A/N:
Ang daming typos ng LD 59. Paki basa na lang po ulit doon sa mga naguluhan. Sorry guys ah!
Salamat po sa votes at comment. Sana po mas tumaas pa ang number of votes. Hanggang LD 65 na lang po ito.
Thanks to: @simply_neri, @mjvelasco, @QuelaiDublas, at sa first time na nag-comment na si @MarianneCorias.
_____________________________________
LD 60
TATANGGAPIN KAYA?
"HERA..."
Napa-angat ang kanyang ulo at napatingin sa kanyang likuran. Ganoon na lang ang kanyang saya ng makita niya ang lalaking nakatayo likuran niya.
"Lance!" At padamba niya itong nilapitan at niyakap. Dahil nagulat naman ito, hindi nito malaman kung paano magrereact.
"Lance, I miss you! Magpapaliwanag ako." Dagdag pa niya habang nakayakap pa din at nakasubsob ang mukha sa dibdib nito.
Niyakap na rin siya ng mahigpit ni Lance. Naiyak na naman tuloy si Hera ng maramdaman ang mga bisig nito sa bewang niya. Ang buong akala niya ay mag-aaway na naman sila dahil umalis na ito kanina. Mabuti na lang at naandito pa pala si Lance.
"Sa taas tayo, sa Penthouse ko." Bulong ni Lance sa tenga niya. Tumango lang si Hera dahil alam niyang maya-maya ay lalabas na sa canteen ang mga empleyado. Ayaw niyang maging sentro sila ng chismisan habang hindi pa maayos masyado ang relasyon nila.
Sumunod siya kay Lance paakyat ng Penthouse. "Teka.." Pigil niya at siya na mismo ang humawak sa kamay ng nauunang pumasok ng elevator na si Lance. Habang ito ay walang imik na tinanggap naman ang palad niya at mahigpit na hinawakan na rin iyon.
Walang laman ang elevator ng bumukas kaya walang aberya silang pumasok agad. Pag-sara ng elevator ay hinarap agad niya si Lance. Nakasandal ito sa elvator at nakaharap sa pintuan ng lift. Nagtama ang kanilang paningin. Medyo nabuhayan siya ng loob ng mahalata niyang nagningning ang mga mata nito sa kanya.
"Lance, I miss you!" Sabi muli ni Hera habang nakatitig sa mga mata nito. Medyo kinakabahan siya na baka i-turn down siya ni Lance, pero hindi na niya inintindi. Ang importante sa kanya ay nasabi niya ang nararamdaman.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ng binata. "Namiss din kita." Medyo mahinang sabi nito. Nasa ganoong posisyon lang sila ng bumukas ang elevator. "Ayan na." Sabi pa nito dahil hindi niya napansin na nasa floor na pala sila ng Penthouse.
Tumalikod na siya at naunang maglakad palabas. Kasunod niya si Lance na kusang humawak naman this time sa kamay niya. Ini-enter ni Lance ang passcode ng pintuan at bumukas iyon. Pumunta agad siya sa sofa at umupo silang dalawa ng magkatabi.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Magkatabi lang sila sa upuan at parehas nakasandal dito. Si Hera ang unang bumasag ng katahimikan. Hinarap niya si Lance.
"Iyong kanina, Lance.... Wala iyon." Umpisa niyang paliwanag.
Nakatitig lang sila sa isa't-isa. Parang binabasa ng binata ang kanyang mga mata. "Kung wala iyon, anong ibig sabihin noon?" Seryosong tanong nito nang mapagod na atang titigan lang siya.
Napatingin siya sa manipis at sexy lips ni Lance. Parang gusto-gusto na niya iyong halikan. Pero nagpigil muna si Hera. Alam niyang kailangan muna niyang mgpaliwanag ng maayos sa binata.
"Ang totoo, napagalitan kasi kami ni Miss Sophia." Sabi niya habang napapalunok. Akit na akit talaga siya sa lips ng binata. Pero nahihiya siyang mag-initiate.
BINABASA MO ANG
Lustful Desires
RomanceSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...
