A/N:
Birthday ko sa October 9 so wala munang update.. baka October 11 o 12 na ako makapagpost. Depende sa mga VOTES & COMMENTS ninyo..
_______________________________
LD 7 NASAAN?
5:00 AM.
Nagising si Hera sa lamig ng aircon sa room ni Lance. Medyo nalilis kasi ang comforter na nakakumot sa kanya. Nasa bewang na lamang niya ang kumot. Mabuti na lang at yakap siya ni Lance, hindi ganoon kaginaw.
'Yakap ako ni Lance?' Nagulat na tanong ni Hera sa sarili. Ang tanda niya ay doon siya sa paanan ni Lance natulog ah? Bakit ngayon ay nasa tabi na siya nito? At nakayapos pa sa bewang niya habang nakasiksik ang mukha sa leeg niya.
Dug..
Dug..
'Ibig bang sabihin ay ayos lang sa kanya na pumasok ako ng bahay niya ng walang paalam?' Naguguluhan paring muni-muni ni Hera. Hindi niya masagot ang mga tanong niya kasi kinakabahan siya. Naiingayan pa siya sa sobrang lakas niyang heart beat!
'Siguro nga. Kasi kung hindi ok, marahil ay tinadyakan na niya ako palaglag sa kama niya kanina at inihulog sa kama' muni-muni pa niya.
Halos huminto ang tibok ng puso niya ng gumalaw si Lance at isiniksik lalo ang gwapo nitong mukha sa leeg niya at mas isiniksik pa nito ang katawan sa kanya.
Tinitigan naman itong mabuti ni Hera na para bang binabasa kung tulog pa ba ito o gising na? Pigil tuloy ang hinga niya. Natatakot siyang baka sigawan siya nito kapag nagising na ito. Mabuti na lamang at hindi na muli itong gumalaw. Ibig sabihin ay mahimbing pa rin ito.
Sa pagtitig ni Hera, para pagmasdan kung gising ito, ay hindi niya maiwasang hindi mapansin ang kabuuan ng mukha nito.
Ang mukhang hindi siya binibigyan ng katahimikan pagkatapos ng maalab nilang pinagsaluhan noong isang gabi. Tinitigan niya ang lahat ng parte ng mukha nito na animo'y under the microscope.
Ang chinito nitong mata, matangos na ilong, makinis na mukha, at higit sa lahat ang labi nitong gusto na naman niyang matikman ngayon. Ewan ba niya kung bakit parang ang mga labi niya ay parang sa labi lamang talaga ni Lance tutugma.
Napalunok si Hera. Para siyang isang dakilang pervert na gustong pagsamantalahan ang mga labi ni Lance. Napapikit siya ng mariin para magising siya sa pagpapantasya. Kasi kung hindi niya iyon ginawa, marahil ay kiniss na niya ito. At kapag kiniss niya ito, baka magising na naman ito. At kapag nagising ito, tiyak na tatanungin siya kung bakit para siyang magnanakaw na pumasok na lamang sa bahay nito?
BINABASA MO ANG
Lustful Desires
RomanceSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...