LD 21

10K 121 3
                                        

A/N:

Thank you sa comment ni @MrsSuzy. PaVOTE naman po at paCOMMENT. Thanks po!

_____________________________________

LD 21

MISSING LANCE

"Dahan-dahan naman." Sabi ni Ethan kay Hera. Abala kasi si Hera sa paggagamot sa mga galos ng kaibigan niya. Naandito sila ngayon sa office ni Ethan, at nilalagyan niya ng alcohol at mga cream ang mga galos nito.

"Oo na! Ang laki-laking tao eh takot sa alcohol." Naiinis na sabi niya. Kanina pa kasi reklamo ng reklamo si Ethan habang ginagamot niya ang mga gasgas nito dahil binugbog na naman ito ng Ama.

"Ouchhh... Teka... Teka..." At hinawakan ni Ethan ang kamay niyang may kapit na bulak. Inilayo muna ng bahagya sa mukha niya. Huminga muna ito ng malalim. "Oh sige, game na ulit." Parang batang sabi nito.

Naiiling na lang si Hera. Naaawa siya sa bestfriend niya. Ilang beses pa kaya nila kailangang maggamutan ng ganito? Napaka-bad naman kasi ng kanyang kinalakihang Ama. Wala itong ginawa kundi gawing punching bag si Ethan kapag nalalasing.

Napatingin siya sa mga mata ni Ethan. "Wala ka pa bang nakikitang mauupahan?" Gusto niyang makakita na ng paupahan si Ethan. Hindi para sa kanya, kundi para sa sarili nito. Para makalayo na ito sa sadistang Tatay Kim nito. Mabuti pa siya at komportable na siya sa bahay ni Lance.

"Wala pa nga eh. Siguro mga after 1 month. Nag-iipon pa din ako ng pang-down eh." Sagot nito na nakatingin din sa kanyang mga mata.

Nagbawi naman agad siya ng tingin kay Ethan. Dahil ang feeling niya ay natutunaw siya sa mga titig nito. Mas minabuti niyang ibalik ang attention sa paglalagay ng gamot sa mga galos nito sa mukha.

"Tutulungan kitang makaipon para makalipat ka na." Sabi niya habang nilalagyan na ng cream ang mga sugat nito sa mukha.

"Ako? Ako lang ba ang lilipat?" Nagtatakang tanong ni Ethan. Parang galit ang tono nito. Itinaas nito ang baba niya, "ako lang ang lilipat? Look at me, Hera. Ako lang ba ang lilipat?" Makulit na tanong nito.

Wala na siyang nagawa kundi tumingin sa mga mata nitong puno ng pangungulila. Mga matang nakakaawa. Mga matang puno ng kalungkutan. Pero paano nga ba niya sasabihin kay Ethan na ayos na siya sa tinitirhan nito? Paano niya ipapaliwanag na masaya na siya sa tinitirhan niya?

"Hera, sumagot ka. Sasama ka sa akin, hindi ba?" Nakatitig na tanong nito.

Napalunok si Hera. Gusto niyang sabihin ang totoong nararamdaman. Pero hindi niya kayang saktan si Ethan. Not now, not ever!

"Ah... Eh... " Awe! Hindi niya talaga kayang umoo. Ayaw makisama ng puso niya.

Hinawakan ni Ethan ang kamay niya at pinisil. "Will you come with me, Hera?" Titig na titig na tanong nito muli.

Napalunok siya at binasa ang mga labi. Pakiramdam niya ay natutuyo ang kanyang lalamunan. "O-oo. Syempre! Ano ka ba?" Pilit ang ngiti sa mga labing sagot niya.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi ng gwapong si Ethan. "Salamat." At pinisil nito ang kanyang mga pisngi. Kapit na ngayon ni Ethan ang kanyang magkabilang cheeks.

Dug...

Dug...

Kinakabog ang puso ni Hera sa sweet gesture ni Ethan! Parang may kung anong namimilipit sa tiyan niya.

Nag-iwas na siya ng tingin kaya nabitawan na ni Ethan ang kanyang mga pisngi. Ipinagpatuloy na niya ang paglalagay ng gamot. Si Ethan naman ay hindi na muli pang nagsalita. Sumandal ito sa upuan at ipinikit ang mga mata.

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon