LD 12

14.8K 175 15
                                    

A/N:

Paraparamdam kapag may time... VOTE & COMMENT please?

__________________________________

"Please lock our house when you leave." Bilin ni Lance kay Hera bago ito umalis papuntang opisina.

Napangiti si Hera. Ang sarap pakinggan na bahay daw nila itong bachelor's pad ni Lance. Hindi niya maiwasang hindi kiligin ng sobra. Ang isiping kakikilala pa lang nila, pero nagsasama na sila ay nakaka-dagdag ng kalabog sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya, newly wed silang dalawa ni Lance.

"Yes po." Sagot ni Hera at kiniss siya ni Lance sa lips.

"Hayyy! Ang hirap pumasok kapag naandito ka." Nakangiti pa pagkatapos bumuntong hininga ito.

"Eh di dapat pala huwag na akong makitira dito?" Naka-pout na sabi ni Hera kay Lance.

"Silly! Mas lalo akong hindi makakapasok kapag wala ka." Nakangising sabi ni Lance at hinapit pa ang kanyang bewang palapit dito.

"Oh.. Oh... Pumasok ka na at baka nagrerecording na ang mga talents mo." Nakangiting tugon niya.

Napatingin si Lance sa kanyang technomarine watch. "Naku! Alas siyete na pala. May recording nga pala si Zyrah." Nag-aalalang sabi nito.

Napangiwi si Hera. Natatandaan niyang sinambit dati ni Lance ang pangalan ng sikat na artista. (A/N: Si Zyrah po ay bida sa INNOCENT LOVE <3. Read ninyo po.) pakiramdam niya ay may kakaiba itong importansya sa buhay ni Lance. Gusto niya sanang itanong kung ano ba talaga si Zyrah para kay Lance bukod sa pagiging talent nito, pero ayaw naman niyang isipin nitong masyado siyang possessive.

Ang kaso hindi nakaligtas sa paningin ni Lance ang reaction niya. "Hey! What's with the face?" Tanong nitong minamasdan siyang mabuti, habang yakap pa rin siya.

"Wala." Umiiwas ang tingin na sagot niya.

Hinawakan tuloy ni Lance ang kanyang mga pisngi at iniharap sa mukha nito. "Common tell me." Concern na tanong nito.

Wala na. Kailangan na niyang sabihin ang nararamdaman niya. "A-ano ba si Zyrah para sa iyo?" nabubulol pang tanong niya. Na pagkasabi niya, gusto niya ng pagsisihan. Dapat hindi na lang niya sinabi kasi She sounded like a jealous girlfriend nito.

Pinisil naman ni Lance ang magkabilang pisngi niya. Napa-pout tuloy siya sa sakit. "Jealous?" Nakangising tanong nito.

"Hindi ah!" Sunod-sunod ang pag-iling niya na halata tuloy guilty siya.

"Sus! Bad lier! Ha! Ha! Ha! Si Zyrah ay dati kong minahal. Pero ngayon, malapit na kaibigan na lamang. Baka patayin ako ni Zeon kapag nagtangka akong agawin siya. At isa pa, her heart beats only for Zeon." Ang laki ng ngiti na sagot nito.

"Ganoon ba?" Nahihiyang tanong niya.

"Yes! Kaya huwag kang mag-alala, kahit magulo pa status natin, I will only date you. Ikaw lang, Baby. Wala ng iba!"

Dug...

Dug..

Kilig overload!

Kilig na kilig siya!

Para namang nahalata nito ang pinipigil niyang kilig. "Oh bago ka mamatay sa kilig, na tiyak na ikalulungkot ko, aalis na ako." Paalam nito na niluwagan na ang yakap sa kanya.

Mygad! Gusto niyang magreklamo na tinanggal nito ang yakap. Pero alam niyang kailangan nito pumasok. Kaya wala siyang nagawa para pigilan pa ito.

"Ingat sa pagdadrive." Bilin niya nang nasa pintuan na sila ng condo unit nito.

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon