LD 8

14.4K 235 4
                                    

A/N:

Maraming salamat po sa lahat ng nagvote at nacomment! Thank you po!!!

_____________________________________

LD 8 YRISH & ETHAN

FLASHBACK KANINANG UMAGA**

Paglabas ni Hera ng condo ni Lance ay nagdire-diretso na siya sa labas ng building. Natakot pa siya dahil mukhang namukhaan siya ng guard na nasa lobby. Baka masita na naman kasi siya. Sabagay ano pa bang magagawa nito kung galing na siya sa loob ng building?

Napatitig ito sa kanya ng dumaan siya at kumunot ang noo. Nalampasan na sana niya ito, ng maisipang bumalik muli sa harap ng guard.

"I told you I'm not a prosti..." At ngumisi pa siya sa tulalang guard.

Napatungo naman ito ng matandaan na kung saan at paano sila unang nagkita. "Sorry po." Nahihiyang tugon nito.

"Next time ay hindi ko na palalampasin iyon. Hindi ka naman dapat kasi tumingin sa pisikal na anyo ng isang tao." Patuloy niya sa nanguusig na mga mata sa guard.

Napatunghay naman ito at mahinang sumagot ng, "Sana po mapatawad ninyo ako. Ginawa ko lang po trabaho ko kasi mga importanteng tao ang nasa building na ito."

Natigilan si Hera bago sumagot. "Nauunawaan ko, Manong guard. Pero hindi naman kasama ang alipustahin ang kapwa di ba?" Nakataas pa ang isang kilay habang nakahalukipkip. 

"Sorry po ulit. Mahal ko po ang trabaho ko, sana po ay mapatawad ninyo ako." Sagot ni Kuya na malumanay, pero hindi mapigil na tiningnan si Hera mula ulo hanggang paa.

Parang natauhan naman si Hera. Wala pa siyang dapat ipagyabang dahil ang itsura ng suot niya ngayon.Iyong fitting na t-shirt para kay Lance na, ay mukhang jacket sa sobrang luwag sa kanya. At ang Chicago Bulls nitong shorts ay halos 6 inches below the knee ang haba.

"Sige na. I forgive you sa pag-alipusta mo sa akin." Sagot ng mapagpatawad na si Hera.

"Salamat po Ma'am... Salamat po!" Sunod-sunod na pasasalamat nito. Tumango lang si Hera at sumakay na sa tricycle papunta sa bahay nina papuntang bahay nina Yrish. Ang kaibigan niyang si Yrish ang naisipan niyang makakatulong sa kanya sa ganitong pagkakataon.

BAHAY NINA YRISH:

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon