LD 53

7.2K 116 4
                                    

A/N:

SALAMAT sa mga nagVOTE at nagCOMMENT. Lalo na kina : @mjvelasc0, @simply_neri, @SummerFlinn, and @QuelaiDublas.

Please continue VOTING & GIVING YOUR INSIGHTS

__________________________________________

LD 53

SELFISH

"Bili na tayo ng pagkain." Pag-iiba ni Hera ng topic. Tumayo na ito at inaantay ang tumayo na rin si Lance. Kasalukuyang naandito sila ngayon sa company canteen at kakain ng lunch. Kanina ng aksidente niyang mahuli na nag-uusap ang dalawa ni Ethan sa pantry ay sumama na ito sa kanya para kumain.

Medyo nangangatog pa ang tuhod sa inis dulot ng nakita at narinig niya kanina. "Ang mabuti pa, i-order mo na lang ako ng one rice at caldereta. Ayokong tumayo para pumila." Malamig na utos niya kay Hera sabay abot dito ng pera pambili .

"Wait lang, ah..." At tumalikod na agad ito.

Napasandal na lang si Lance sa upuan. Pinapanuod niya ang dalaga habang umoorder. At hindi niya maitatanggi sa puso niya na mahal pa rin niya ito. Hinagod ng paningin niya ang sexy nitong katawan na dati ay solo niyang natitikman.

'Sana nga matutunaw na lang ng ganoon ang lahat ng sakit.' Sabi ng utak niya. Naalala na naman niya na may iba ng nagpakasasa sa katawan ng dalaga.

Pabalik na si Hera sa mesa nila ng makita niyang nilapitan ito ni Ethan at hinawakan sa siko. Napahawak siya sa table cloth ng mesa dahil pinipigil niya ang sariling sapakin ito. 'Masyadong pushy ang isang ito ah!' Inis na bulong niya sa sarili. 'Hindi ba nito nakikita na umiiwas na si Hera? What will you do now, Hera?' 

Nakita niyang umiling si Hera at iwinaksi ang siko sa pagkakahawak kay Ethan. Nagkatitigan sandali ang dalawa na parang nagtatanyahan. Ang mga chismosa tuloy ay napatingin sa kanila. Mabuti na lamang at busy si Sap sa pakikipag-usap sa mga empleyado nito habang kumakain.

Kitang-kita rin niya ng si Hera ang tumalikod dito at lumapit na sa lamesa nila. "Kain na tayo." Matabang na sabi nito na parang wala sa sarili. Para itong natulala sa mga nangyari. Pakiramdam tuloy niya, pinahihirapan niya si Hera. Nasasaktan na naman siyang makita na apektado ito at nahihirapang iwasan si Ethan. 

'Siguro kung wala ako dito, o wala sila sa company, malamang ay magkasama na ang dalawang ito para sabay kumain. Kawawang Hera dahil parang nahihirapan siya. Parang hindi ito ang gusto niya. I know I'm being selfish na matuwa na nakikita siyang nahihirapan. Pero kung mahal niya talaga ako, she will endure the pain.' 

Sumubo na siya ng pagkain ay tulala pa rin si Hera. Nakatungo lang ito habang kumakain. This is it! Hindi niya kayang tingnan pa ang kalungkutan nito ng dahil lang para sa kanya. Kaya ibinagsak niya ang kutsara at tinidor. Nawalan na siya ng gana. Medyo nagulat pa si Hera sa tunog na nilikha niya. Napakunot ang noo nito at tinitigan siya.

"Nawalan na ako ng gana!" Inis na sabi niya at iniwan na si Hera na nakaawang ang mga labi. Parang may gustong sabihin, pero wala siyang panahon para makinig dito. Ang alam lang niyang hindi kusang loob ni Hera ang ginagawa nitong pag-iwas. Pero hindi nga ba?

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon