LD 2

19.4K 228 6
                                    




A/N:


Please VOTE & COMMENT naman po diyan.. Eto mahirap pag-bago story, less ang readers.. huhuhu!




______________________________________





Pagbalik ni Hera sa sasakyan ni Lance ay natagpuan niya itong nakatungo sa manibela, at mukhang himbing na himbing na sa pagtulog.




Hindi maiwasan ni Hera na mapatitiig sa binata. Maganda ang body built, matangkad, matangos ang ilong, mapungay ang mata, kissable lips, all in all, GWAPO!





"LANCE... LANCE.." Malakas na gising niya kay Lance habang niyuyugyog ito sa balikat para magising.




Ngunit walang reaction ang binata. Kulang na lang ay humilik ito sa sobrang himbing ng tulog. Napapangiti siya sa isiping kahit reypin niya ang binata ay hindi nito mamamalayan.





"Lance." Tawag niya muli na mas nilakasan ang yugyog dito. Pero NO REACTION pa din ang binata. Deep sleeping talaga ang nangyayari dito.




"Heisstt!" Inis na si Hera. Mukhang walang pag-asa itong magising pa sa sobrang kalasingan.





Bumaba si Hera ng kotse. Next time na lang siguro ang naudlot na ginagawa nilang kababalaghan ni Lance kanina sa bar. Lumingon siya sa huling pagkakataon, na para bang sobrang panghihinayang talaga niya, na kahit tandaan lang ang kagwapuhan nito ay ok na.




Ang kaso nakita niya itong napalungayngay ito sa gilid ng manibela. "Paano na siya nito makakauwi? Hay naku naman!" Pumasok siya sa loob ulit ng kotse. Ewan ba niya pero parang may nagbubulong sa kanyang huwag pabayaan itong mag-isa.





Iniayos niya ito ng upo. Nafufrustrate na tinitigan. "Saan kita ihahatid?" Pagkausap niya dito habang ito'y tulog pa din at nakasandal sa driver's seat.





Parang nag-echo sa kanya ang binulong noong gwapong artistang kaibigan nito.




UKISSMEFUL CONDO, Room 143





Hindi naman poor ang memory niya kaya doon niya ihahatid si Lance!






Hirap na hirap siyang ilipat ito mula sa unahan papuntang backseat ng sasakyan nito. "Ang bigat mo naman!" Reklamo niya sa mahimbing na si Lance. Pagkatapos ay kinapa niya ang mga bulsa nito para sa susi ng kotse




Dug.





Dug..





"Anong problema ko? Bakit tumatambol ang puso ko?" Sabi ni Hera habang dinadama ng kanyang kanang kamay ang tapat ng dibdib niya. Kasi naman, hindi sinasadyang masanggi ng daliri niya ang umbok sa harapan nito. 





Dug..




Dug..




"Hay naku! Maihatid ka na nga!" Inis na sabi niya para mawala na ang uncomfortable feeling niya.






**



Napatingala siya sa mataas na building na nasa harap niya. Parang nalulula siya sa gara nito. "Mayaman pala talaga itong si Lance." Naiiling na sambit niya. Nang matapos tanawin ang malaking condo building ay kumaway na siya sa guard.

"Kuya!" Malakas na tawag niya sa guwardiya ng building na iyon.

Lumapit naman si Kuya Guard sa kanya. "Bakit po?" Magalang na tanong nito.

Bago sumagot ay binuksan muna ni Hera ang pinto ng backseat ng kotse. "Kuya, nalasing kasi si Lance. Pwede mo po ba akong tulungang ipasok siya?" Ginandahan pa ni Hera ang ngiti para hindi maka-angal si Guard.

Sandaling natulala si Guard sa ginawa niya. Pero sa huli ay sumunod din ito sa kanya. Ipinatong ni Guard ang isang braso ni Lance sa balikat niya at hinawakan sa bewang ang lasing na binata. Si Hera naman ang umalalay sa kabila.

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon