A/N:
Paramdam naman po tayo...
______________________________________
LD 27
BITIN
"Hera!!" Sabay na napalingon sina Ethan at Hera sa tumawag.
"Lance?? OMG! LANCE!" Hindi makapaniwala si Hera.
Tumakbo siya papunta sa kinatatayuan ni Lance. Tinalon niya ito at niyakap! Binuhat naman siya niyo at hinalikan sa mga labi.
Grabe ang pagkamiss nila sa isa't-isa. Hindi na nila inalintana ang mga dumadaan.
"You're here." Ngiting-ngiti si Hera habang buhat-buhat pa din siya ni Lance, pagkatapos ng long passionate kiss!
Kiniss ni Lance ng isa pa ang lips niya. "Ayaw mo ata eh." Nakangiting sabi nito at ibinaba na siya.
Ngumuso si Hera. "Hindi ka nagpasabi. Sana sinundo kita sa airport." Masayang sabi ni Hera na nakayakap pa din sa leeg ni Lance.
"I want to surprise you..." Napawi ang ngiti ni Lance ng makita ang palapit na si Ethan. "...pero ako ang nasurprise." Mahinang dagdag nito.
"Lance, right?" Seryosong sabi ni Ethan kay Lance.
"Oo. Bakit?" Seryoso na ring tanong ni Lance. Dahan-dahan nitong tinanggal ang yakap ni Hera sa leeg nito, para kamayan sana si Ethan.
"Gago ka..." Nagulat si Hera ng biglang kwelyuhan ni Ethan si Lance.
Hila-hila naman ito ni Che palayo kay Lance. Pero sadyang mabigat at hindi nito kaya.
"Sir Ethan, bitawan mo." Sabi pa rin ni Che.
"Ethan, huwag!" Awat din ni Hera at pumapagitna para maghiwalay ang dalawa. Pero mahina siyang tinabig nito.
"Easy, Pare. Bakit ba?" Tanong ni Lance habang nakataas ang dalawang kamay na para bang sumu-surrender.
"Gago ka! Sa iyo pala nakatira si Hera? Ano yan? Magboyfriend ba kayo?" Tanong ni Ethan na bakas sa mata ang galit. Umandar na naman ang pagka-over protective nito sa kanya.
"Ethan, stop it! Ako ang may kasalanan. Ako ang nakitira." Sigaw pa ni Hera habang pinagtitinginan na sila.
Para namang hindi narinig iyon ni Ethan. "Bakit ang sabi mo magkaibigan lang kayo?" Ethan asked while gritting his teeth.
Tinulak naman ito ni Lance palayo. "Hindi ako ang nagsabi, si Hera. Remember? Pero, sige. Humihingi ako ng tawad. Pwede bang cool ka lang?" Ni hindi kinabakasan ng takot ang binatang Lao.
Aatake sana ulit si Ethan pero pumagitna na si Hera. "Ethan! Ano ba?!" Galit na galit na siya. Pwede naman kasing pag-usapan ng maayos.
"Sir, nakakahiya sa mga costumers." Sabi ni Che na nakahatak pa din sa likod niya.
Matiim ang titig nito kay Hera. Tapos ay lumipat ng masamang titig kay Lance. Hanggang unti-unting kumalma. "Bitiwan mo ako." Madiing utos nito kay Che. Sinunod naman nito si Ethan.
"Calm down, Pare. Doon tayo mag-usap sa fastfood." At itinuro ni Lance ang isang sikat na kainan sa tapat nila.
"Tara!" At inagaw nito ang paghawak sana niya sa siko ni Lance. Hinigit siya ni Ethan at nauna sila sa Mc Do. Sumunod naman sa kanila sina Che at Lance.
Pagkapasok nila, "Che, ikaw na umorder." At inutusan ni Ethan na umorder ng maiinom na softdrink si Che.
Umupo si Ethan at hinila sa tabi niya si Hera. Kaya walang nagawa si Lance kundi ang umupo sa tapat na lamang ng dalaga.
"Magnobyo kayo?" Tanong nito kay Lance na titig na titig.
Saglit na natigilan ang dalawa. Paano ba nila kasi ie-explain ang klase ng relasyon na meroon sila? Napakunot ang noo ni Lance sa kanya. Para bang sinasabi na ano nga ba sila?
Nauubos ang pasensya ni Ethan ng hindi ito sumagot. "Ano?" At inihampas pa nito ang kamay sa mesa. Medyo may kalakasan kaya napatingin ang ilang katabi nila.
Napalunok siya. Hindi rin niya malaman kung paano idedescribe ang namamagitan sa kanila ni Lance.
"Uminom muna kayo." Ibinaba ng nakalapit ng si Che ang pinabili ni Lance. Umupo ito sa tapat ni Ethan, katabi ni Lance.
"Tinatanong kita!" Pigil ang sigaw na sabi ni Ethan.
"Hindi." Sa wakas ay nakapag-salita na si Lance. Napainom naman ng softdrink si Hera sa nerbyos.
"Hindi? Eh bakit doon siya nakatira?" Pigil pa rin ang gigil ni Ethan.
"Parang mutual understanding lang." Sabi pa ni Lance.
Napailing si Ethan. "Mutual understanding? Ano kayo, bata?" Inis pang sabi nito.
"Ethan, matanda na ako. Huwag mo akong pakialaman." Seryosong sabi ni Hera sa katabi.
Kumunot ang noo ni Ethan. Hindi niya mapaniwalaan ang sinasabi ni Hera. Pwede ba namang hindi siya makialam? Mahal niya si Hera. Kahit na parang kapatid lang turing nito sa kanya, sa pagkakaalam niya.
"Pwede ba iyon? Eh kapatid mo ako?" Iyon na lamang ang nakuha nitong sabihin.
"Kapatid. Pero hindi asawa. At isa pa, ako ang nakitira sa kanya. Wala siyang masamang ginagawa." Pagtatanggol niya kay Lance.
Marahas na bumuntong hininga si Ethan. "Sige. I trust your decision." Sabi nito kay Hera. Bumaling ito kay Lance. "At ikaw, linawin mo ang relasyon ninyo. Hindi kayo, pero grabe kayong maglaplapan?" Nandidilat na sabi nito kay Lance.
"Huwag kang mag-alala. Kung mabuntis ko si Hera, pakakasalan ko siya." Walang kurap na sabi ni Lance.
"Siguraduhin mo lang. Dahil kung hindi, kaya kitang patayin."
"Huwag mo akong bantaan."
"At ito ang sasabihin ko sa iyo. Hahayaan kong tumira sa iyo si Hera, kasi wala pa akong nalilipatan. Pero kung makakuha na ako, lilipat na siya sa bagong bahay ko." Seryoso pa ring sabi ni Ethan.
"Teka. Magkapatid? Hindi ba't......" Sabi ni Che na hindi na natapos kasi sinipa siya ni Ethan ng mahina sa ilalim ng mesa.
"Kukunin ko rin siya. Kaya kailangan, buo pa rin siya sa pagbawi ko." Si Ethan.
"Bawi? Para naman akong gamit na...." Hindi siya natapos magsalita. Sumingit kasi si Lance.
"Iyon ay kung sasama siya. Halika na Hera, pagod ako sa byahe. Uwi na tayo." Tumayo na si Lance para umalis sila.
"Hera, mag-iingat ka." At niyakap pa siya ni Ethan.
Pero bigla siyang hinablot ni Lance patayo. "Halika na." Hila nito sa kanya. "Una na kami, Bayaw." Nakangising sabi nito kay Ethan. "Bye and nice meeting you, Che. Lance Lao nga pala." At nakuha pang makipagkamay nito kay Che.
"Ingat kayo, Hera at Lance." At kumaway pa si Che. Pero si Ethan ay nanatiling seryoso at hindi na sila nilingon.
SA KOTSE:
Pauwi na ang dalawa. Naawa si Hera sa pagod na nakikita niya kay Lance. Alam niyang pagod ito sa byahe, tapos ganoon pa ang nangyari.
"Sorry. Pasensiya ka na kay Ethan." Sabi niyang nakatitig sa binata. Ang mapula nitong labi, chinitong mata, at ang matangos na ilong. Lahat nang ito at higit pa, ang miss na miss ni Hera.
"Ok lang." At lumingon pa ito sa kanya. Ngumiti ng nakakapagpatalon ng puso. Kung titingnan mo, aakalain mong walang naging problema kanina.
"Over protective eh." Sabi pa niya at hinimas ang braso ni Lance.
Napangiti naman lalo si Lance sa lambing ni Hera. "Saan sana nga pala kayo pupunta kanina? Hindi ka tuloy nakapunta gawa ko." Sulyap muli nito sa kanya habang nagmamaneho.
"Wala. Dahilan niya lang iyon. Ayaw niya kasi kay Che." Sagot ni Hera. Na ngayon ay hindi mapigilang tumingin sa brasong firm ni Lance. 'Gad! Nagiging perv na ata ako ah' sabi niya sa sarili.
Tumango-tango si Lance at sumulyap sa kanya. "I bet sa titig mo, hindi mangyayari iyon sa atin." Nakangisi pang sabi nito.
Namula naman si Hera. Nahuli kasi siyang namamasyal ang paningin sa katawan nito. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya at sa daan na lang din tumingin.
"Iyong ganoon. Ang magdahilan just to get rid of me. I know that you miss me so much." At naramdaman niyang sumulyap na namn ito sa kanya. Ginulo pa ang buhok niya.
Natatawang hinampas naman niya ng mahina ang kamay nito. "Yabang mo! Pero teka, bakit ka nga pala biglang umuwi?" Nakunot ang noong tanong niya, na ngayon ay muling nakatingin sa binata.
"Bitin eh." Nakangising sulyap muli nito at kumindat pa.
"Bitin saan?" Takang tanong niya.
"Sa phone sex natin kagabi. Hahaha!" humahalakhak pang sabi nito habang mabilis na nagmamaneho pauwi.
Hinampas niya ang braso nito. Lalo naman itong humalakhak.
Dug...
Dug...
Ang tawa ni Lance, parang awit ng mga anghel sa langit para sa kanya.
"Antayin mo lang na makarating tayo sa condo. Susulitin ko ang pamasahe ko." At hinimas nito saglit ang hita niya.
Hinampas niya ng mahina ang kamay nito. "Perv mo ah!" natatawang saway niya. Kaya humawak na muli ito sa manibela.
"Sorry. Totoo naman eh. Saka isa pa, aalis rin ako pabalik bukas ng umaga." Nakangiting sulyap muli nito.
Humilig siya sa balikat nito habang nagmamaneho. Hindi naman siguro sila mababangga. "Ano ba iyan? Ang bilis naman." Reklamo niya.
"Sorry, Baby. Trabaho eh. Gusto mo sumama ka na lang." Yaya nito at hinimas naman ngayon ang ulo niyang nasa balikat nito. At kahit nakatingin sa daan, nagawa nitong halikan ang noo niya.
"Hindi pwede eh. Bago pa lang ako sa Hypermart eh." Malungkot na sabi niya.
"Huwag ka ng malungkot. Ang importante, naandito ako ngayon kasi hindi kita matiis." Nakangiting sabi nito na nakita niya sa rearview mirror.
"Sabagay." Nasabi na lang niya.
Pinapangako niya sa sarili niya, ngayong gabi, gagawin niya ang lahat para bumalik-balik si Lance sa kanya.
_______________________________
A/N:
Vote at comment naman po.
BINABASA MO ANG
Lustful Desires
عاطفيةSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...
