LD 17

11.9K 163 7
                                        





A/N:



Maraming salamat po sa votes ninyo at sa comments nina: @ukissmeful, @mimosweet, @MrsSuzy, at @mjvelasco.



Thank you po sa lahat ng mabait na nagvovote, nagcocomment, at sa lahat ng readers!





________________________________________





LD 17





TAMPUHAN







Sinundan naman agad ni Hera si Lance sa kwarto nila. Naabutan niya itong nakatagilid ng higa at nakatalikod sa kanya.









"Lance.." At tinapik niya ang balikat nito. Hindi naman nagreact man lang si Lance sa ginawa niya.









"Lance, I'm sorry!" Paghingi niya ng paumanhin at umupo na sa may likod ng binata. Nanatili naman itong walang kibo.









Humiga na si Hera sa likod ng binata at niyakap ito. Isiniksik ang mukha niya sa balikat nito. "Lance, sorry na." Sabi niya at sunod-sunod ang kiss sa cheeks ng binata.









Hindi naman ito kayang tiisin ni Lance. Iniyakap na rin nito ang kamay sa mga kamay ni Hera na nakayapos mula sa likod niya. "Saan ka ba kasi galing?" tanong ng binata sa kanya.









"Sorry na. May problema kasi si Ethan, kaya sinamahan ko muna." Paliwanag niya. Pero hindi na niya pinahaba p. Hindi na niya sinabing nanuod pa sila ng sine.









"Sinong Ethan?" Nilingon siya ni Lance.









"Kapatid ko. Iyong nakita natin sa Hypermart." Paalala niya sa binata.









Humarap na sa kanya si Lance, habang siya namay nakayakap pa din sa bewang ng binata. "Sana naman ay nagtext ka man lang na may lalakarin ka pala." Seryosong sabi nito.









"I'm sorry, nawala sa isip ko. Masyado kasi akong abala sa pagdamay sa kapatid ko."









"Bakit ano bang nangyari?"









"Nabugbog kasi siya ng Tatay namin."







Nanglaki ang mata ni Lance sa narinig. "Seryoso ka ba? Paanong nabugbog? Bakit nabugbog?" Tanong nito sa kanya.









"Ganun kasi ang Tatay namin. Kapag nalalasing ay nananakit. Hindi naman siya ganoon dati ng buhay pa si Nanay." Paliwanag niya.









"Ohmaygad! Kawawa naman kayong magkapatid." At niyakap na siya ng mahigpit ni Lance. "Sorry, I didn't know na may ganyan ka pa lang problema." Dagdag pa ni Lance.









"It's ok. Kaya nga ako ngayon nakikitira sa iyo dahil sa bagay na iyan." Nakangiting sagot niya at mas sumiksik pa sa dibdib ng binata. Gustong-gusto niya ang init na nanggagaling kay Lance.









"Alam mo Hera, ngayon ko lang naisip, wala akong masyadong alam tungkol sa iyo." Bulong nito sa tenga niya. And she must admit, it sent shivers down her spine.







Dumistansya siya ng konti at tinitigan ang mga mata ng binata. "What do you want to know?" Tanong niya rito.









"Basic info about you. Please tell me. Can you do that?"









"Sige. Well..." At binasa muna niya ang mapupulang labi niya bago sinimulan ang kwento. "Ako si Hera Chan, 20 years old, graduate ng 2 year secretarial course. Half-Filipino, at half-Japanese ako. Namatay ang Inay noong 8 years old ako at 10 years old si Ethan. At magmula noon, nag-iba na ang ugali ni Tatay Kim." Hindi na niya kinuwento ng buo na hindi naman niya biological parents ang magulang ni Ethan. At hindi na rin niya ikinuwento ang tungkol sa tunay niyang pamilya. Siguro kapag nagtagal sila ni Lance, ay baka ikuwento niya rin naman dito.







"Ahhh... Well... para fair, ipapakilala ko din ang sarili ko sa iyo. I'm Lance Lao, 25 years old, bunso sa dalawang magkapatid. Ang Ate ko ay si Sapphire Lao na nasa abroad naka-base ngayon. Amin ang LAO ENTERTAINMENT at isa ako sa mga CEO, habang ang Mom kong si Sophia ang President. Buhay pa ang Dad ko, pero wala siyang hilig sa limelight. Nagmamanage lang siya ng isang hotel abroad."







"Wow! Sobrang yaman ninyo pala talaga!" Namimilog ang mata na comment niya. Alam niyang mayaman si Lance pero hindi niya akalaing SOBRANG YAMAN pala.









"Sobrang yaman? Hindi naman! Mas mayaman kaya sa akin ang mga talents kong sina Zyrah at Zeon (A/N: bida ng Innocent Love <3), at sina Ria at Tope (A/N: bida ng I Love You, Justine Choi!)." Nakangiting sabi ni Lance sa kanya.








"Pero kahit na. Mayaman pa din. Hindi pala talaga tayo bagay. Bigla tuloy akong nangliit." Nahihiyang sabi niya.









"Alam mo Hera, all is fair in love. Walang sinisino ang pagmamahalan ng tao."









Sht!









Dug..











Dug..











Grabe ang kaba niya!











Hindi kaya....









"Uhmmm.. Lance..." Tinitigan niya ang mga mata nito.









Lumaban naman ito ng staring contest sa kanya. "Yes?" Tanong nito na lalong nakadagdag ng kabog ng puso niya.







Daig niya pa ang tumakbo sa treadmill, nagbike, gumamit ng elliptical sa gym, at nag-funrun sa lakas ng lahat ng pulso niya. 'Baka marinig na ni Lance ang tibok ng puso ko. Nakakahiya!' muni-muni niya pa.









Huminga muna siya ng malalim.









'Bahala na!'









"By any chance, mahal mo na ba ako?" At napapikit siya pagkatapos niyang magtanong. Kinakabahan siya sa isasagot nito.









Ngunit muli lang din siyang nagmulat at napamulaga!









Hinalikan siya ni Lance sa labi. Isang long and passionate kiss. Isang halik na mapag-angkin. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Pakiramdam niya ay nagkakagulo ang kanyang buong sistema!









"You're very innocent." Ang tanging sagot nito nang matapos silang magkiss. Magkadikit ngayon ang kanilang mga noo.









"H-ha?" Nauutal na tanong niya. Anong kinalalaman ng pagiging inosente niya?









"Kung anong nakikita mo, kung anong ipinapakita ko, at kung anong nararamdaman mo, iyon na iyon." Sagot nito at nag-smack sa mga labi niya.









Napakunot ang kanyang mga noo. "Ano? Hindi ko makuha." Tanong pa niya. Mahina siya sa riddles kaya gusto niyang malinawan ang sinasabi nito.







Kinuha ni Lance ang palad niya. Itinapat nito sa sariling dibdib niya. "Ano bang sabi ng puso mo?" Tanong nito habang nakatitig sa kanyang mga mata.









Pinakiramdaman nga naman niya ang kanyang dibdib.









Dug..











Dug..









"Anong sabi, Hera?" Tanong nito sa kanya.









Ipinikit ni Hera ang mga mata para mas madama niya ng ayos. "Dug.. Dug.. Dug.. Dug.." At patuloy niyang ginaya ang tibok ng puso niya.









Napamulat siya ng marinig niyang natawa si Lance. Pinisil pa nito ang ilong niya. "Halika na nga. Samahan mo ako. Ang sabi kasi ng tiyan ko ay GRRR... GGRRRR..." Natatawang sabi nito.









Alam niyang nagpapatawa ito. Gusto lang nitong sabihin na gutom na ito. "Ha-halika na." At bumangon na siya sa kama.







**









Wala siyang pasok sa work dahil sabado ngayon. At si Lance naman, simula ng makitira siya sa condo nito, hindi na rin ito napasok kapag weekends. Nakaupo sila sa park dahil napagod sila sa pagjojogging kanina.









"Tingnan mo iyon, ang sweet." Turo niya kay Lance gamit ang nguso. Sa hindi kalayuan kasi ay may mga grupo ng binatilyo at dalagita ang nagtatakbo sa park. Kitang-kita nila na tumakbo iyong couple na sinusundan ng mukhang batang kambal, tapos isang binatang lalaki, at isang dalagitang babae.









"Sweet ba iyan? Eh tingnan mo nga, halatang pinag-aagawan nung dalawang binatilyo iyong isang dalagita." At natigilan ito. Kumunot ang noo.









"Bakit, Lance?" Nagtatakang tanong ni Hera ng makita ang pagbabago ng facial expressions nito.









"Kilala ko iyon! Anak ng kaibigan kong si Tope at Ria." Sagot ni Lance sa kanya.









"Tope?" Parang narinig na niya ang pangalang iyon.











"Si Tope iyong kasama ko sa bar ng una tayong nagkakilala." Paalala ni Lance sa kanya.









"Ah oo. Iyong kasama ninyo noon ng sikat na artistang si Zeon Lee?"









"Oo iyon nga."











"Magandang bata ah. Sabagay gwapo din iyong Tatay niya." Wala sa loob na puri niya.









Napansin niyang sumimangot naman si Lance. "Huwag mo ng pagnasaan. Mahal na mahal noon ang asawa niya. Matagal niya iyong pinaghirapan. Hindi ka mapapansin noon." Sabi nito na nakatanaw pa din sa mga bata.









Hinampas niya ng mahina sa braso si Lance. "Kung anu-anong iniisip mo! Ang ibig ko lang sabihin ay napakaganda noong batang babae. Kaya naman pala ay dahil sa gwapo iyong Ama." Paliwanag ni Hera. "Ano bang pangalan noong batang iyon?" Dagdag na tanong pa niya.









"Monaliza Zhane Zacarias. Lizzie for short." Sagot nito sa kanya.









"Wow! Even the name, ang ganda ng pangalan." Papuri pa niya.









Kinabig siya Lance sa bewang at hinapit ng mas mahigpit. "Huwag kang mag-alala, dadating ang araw at bibigyan mo din ako ng tulad ni Lizzie." At kumindat pa sa kanya si Lance.










Hinampas niya ng mahina sa dibdib. "Loko ka talaga!" At pulang-pula siya. Medyo gusto rin niya ang idea na magkakaanak sila ni Lance, pero sana lang ay huwag muna ngayon. Hangga't walang kasiguraduhan ang relasyon nilang dalawa.









Tawa lang ng tawa si Lance at hindi pinapansin ang pananakit niya. Hindi nagtagal ay tumigil din ito. Pinanuod pa rin nito ang mga batang mukhang may pinagdediskusyunan ngayon.








"Puntahan natin sila. Mukhang may pinagtatalunan sila." Yaya nito kay Hera.










Umiling si Hera. "No, Lance. Pabayaan mo lang sila. May sarili silang isip, let them solve their problem. Huwag tayong makialam." Payo niya dito.








Tumayo si Lance. "Halika na. Jogging na tayo. Para makauwi na tayo. Gagawa pa tayo ng mga kinakapatid ni Lizzie." Ngumisi ito at tumakbo na.








"Haishh! Perv talaga!" At natatawang sinundan na niya ito.









Napapailing na lang siya. Kagabi lang ay nagtatampo ito sa kanya. Ngayon ay kinukulit na siya. Mabuti na lang talaga at madali itong mapaliwanagan. 'Napaka-maunawain talaga ng boyfriend ko' muni-muni niya.








Ipinilig niya agad ang ulo. 'Anong boyfriend ko?' Sabi niya sa utak niya.








"Anong problema?" Tanong ni Lance ng makaagapay siya. Nakita siguro ang pagpilig niya ng ulo.








"Wala!" At binelatan niya ito at nilampasan ng takbo.









"Hintay!" Sigaw nito.







Para silang mga batang naghabulan sa plaza. Minsan talaga ang bawat adults ay meroon pa ding child heart in them.





(A/N: Ang lovebirds... Hera & Lance ------>>>>>)


_______________________________________________





A/N:





Kindly vote & comment.

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon