LD 30

9.5K 147 9
                                    

A/N:

Salamat sa VOTES! Thank you din po sa comments nina: @MrsSuzy, &mjvelasc0, at @SummerFinn. Tulungan po ninyo akong i-plug ito sa facebook friends ninyo. Thank you po!

_____________________________________

LD 30

I LIKE YOU!

Matapos ang ilang minutong pagkakayakap nila sa isa't-isa ay dinampot ni Lance ang cp sa ibabaw ng mesa. Inakay nito si Hera papunta sa sala. Umupo ito at hinigit siya para umupo sa lap nito. At dahil boxer lang ang suot ni Lance, ramdam niya ang warrior nito sa ilalim ng kanyang butt. Namula na naman tuloy si Hera. Naiisip niya ang sakit pero masarap ng unang penetration nila noon.

Nakatagilid siya sa pagkakaupo. Ang mga braso naman ni Lance ay nakayakap sa kanya. Ang baba ay nakapatong sa balikat niya. Kung may camera lang siyang hawak, kukunan niya silang dalawa. Picture perfect kumbaga.

Binuksan ni Lance ang cp nito at nagpunta sa call log. Binasa kung sino ang recent caller niya. Sarah. Iyon ang nakalagay.

"Sino si Sarah, Lance?" Tanong niya rito.

Hinalikan muna ni Lance ang kanyang leeg bago ito ngumisi at sumagot. "Why do I have this feeling na nagseselos ka? At kinikilig ako. Ayiii!" At sinundot-sundot pa siya ni Lance sa tagiliran.

"Lance naman eh! Tama na!" Nakapout na sabi niya at umiilag sa kiliti nito.

Tumigil naman ito. Ibinaba sa gilid ang celfone nito. Muli siyang niyakap ng mahigpit at ibinaon pa lalo ang mukha sa leeg niya. "She's just a talent. Siya iyong nabanggit ko sa iyong bago kong alaga. Nothing to worry." At hinalikan siya sa cheeks.

Para namang nabunutan ng tinik si Hera sa narinig. Kung sinabi ni Lance na walang dapat ipag-alala, that means, wala talaga.

"Pero I think, she likes me." Sabi nito.

Unti-unting nalungkot ang expression ni Hera. Gusto ng isang artista si Lance, anong laban niya? Anong panama niya sa isang babaeng artista? Siya na isang ordinaryong babae at mahirap pa.

"Ah... G-ganoon ba.." Iyon na lang ang nasabi niya. She plastered a plastic smile para hindi mahalata ni Lance na naaapektuhan siya. Alam niya naman kasing wala siyang karapatan.

"But do you like h-her?" Grabe! Nagawa niyang maitanong. Pero parang pinagsisihan niya. Hindi siya handa sa magiging sagot ni Lance. Paano kung gusto ni Lance iyong Sarah?

"Hmmmm..." Niyakap siya ng ubod ng higpit nito. "How can I possibly like her if I already have you?" Seryosong sabi nito.

Napaawang ang mga labi ni Hera. Although, medyo umaasa siyang iyon sana ang isagot ni Lance, pero iba pala kapag narinig mo talaga mula sa kanyang bibig. Gusto niyang mangisay sa kilig!

"Tsupp!" Sa sobrang tuwa niya, hinalikan niya sa labi si Lance. Nanglalaki naman ang mata nito. Hindi inaasahang mag-iinitiate siya ng halik. Pero nakabawi rin ito agad. Gumanti ito ng mas malalim na halik. Isang nakakalasing na halik!

"By any chance, ano ba talaga ang nararamdaman mo sa akin?" Tanong ni Lance ng naubusan na sila ng hangin.

Napaisip si Hera. Ano nga ba? Crush? Like? Lust? O love? Pero parang love na ata. But that can't be! Bago pa lang silang magkakilala para isiping mahal niya agad ito.

"I think, I like you!" Pulang-pula siya. Ang lakas ng tibok ng pulso niya. Umamin siya? Umamin ba talaga siya? Pero like nga lang ba talaga? "Ikaw? Anong nadarama mo para sa akin, Lance?" Dagdag na tanong niya.

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon