A/N:
Tama si @mimosweet sa comment niya. At mga sinusulat ko po ay ayon sa tunay na mga pangyayari sa mga buhay-buhay natin. Hindi ko po ito sinusulat para ang maging flow ay ang inaasahan nating happy ending. Kung ang cinderella nga po ay may mga anatagonist, samantalang fairy tales iyon. At ang pagiging ganyan ni Hera ay hindi po malayo sa katotohanan. May mga babae talagang ganyan. Pero ang importante ay ang pinipilit nilang itayo ang bumagsak nilang dignidad. Sa buhay ng inyong author ay marami din akong kapalpakan, kaya hindi ako manghuhusga sa mga babaeng tulad ni Hera na nawala sa tamang asal. Pero sisiguruhin ko naman po na makikita ninyo ang pagbabago niya. Iyon ay kung magbabago nga siya. Iyon po ang isa sa ating mga aabangan.
Anyway, highway, please like my facebook page ANGELMELAY WATTPAD. Maraming salamat sa mga nagvote at nagcomment. Patuloy lang po tayong magVOTE & COMMENT. Salamat po!
_________________________________________
LD 52
SUGAL
"What's the meaning of this?" Mataray na tanong sa kanya ni Sapphire. Nadaanan kasi nito sa bukana ng opisina ni Lance ang ikatlo niyang assistant, si Hera. Napahampas pa ito sa mesa ni Lance kaya medyo nagulat siya.
"Ang alin, Ate? Umagang-umaga ay badtrip ka. Smile ka dyan." Pagmamaang-maangan niya at pang-aasar kay Sapphire. Nagpipigil pa siya ng tawa.
Lumapit ito sa upuan niya at sinapak ang braso niya. "Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo ha! Bakit naandito ang babaeng iyon?" Inis na tanong nito sa kanya.
"Aray naman, Ate. Pabayaan mo lang ako. Don't you trust me?" Nakangisi pang sagot niya at inilagay ang mga kamay sa likod ng ulo.
"May tiwala ako sa iyo. Pero diyan sa puso mo, wala! Maygad, Lance! Una, inahas ka na ng Ethan na iyon at hindi mo pa rin siya pinatanggal kay Mama. Pangalawa, pati ba naman si Hera ipinasok mo pa dito? Ano bang tingin mo sa company natin? Reptile division ng Malabon Zoo?" Kunot na kunot ang noong tanong nito at umupo pa sa ibabaw ng gilid ng mesa niya.
"Wow Ate! Zoologist ka ba? Ang galing mo ha. Alam mo bang ako ay nalilito kung ang snake ay amphibian o reptiles?" Pagpapatawa pa niya.
Binatukan siya ni Sapphire. Alam niyang galit na ito kaya nagseryoso na siya. "Anong ginagawa niya dito, Lance? Pasalamat ka at wala pang alam si Mama, kung hindi malalagot ka talaga!" Nanggigigil na sabi nito.
"Ate, kinuha ko siya para i-test siya. Titingnan ko kung totoo na kaya niyang iwasan si Ethan. At the same time, I'm also testing myself. Talaga bang mahal ko siya? Kaya ko bang patawarin pa rin siya kung makikita ko silang naglalandian sa harap ko? Kapag nangyari iyon, Ate, gusto kong ako mismo ang makahuli. Para naman maging madali ang paglimot ko sa kanya." Seryosong paliwanag niya.
"Mahal mo na siya? Tanga ka talaga! Bakit ka magmamahal ng ganoong babae? Mahirap iyang ginagawa mo, Lance. Mahirap isugal ang puso. Mahirap kung sasaktan mo lang ulit ang sarili mo." Payo nito na medyo unti-unti ng kumakalma.
BINABASA MO ANG
Lustful Desires
RomanceSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...
