LD 58

7.6K 126 5
                                    

A/N:

SALAMAT PO SA LAHAT NG SUMOSUPORTA SA AKING MGA STORIES! SALAMAT PO SA LAHAT NG MGA NAG-VOTE AT NAGCOCOMMENT. IYONG IBA PO, COMMENT AT VOTE NA PO KAYO NG GREATER THAN 10 CHAPTERS PARA MAKAPAGDEDICATE AKO.

THANK YOU PO!

_____________________________________________

LD 58

DUDA

Dalawang buwan na ang nakakaraan. Inip na inip na si Hera kahihintay kay Lance. 3 weeks kasi after ng umalis si Lance ay hindi na siya dinatnan. Nag-Pregnancy Test siya at positive! Magiging ama na si Lance Lao. Ang problema nga lang ay hindi pa niya nasasabi hanggang ngayon. Hirap na hirap pa naman siyang maglihi. At kahit ayaw niya, si Ethan ang nasasandalan niya ngayong panahong wala pa din si Lance.

Nagkakausap naman sila at nagkakakumustahan ni Lance. Regular silang nag-uusap sa viber. Kadalasan ay siya ang hindi makatiis na matapos ang araw ng hindi man lang naririnig ang boses ng binata.

Kahit na busy, kahit na hi at hello lang ang masabi, ay sinisigurado ni Hera na walang mintis ang communication nila. Minsan nga ay hindi niya maiwasang hindi magselos. Limang minuto na nga lang silang mag-uusap ay naaabala pa. Busy kasi masyado si Lance sa shooting at gigs ni Zeon Lee sa Paris.

Minsan, dinadalaw siya ni Zyrah sa condo ni Lance. Namimiss din kasi ng artista/ modelo/ singer ang asawa. Ang mga commitment kasi ni Zyrah ay kadalasang sa Pilipinas lang muna. Lalo na ngayon na nasa abroad ang mister nito. Anya, para daw may bantay ang 3 taon ng si Von.

Mabait naman si Zyrah sa kanya. Minsan ay inaaya siya nitong magshopping kasama ang anak na si Von. Ibinibili siya nito ng mga sexy dress at shoes. Para daw pagka may mga functions siyang aattendan ay hindi siya magmukhang basahan. Pero nasasayangan siya sa maraming damit na binili nito. Hindi kasi maglalaon at maternity dress na ang mga kailangan niya. Hindi pa naman masyadong umbok, pero medyo bumubukol na ang tiyan niya.

Ngayon, naandito siya sa office. Kahit bawal sa buntis ang masyadong mais-stress ay wala siyang magawa. Hindi pa naman kasi niya nasasabi sa mga katrabaho niya ang kondisyon niya. Tanging sina Yrish at Ethan lang ang nakakaalam.

"Hera, umakyat ka nga sa 11th floor at kunin mo ang papeles sa opisina ni Director Go." Utos na naman sa kanya ni Sapphire. Ngayon kasing wala sa Pilipinas si Lance, ito ang naging immediate boss niya pansamantala.

"Opo." Sumunod naman si Hera. Medyo masakit na nga ang paa niya. Kagagaling lang niya kanina sa 5th floor dahil may inutos din si Sarah at ngayon ay aakyat na naman siya. Ang malala pa, 1th floor ang pupuntahan niya! Sira pa naman ang kanilang elevator dahil ginagawa ang mga ito at papaltan ng mga bagong units.

Umakyat na si Hera papuntang itaas. Nang marating niya ang 6th floor ay medyo napasandal muna siya sa handrails. Pagod na pagod na kasi siya. Pinunasan niya ng likod ng braso ang pawis na natulo na sa kanyang mga mata.

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon