LD 62

8.5K 136 7
                                    

A/N:

Thank you po sa support ng lahat! Maraming salamat po! Don't forget to VOTE & COMMENT po. 

_________________________________________________

LD 62

ANG PAG-AMIN

Nasa ganoong kasarap na sila ng pagtatalik ng biglang itulak niya si Lance. Takang-taka itong napaupo ng bigla siyang hubo't-hubad na tumakbo papuntang banyo.

 "UWAAAKKK!!!"

Wala na! Inilabas na ni Hera ang hinapunan niya.

"What's wrong?" Nagtatakang tanong ni Lance habang hubad ding nakayakap mula sa likod niya dito sa loob ng banyo.

Kumalas muna siya sa yakap ni Lance at nagmumog sa lababo. Ramdam niya ang mga titig ni Lance sa kanya mula sa gilid. Pagkatapos ay inabutan pa siya ni Lance ng tuwalya na tinanggap naman niya agad. Nang madaanan niya si Lance ay sinuotan siya nito ng bathrobe na ibinuhol naman niya agad.

Lumabas siya ng banyo habang nakabuntot si Lance sa likod niya. Nagtapi na ito ng isa pang tuwalya. Umupo sila sa gilid ng kama na magkatabi. Nakatitig lang si Lance sa kanya habang inaantay siyang magkwento.

Dug..

Dug..

Kinakabahan siya! Hindi niya alam kung magagawa ba niyang sabihin dito ang lahat. 'Tanggapin kaya niya?' Iyan ang tanong sa utak niya ngayon.

Tumikhim muna si Hera bago nagsimula. "Kasi Lance, nitong mga nakaraang araw palagi akong nahihilo, nagsusuka, inaantok, emotional, at iyong mga pagkaing paborito ko dati, ayaw ko na ngayon." Panimula niya.

Nakita niya naman ang pag-aalala ni Lance sa mukha nito. Iniayos pa nito ang ibabaw ng robe niya kasi labas pala ang cleavage niya. "Naku! Eh magbihis ka at magpapacheck-up tayo." Nag-aalalang utos nito.

Umiling siya na ikinakunot ng noo nito. "Wala akong sakit, Lance." Ang lamig na ng kamay niya habang sinasabi ito.

"Wala ba iyong nagsusuka, nahihilo, atbp?" Lalong kumunot ang noo ng binata sa sinabi niya.

"Wala akong sakit. B-buntis lang.." Halos pabulong na niyang sagot habang nakatitig sa mata nito.

"You are what??" Napataas ang boses nito sa narinig sa kanya.

Napalunok siya sa kaba. Pero ito na eh, wala ng atrasan. "I'm p-pregnant." Nauutal pa ring sabi niya.

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon