A/N:
Ang dami palang mixed names sa last chappy. Paki basa na lang muli at na-edit ko na po. Salamat po at pasensiya na.
Thank you po sa mga nag-vovote at sa dalawang tanging nagCOCOMMENT na sina: @MrsSuzy at .@mjvelasc0.
__________________________________
LD 24
P.S.
"....Mahal kita bilang kapatid." Paliwanag kiya kay Ethan.
"Pero hindi tayo totoong magkapatid." Frustration was written all over Ethan's face.
Lumapit si Hera at hinaplos ang pisngi ni Ethan. "Pero iyon ang nararamdaman ako. Although, there are times na parang nasasaktan ako kapag may kasama kang iba. Naiinis din ako kapag may nagpapacute sa iyo." Pag-amin niya tungkol sa strange feeling na nadarama niya.
"Talaga? Naiinis ka? Nasasaktan ka?" Biglang nag-iba ang mood nito. Halatang nabuhayan ito sa narinig na sinabi niya.
"Oo. Hindi ko nga rin maintindihan ang nangyayari dito." Sabi niya at hinawakan ang kanyang dibdib.
Napangiti na ng tuluyan si Ethan at niyakap siya. "Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya. Salamat, Hera!" At humalik ito sa noo niya at bumitaw na ng yakap.
"Salamat saan?" Nakakunot ang noong tanong niya. Hindi niya kasi alam kung anong pinapasalamat nito.
"Basta!" At kumislap ang magandang ngiti sa labi ni Ethan. Ang ngiting kahit na sinong makakita ay hindi maiiwasang mahalina.
Naguguluhan pa din siya. "Ano nga? Sabihin mo na." Nakapout niyang sabi.
Pinaglandas nito ang hintuturo sa kanyang ilong. "Mahal kita, Hera....." Seryosong sabi nito.
Dug..
Dug...
Kumabog ang dibdib niya!
Hindi na siya nakapagtanong kasi binusinahan na sila ni Yrish. Nagmamadali siyang sumakay sa loob. Pakiramdam niya ay nagiinit ang kanyang mga pisngi.
"Dito na si Ethan, please?" Pakiusap ng kaibigan niya ng makaupo siya sa unahan.
At dahil wala siya sa sarili ay naging parang masunuring pusa siya kay Yrish. Agad siyang bumaba at pinigilan si Ethan na sumakay sa front seat. "Diyan ako. Gusto kong humiga." Sabi niya.
Nagbigay daan naman sa kanya si Ethan, at sumakay ito sa shotgun seat. Nakita niya ang paglingon sa kanya ni Yrish at kumindat, habang walang malay na nagkakabit ng seatbelt ang binata. Ngumiti na lang din siya ng pilit. Sa ngiti ng kaibigan niya, alam niyang gusto nito si Ethan.
"Baka masuka ka diyan." Concerned na lingon sa kanya ni Ethan.
"No, I'm fine." At humiga na siya. Humiga siya sa backseat pero naglalakbay ang utak niya. Anong ibig sabihin ni Ethan kanina na mahal niya siya? Bilang kapatid lang ba? O bilang babae? Sa isipin niyang iyon ay hindi niya napigilang mapahawak sa dibdib.
'Bakit ba may kakaibang kaba ang sumasagi sa puso ko kapag naiisip ko na mahal niya ako? Bakit ba naaapektuhan ako kapag may mga ibang babae na umaaligid sa kanya?' Katanungang gumugulo sa kanya na dapat niyang masagot. Pero hindi maaring malaman ito ni Ethan. Kailangang ilihim niya ito hanggang hindi niya nakukumpirma ang sariling damdamin.
Napukaw ang pagmumuni-muni niya nang marinig ang sinabi ni Yrish. "I think I love you, Ethan." Hindi siya makalingon at nagpatuloy na kunyari ay natutulog.
May libo-libo tuloy kuryente ang pumupukaw sa damdamin niya. Ang gulo lang talaga! Napapikit siya ng mariin at parang pinupwersa ang sarili na makatulog ng mahimbing. Ayaw niyang marinig ang magiging sagot ni Ethan. Pero sa liit ba naman ng kotse ay hindi niya maririnig ang sagot nito?
"I like you, Yrish. Pero may iba akong mahal." Malumanay ang pagkakasabi ni Ethan, pero para siyang sinigawan sa tenga. Ang lakas ng yanig nito sa kanyang buong pagkatao.
"Sino?" Ang mahina ring tanong ng kanyang kaibigan.
Dug..
Dug..
Bakit ba siya kinakabahan? Ayaw naman niyang makialam, pero ang puso niya, ayaw makisama! Ginugulo siya at pinipilit ang kanyang utak na alamin ang totoo.
"Isang babaeng matagal ko ng kilala. Pero pakiramdam ko, naguguluhan sa nararamdaman niya." Sagot ni Ethan.
'Sino?' Gusto niya sanang sabihin, pero hindi niya kayang gawin. Masisira ang pagpapanggap niyang tulog kapag sumabat siya. 'Katrabaho ba namin? May itinatago ba siyang babae na hindi ko kilala?' Isip niya ang nagkukusang magtanong.
"Sana ako na lang siya." Halos siya ang ninerbyos sa direktang pag-amin ni Yrish. Bilib siya sa guts nito. Sana ay kaya niya ring maging ganito kadirekta sa pagsasabi ng nadarama.
"Pero malay mo, kapag napagod din ako sa pag-aantay sa kanya, mabaling sa iyo ang damdamin ko." Alam niyang nabuhayan si Yrish sa sagot nito. Pero bakit ganoon ang pakiramdam niya? Parang siya naman ang namatayan? Bakit ba siya naapektuhan ng ganito?
Sana... Sana magkaroon na ng kalinawan ang lahat. Sana nga!
(Later..)
Una siyang inihatid ni Yrish. Hindi niya maimagine kung anong mangyayari sa dalawa pagka hatid sa kanya. Parang ayaw ngang kumilos ng mga paa niya ng nakarating sila sa harap ng condo building ni Lance. Si Yrish ang tumulong sa kanyang bumaba. Ayaw kasi ni Ethan na doon siya umuwi. Ang gusto nito ay kina Yrish na lang daw siya matulog, kaya hindi siya tinulungan nito.
Pero sa huli, nang papasok na siya ng building, bigla itong bumaba at pinigilan siya. "Bakit?" Nagtatakang tanong niya.
Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. "Iaalis kita dito. Hindi pwedeng dito ka nakatira." Iyon ang tanging nasabi nito.
Pero mas nagulat siya ng halikan siya nito ng dampi sa gilid ng labi! Nayanig na naman ang buong katawang-lupa niya. Hinalikan siya sa labi? Bakit?Agad siyang napatakbo papasok para makaakyat sa condo. Hawak ang dibdib na parang gusto ng bumuka sa sobrang kaba.
Napasandal siya sa likod ng pinto nang makapasok na sa bahay, dahil sa panglalambot ng tuhod. Alam niyang hindi ito dahil sa kalasingan, dahil ito sa halik ni Ethan!
Napukaw ang nagugulo niyang utak ng tumunog ang kanyang cp.
Lance Calling...
Damn! Masyado siyang pre-occupied ng isipin tungkol kay Ethan na nalimutan niya si Lance. Feeling niya tuloy ay nagtaksil siya.
After 7 rings ay sinagot niya. "Lance." Parang biglang naayos ang turnilyo niya sa utak.
<"Hera, I miss you. I need you."> sabi nito sa kabilang linya na parang hirap na hirap. Lalo siyang nakunsensya. Hirap na hirap ang partner niya, samantalang siya, ibang bagay ang nagpapahirap sa utak niya.
"Ha? Ano bang nangyayari sa iyo, Baby?" Nag-aalang tanong niya dahil dinig na dinig niya ang marahas nitong paghinga sa kabilang linya.
<"Baby, help me."> Nakikiusap ang tono nito. Naaawa siya tuloy na hindi maintindihan. Pero boses pa lang nito ay nagbibigay na agd sa kanya ng kaayusan.
"Ano bang maitutulong ko?" Sagot niya dito. Kahit anong hilingin ni Lance sa kanya ay ikasasaya niyang ibigay. Kahit pa gaano kahirap. Kahit pa hilingin nitong lumipad siya papuntang Cebu. Dahil alam niyang kailangan niya si Lance ngayon. Kailangan niya ang attention nito para mafeel niyang secured siya.
<"I miss you..."> Dama niya ang sinseridad at kalungkutan sa boses nito.
"I miss you more. Sana magkita muna tayo." Malungkot ding sabi niya. Gusto niyang makasama na muli si Lance para ang lahat ng kaguluhan sa utak niya ay maisaayos. Ang isiping may isang tao na tumuturing sayong parang nobya ang maaaring mag-alis ng mga agam-agam.
<"Sobrang hectic, Baby. Pero Baby, I need you now."> Halos padaing na sabi nito.
Hindi siya engot para hindi maunawaan kung anong need ang sinasabi ni Lance. Alam niyang kailangan nito siya para makaulayaw.
"Paano?" Tanong niya. Nag-iinit na rin siya ng maalala kung paano sambahin ni Lance ang bawat sulok ng katawan niya.
<"Phone sex tayo..."> Sagot ni Lance na parang may halong pakiusap.
____________________________
A/N:
Whew! Kaya ko ba ito? Phone sex scenes? Bahala na si Batman! Please VOTE & leave a COMMENT. Thanks po! Mwuahhhh!
![](https://img.wattpad.com/cover/8563451-288-k923251.jpg)
BINABASA MO ANG
Lustful Desires
RomanceSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...