A/N:
Please VOTE and leave a comment. Maraming salamat sa walang sawang nagbabasa ng gawa ko.
Thanks to: @MrsSuzy, @yaniebabe, @SummerFlinn, at @cocobash sa comments!
_______________________________________
LD 34
SAPPHIRE LAO
Pagod na pagod na nakasalampak si Lance sa eroplano. Imagine, parang gagawin niya lang palengke ang Manila to Cebu. Wala pa namang one hour ang byahe, pero ang pagod at gastos, grabe lang!
But it doesn't matter for Lance. Ang importante sa kanya ay ang makita si Hera. Barya lang naman sa kanya ang pamasahe. Nakakapag-abroad nga siya, itong local flight pa?
Pumikit muna sandali si Lance. 3am na at antok na siya. Literal na gusto niya ng tukudan ng toothpick ang talukap ng mga mata para hindi mapapikit. Ang utak niya ay kayang-kaya ang pagod, pero ang katawang-lupa niya, parang bibigay na!
Nagising si Lance ng marinig ang announcement sa mic na lalanding na daw sila. Feeling niya narecharge na siya ng marinig na they are now on NAIA. He wasn't sure kung dahil sa kaalamang, he will now have a chance to see Hera again, or because of his power nap? But anyhow, ang importante, full battery na naman ang katawan niya.
Tumingin siya sa technomarine watch niya. It's already 3:30 am. Halos one hour na lang ang itatagal niya dito sa Manila. Ang flight niya kasi pabalik ay 4:20 am. Kasi may shooting sina Sarah at JP ng 5am. Siguro ay doon na lang siya sa location ng shooting iidlip mamaya.
Malalaki ang hakbang niya palabas ng airport. Wala naman siyang masyadong dala kay isang backpack lang ang bitbit niya. Pagkatapos i-check ang bagahe niya, tumakbo na siya palabas ng airport. Wala na siyang panahon para magpacute. He has to see Hera. Iyan ang nasa utak niya.
Dahil madaling araw at walang traffic, nakarating siya agad, sakay ng taxi sa UKISSMEFUL CONDO. Sumaludo sa kanya ang guard pagbaba niya ng taxi.
"Good morning, Sir!" Bati ni guard sa kanya.
"Good morning! Is Hera here?" Tanong niya sa information.
"Sorry po, Sir. Wala pong tao sa unit ninyo nung isang araw pa po." Sagot naman ni Miss. Simpleng naghawi pa ito ng buhok para magpacute. Pero sorry! Tumango lang si Lance at tinalikuran na ito.
Sumakay siya sa lift with so many questions in his mind.
'Nasaan si Hera? Bakit hindi nauwi? Nagalit ba sa hindi niya paguwi noong isang gabi? Hindi ba siya naunawaan ni Hera at nilayasan na lang siya nito?' Tanong niya sa sarili.
TING!!
Laglag ang balikat na lumabas na siya ng elevator. Mabagal ng naglakad papunta sa unit niya. Then he entered 1009 as the door's code. Ang sabi kasi ni Hera October 9 daw kasi birthday nito. Kaya iyon ang ginawa niyang code.
Napanganga siya ng maamoy ang hindi maipaliwanag na amoy sa bahay niya. "Ano iyong mabaho?" Tanong niya sa sarili. Then he was sniffing his way going to the dinning area. For it seems like, the bad smell was coming from there.
Kinabahan siya ng makita ang lamesa. May panis na pagkain doon at platong nakahain. Nang makita niya iyon, kinabahan siya!
"Mukhang dapat ay kakain, pero hindi naituloy." Nag-aalala siya.
Sinubukan niyang tawagan si Hera dahil baka sakaling makausap niya na ito. But he was so disappointed! Patay pa rin ang cp nito. Naiiling na nilagay niya sa dishwasher ang mga nakahain. Itinapon na naman niya ang napanis napagkain.
BINABASA MO ANG
Lustful Desires
RomantikSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...
