?" Nakakunot ang noong tanong ni Ethan. Saan nga ba sila pupunta? Wala naman kasing nabanggit sa kanya si Lance kanina sa text message.

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon