A/N:
Next time ko kayo pasalamatan isa-isa. Sobrang busy today :( Anyways, salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa akin! Please don't forget to VOTE & COMMENT...
_____________________________________
LD 19
Napilitang sumama si Lance kina JP at Sarah sa isang bar dito sa Cebu. Paano ba naman kasi kinulit siya ni Sarah na sumama. Pumayag na rin siya dahil gusto niya pagdating ng hotel nila ay tutulog na lang siya. Dalawang gabi na kasi siyang hindi makatulog ng mahimbing dahil sa pangungulila kay Hera. Sobrang miss na miss na miss na miss na niya ito!!
"Shot na!" Sabay taas ni JP ng kupita ng alak ng kapit nito. Nakipagcheers naman sila ni Sarah dito.
Kasalukuyang nasa bar sila at umiinom. Nakaupo siya sa kabisera ng square table nila at nasa magkabilang tabi ang palaging nagbabangayan, si Sarah at JP.
"Cheers!" At nakipagcheers siya sa dalawa. Kanina bago siya pumunta dito ay nagpaalam muna siya kay Hera. Kahit pa nasa Manila si Hera at siya ay nasa Cebu, nagpapaalam pa rin siya. Honesty ang alam nilang magpapatibay sa relasyon nilang long-distance ngayon.
Sunod-sunod ang naging lagukan nila ng alak na tatlo. Medyo nalalasing na rin siya sa dami ng nainom niya. Bigla na naman tuloy niyang naalala si Hera. Bar. Inuman. Madaming tao. Dancing. Mga bagay na parehas na parehas noong una niya itong makilala.
Ang kanyang magandang si Hera. Maliit lang na babae, pero nagagawang patayuin lahat ng tatayo sa kanya! Totoo talaga ang kasabihang "Big things are wrapped in small packages." Iyon ang best na makakadescribe si Hera.
"Damn!" Hindi niya napigilang asik. Paano ba naman, just the mere fact na maalala niya si Hera ay nararamdaman na niya ang pangungulila ng puso niya. Hindi lang ng puso niya, pati si Warrior ay miss na rin ang dalaga.

BINABASA MO ANG
Lustful Desires
RomanceSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...