LD 65 - EPILOGUE

5.3K 100 10
                                    

A/N: 

Maraming-marami pong salamat sa lahat ng nagbasa ng story kong ito. Sana po kung paano ang support ninyo sa story na ito ay ganoon din sa THE STAR (http://www.wattpad.com/story/10828030-the-star) na nasa external link po sa kaliwa. Iyong mobile po ang gamit, paki checkout na lang po sa profile ko. Maraming thank you!!

Maraming salamat po sa lahat ng nagfollow! Salamat din po sa lahat ng nagVOTE & COMMENT! Salamat po sa comments nina: @mimosweet, @mjvelasco, @SummerFlinn, @simply_neri, at @QuelaiDublas!

Nalulungkot ako at ending na ito. Pero hindi po bale, sana magkita tayo sa THE STAR ----->>>>.

Thank you din po kay Tope for inspiring me at kay Paul na naging dahilan kung bakit ko sinulat noon ang aking ONE HELLO!

____________________________________________

LD 65

EPILOGUE

Si Ethan ang naghatid kay Hera papuntang altar. Wala na nga kasing magulang si Hera kaya ito ang napili nila ni Lance. Naka-off-shoulders long gown na may slit sa gilid si Hera na may belong napakahaba ng buntot sa ulo.

Naandito sila ngayon sa San Augustine Church at dito sila ikakasal na dalawa. Ang mga ilang kamag-anak ni Hera sa Father's side ay nakahabol namang makadalo. Kumpleto din ang pamilya ni Lance. Ang lahat ng mahal nila sa buhay ay naandito. Si Zyrah at Zeon naman ang kumakanta ng wedding song. (A/N: Nasa youtube video iyong kanta ng wedding. Click it! ------>>>>)

Si Yrish ang kanyang bridesmaid kaya ito na rin ang naghawak ng napakahaba niyang buntot ng belo. While si Ethan naman ang siya na ring tumayong Best man. Si Sapphire ang Maid of Honor at si Tope ang Usher. Si Von na anak ni Zeon at Zyrah ang ring bearer. Ang mga anak naman ni Tope na sina Lizzie at Menchie ang junior bridesmaids.

Hindi inakala ni Lance na after sa mala-roller coaster ride na naging sobrang closeness nila ni Zyrah, na nauwi din sa pagpili nito kay Zeon, ay makikilala niya si Hera. Si Hera na nakilala niya isang gabi sa isang bar ng maisipan nilang magbonding na tatlo nina Tope at Zeon.

Noong una ay halos purong lust lang ang lahat. Purong pagnanasa ang nararamdaman niya kay Hera. Sa ganda at sexy ba naman ng dalaga, sinong hindi maakit? 

Ang nakakatawa pa noon, pag-gising niya kinabukasan, ay nawala na lang ito ng parang bula. Wala man lang siyang nalaman mula dito kundi ang pangalan nitong Hera. Halos tulala siya noon buong maghapon dahil hindi mawala sa utak niya ang naka-one night stand niyang si Hera.

Balisa siya noon buong maghapon. Kaya ng pagsapit noon ng gabi ay muli siyang nagpunta sa bar kung saan niya ito nakita. Dismayado siyang umuwi noon. Lasing na kasi siya ay hindi pa rin niya nakikita si Hera. Pero ganoon na lang ang gulat niya ng magising siya ng umaga at matagpuan itong katabi na naman niya sa kama. At ang nakabigla pa lalo sa kanya ay ang katotohanang sa bintana ata ito dumaan.

May nangyari na naman sa kanila noon. Pero nang dumating na naman ang umaga, wala na naman itong pasabi na iniwan siya. Hanggang sa ang gabing iyon ay nasundan ng nasundan. Kaya isang gabi ay inabangan na talaga niya at binantayan si Hera para hindi makatakas sa tabi niya.

Dumating pa ang pagkakataon na nangailangan si Hera ng pangsamantalang matitirhan dahil muntik na itong mahalay ng Ama ni Ethan na umampon dito. At simula noon, nag-iba na ang lahat sa buhay niya.

Napag-usapan nilang hindi na muna siya makikipag-commit dito. Ang napagkasunduan pa nila ay magiging mag-M.U. lang muna sila. Natatakot lang kasi siyang pumasok sa isang relasyon dahil sa sakit na naranasan ng umibig siya ng labis kay Zyrah.

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon