LD 38

9K 108 3
                                    



LD 38

KASIGURUHAN




CEBU:






Hell week para kay Lance ang linggong ito. Napakadami niyang inaasikaso sa linggong ito. Pero ayon naman sa secretary niyang si Evie, pagkatapos ng linggong ito ay makakauwi siya ng Manila. Ayon kasi sa schedule niya, may ilang scenes ang drama na kukunan ng isang linggo sa Manila. Kaya excited na si Lance. Hindi na niya iniinda ang ang pagod at puyat ngayong linggong ito.






Nung isang araw ay tumawag sa kanya si Hera, para magpaalam na lilipat na daw ito ng bahay, para makasama ang kanyang kapatid sa bahay. Kahit na gustong-gusto niyang pigilan sana si Hera, alam niyang wala siyang karapatan. Ni hindi man lang siya boyfriend nito, para pigilan ito sa mga gusto nitong gawin.





Ngayon, narerealize na niya ang disadvantage ng ganito na walang commitment. Mahirap din pala? Kahit na gustong-gusto mong i-control ang buhay ng kasama mo sa buhay, hindi pwede. Dahil technically speaking, wala kang karapatan. Hindi naman kayo!






And that thing is the only reason that's giving him a hard time. Gusto niyang magkaroon siya ng karapatan na hawakan ang buhay ni Hera. Hindi naman sa gusto niyang patakbuhin ang buhay nito, but at least, iyong pwede sana siyang magbigay ng opinion sa mga desisyon nito. Opinion na mapipilitan itong sundin dahil boyfriend siya nito.





"Kasalanan ko ito eh!" Inis na napabuga siya ng hangin habang nakatanaw sa kawalan. Siya naman talaga ang dapat sisihin. Siya ang lalaki, dapat sana ay siya ang naglagay sa ayos ng relasyon nila. Pero siya itong duwag na masaktan kaya ayaw niya ng commitment.






"Anong problema mo, Sir Lance?" Tanong ni JP na nakaupo malapit sa kanya. Kasalukuyan silang nasa set pero scenes ni Sarah at ibang artista ang kinukunan.






"Pare, pwede bang Lance na lang ang itawag mo sa akin?" Sabi niya habang nakatingin sa kawalan.





"Ok. So ano nga, Lance? Anong problema?" Kulit ni JP sa kanya.





Nilingon niya ito. "Naranasan mo na bang magkagusto sa ibang babae?" Seryosong tanong niya.





"Oo. May minahal na ako dati, pero I ended-up getting hurt." Sagot nito habang nakasunod na ngayon ang tingin sa bawat galaw ni Sarah.





"Bakit? Anong nangyari?" Siya naman ngayon ang naging interesado sa kwento nito.





"Nahuli ko siyang may kasamang iba. Pero ng tanungin ko siya, hindi niya inamin. Sabi niya, biktima lang daw siya ng pagkakataon. Na hindi daw iyon ang tunay na nangyari." Napansin niyang naging malungkot ang mukha nito. Habang titig na titig pa din sa bawat galaw ni Sarah.






"Tapos?"






"Hindi ko siya pinakinggan, and naghiwalay kami. Ngayon, iyan ang habang buhay kong pagsisihan." At napatungo ito pagkasabi nun.






"Ako naman dati, I almost have Zyrah. Ramdam ko ng minahal niya ako. Na sa akin siya kumukuha ng lakas. Na hindi niya kaya kapag wala ako. Pero wala eh. Nang bumalik ang lalaking para sa kanya, tinalikuran niya din ako." Napatitig sa kanya tuloy si JP.





"Si Zyrah Lee? Iyong artista?" Nagtatakang tanong nito. (A/N: Zyrah po ay bida sa MY DEAD HEART. Nasa external link ------>>> )






"Oo. Kahit naman ikaw nagkagusto sa kanya hindi ba?" Tanong niya rito.





"Oo. Pero muntik mo na pala siyang maging gf? Wow!" Bilib na sabi ni JP sa kanya.





Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon