A/N:
Please VOTE & COMMENT. Thanks kina: @SummerFinn, @MrsSuzy, at @mjvelasc0 sa kanilang mga comments.
______________________________________
LD 32
HOSPITAL
AFTER A WEEK:
Almost one week at kapwa busy sina Hera at Lance sa kani-kanilang mga trabaho. Pero magkagayun man, patuloy silang nagtetext, natawag, at video call sa isa't-isa.
Excited pa naman si Hera kagabi for this weekend. Ang sabi kasi ni Lance ay uuwi daw ito. Nagluto si Hera kagabi at nagprepare pa ng candles para sa candlelight dinner. Naligo din siya at isinuot ang bagong nighties niya para sa pag-uwi ng binata.
Pero nakatulog na siya sa sofa nang tumawag ito. Ang sabi ay hindi daw makakauwi dahil may problema si Sarah. Inusisa niya kung anong problema, pero hindi na nito pinahaba ang tawag. Dahil kailangan daw talagang ibaba na nito. Kaya hindi na nangulit pa si Hera.
Kaya ngayong umaga ay wala siyang kagana-ganang bumangon. Pagkahilamos at toothbrush ay dumiretso sa ref. Inilabas ang ulam kagabi at iiinit sa microwave.
Nakahalumbaba habang pinapanuod ni Hera ang iniinit na pagkain ng makaresib siya ng tawag.
Bigla siyang nabuhayan ng mag-ring ang cp niya. Pero bigla ring napasimangot ng mabasang si Che lang pala!
"Oh?" Tamad niyang sagot nang mabasang si Che ang caller.
<"Hera! Pumunta ka dito sa hospital! Si Sir Ethan.... ohmygad!"> Ang halos pasigaw na sabi nito sa kabilang linya.
Nawala ang katamaran ni Hera ng marinig ang pangalan ni Ethan. "Saang hospital?" Ang kinakabahang tanong niya.
<"Makati med!"> Ang sagot nito na agad niyang pinatay ang tawag.
Nagbihis siya agad. Hindi na siya naligo. Grabe ang pag-aalala niya! Kaya nang matapos magsuklay ay pinatay ang lahat ng nakasaksak at lumabas na.
Nang pumara siya ng taxi ay sinabi niya agad ang destination. Habang umaandar ay tumatakbo din sa isip niya na, 'Napaano si Ethan? Bakit nasa hospital?' Halos mabali tuloy ang daliri niya kapipisil sa sobrang nerbyos at pag-aalala.
HOSPITAL:
Lakad takbo siya sa hallway nang hospital habang hinahanap ang ICU kung saan doon daw naka-confine si Ethan. Wala siyang pakialam sa mga nagtitinginan sa kanya.
Agad din naman niyang natagpuan ng makitang nasa labas si Che at umiiyak. Para tuloy lalo siyang kinabahan. 'Hindi kaya.......'
"Che! Anong nangyari?" Hindi pa man ay namamasa na ang mata niya. Si Ethan na lang ang pamilya niya. Kapag nawala ito, para na siyang aso na walang pamilya.
"Hera... huhu!.... Duguang nakita ko si Sir Ethan sa kalsada kagabi. Mabuti na lamang at bumili ako ng ulam." Umiiyak na sabi ni Che.
"Anong nangyari? Bakit duguan? Sinong maygawa?" Sunod-sunod na tanong niya.
"H-hindi ko... huhu... k-kilala." Sagot nito sa gitna ng paghikbi. "Pero ang rinig ko ng tumakbo kami palayo, Tatay Kim ata iyong may dala ng tubo na humahabol sa amin." Dagdag pa nito habang panay ang punas ng luha.
Ang walang kwentang Tatay Kim pala! Napasara na lamang ang kamao ni Hera sa galit. Habang dumadaloy na ang luha sa mga mata.
"Napakasama niya!" Nagngangalit ang ngipin na bigkas niya. God knows na kung makikita niya si Kim ngayon, tiyak na mapapatay niya!
"Kumusta na si Ethan? Humihinga pa ba?" Tanong niyang parang gusto niyang bawiin. eh kasi naman, sa iyak ni Che, aakalain mong dead na.
Napangiti ng bahagya si Che. "Loka! Oo naman. Andun pasukin mo. Pero suotin mo ang sterile gown. Delikado daw ang lagay eh. Bali ang ribs!" Sagot nito habang unti-unti ng tumitigil sa pag-iyak.
"Sige. Sandali lang." At tumayo na siya para makapasok sa room ni Ethan.
Lalong tumulo ang luha niya ng makita ang itsura ni Ethan. Ang daming tubong nakakabit. Literal na kulay talong ang mukha at mga braso. May balot ng benda ang ulo. Maga ang mukha. Mukha itong napaka-helpless. At almost lifeless, kung hindi lang dahil sa mga aparato.
"Bumalik sana ang karma sa iyo, Kim." Nabigkas niya habang parang griping tumutulo ang luha. Sisiguruhin niyang kapag naging maayos si Ethan, ipapakulong niya ang Kim na yun.
Hinaplos niya ang buhok ni Ethan. Hindi hamak na swerte ang tulad niyang ulila kumpara kay Ethan. May Ama nga ito, pero halos patayin naman ang anak nito. Mas mabuti pa pala ang tulad niyang ulila. At least walang nananalit sa kanya ng ganito.
"Ethan... Magpagaling ka." At hinalikan niya ang kamay ng tulog na si Ethan. Pagkatapos ay pinisil pa ito.
"Huwag mo akong iiwan. Tayong dalawa na nga lang ang magkapamilya." Dagdag pa niya na napakagat labi para hindi tuluyan maiyak ng sobra.
Nagtagal siya ng ilang minuto sa ganoong ayos. Napatayo lang siya ng pumasok ang nurse.
"Kapamilya po ninyo?" Tanong nito habang chinecheck ang mga aparato.
"Oo. Kapatid ko." Sagot niya habang titig na titig sa mukha ng kawawang bestfriend.
"Ah ganun po?" At lumapit ito sa tabi niya. "Paki bayaran daw po ang down na 50,000 para kay Sir Ethan." Bulong nito sa kanya.
"Opo, Maam. Within this week daw po. Para maipagpatuloy ang gamutan."
"A-ahh okay." Naisagot niya kahit ang totoo hindi siya ok.
Tulalang lumabas ng ICU si Hera. Napasalampak na lang siya sa sahig. Iniisip kung saan kukuha ng ganoon kalaking pera.
"Hera. Tumayo ka. Anong problema?" Tanong ni Che habang pilit siyang itinatayo mula sa sahig. Inalalayan siya nitong maupo sa bench.
"Kailangan ko daw ng 50,000. Kung hindi..... Jusko! Paano si Ethan?" At pumatak na naman ang luha sa kanyang mga mata.
Hinaplos naman ni Che ang likod niya. "May 2,000 akong naipon. Pahihiram ko muna sa inyo. 48,000 na lang.. Jusko! Laking halaga."
"Salamat, Che. Hindi ko tatanggihan iyan. Alang-alang kay Ethan." Sabi niya na nakatitig kay Che.
"Maging malakas ka, Hera. God will find a way."
"Oo. Salamat." Malungkot na sagot niya. Kailangang kapalan niya ang mukha niya.
Kinapa niya ang cp sa bulsa. Pero wala! Marahil ay naiwan niya sa condo. Kailangan niyang mangutang kay Yrish. Kahit maging katulong siya ng kaibigan, alang-alang kay Ethan.
Si Ethan na unang-una niyang naasahan noong kabataan. Ang tanging genuine ang concern sa kanya. Ang tanging pamilya niya.
"Kailangang makagawa ng paraan." At determinadong tumayo siya papuntang pinakamalapit na payphone.
**
SA CEBU:
Nakatulog na si Lance sa tabi ng hospital bed ni Sarah. Pagod na pagod ang binata. Kagabi dapat ay uuwi siya ng Manila kung hindi lang tumawag ang pulis sa kanya.
Di umanoy, muntik ng nabundol si Sarah nang tumawid ito. Medyo napilayan lang dahil nahablot naman ito ni JP. Mabuti na lamang at maagap si JP. Kaya nadali lang si Sarah, at hindi nabundol ng tuluyan.
Bigla daw kasi itong tumawid habang nagtatalo silang dalawa ni JP. Gusto daw kasi nitong uminom pa sa nakitang bar. Pagkababa daw kasi nung isang gabi ni Lance, at iniwan ang dalawa, ay nagyaya ito kay JP na samahan siyang magkape.
Pero imbes na magkape, tumawid daw ito at gustong pumunta sa kabilang bar. Gusto daw kasing magluksa ni Sarah dahil sa pangbabalewala ni Lance. Ano namang magagawa ni Lance kung sadyang loyal siya kay Hera?
Kaya naman kahit miss na miss na niya si Hera ay pinagbigyan niya si Sarah. Hiniling kasi nitong bantayan muna siya ng makarating si Lance sa hospital. At bilang manager nito, wala siyang nagawa kundi ang pumayag.
Medyo nangalay sa pagkakahilig si Lance kaya bumangon ito, mula sa pagkakahilig sa gilid ng kama, para mag-inat. Tiningnan niya si Sarah na mukhang himbing na himbing naman.
Lumabas muna ng hospital room si Lance. Dinukot ang cp niya. Tatawagan niya si Hera. Dama niya sa boses nito kagabi how disappointed she was ng sabihin niyang hindi siya makakauwi. At isa pa, miss na miss na rin niya si Hera.
Sobrang busy niya sa hospital at shooting, scenes muna ni JP kinunan, na nawalan siya ng time to check on Hera.
"Damn! Hera! Tulog ka na ba? May nangyari ba?" Sabi niya habang ringing sound pa din ang naririnig. Naka-5 tries na kasi siya pero hindi sumasagot si Hera.
Napu-frustrate na napasandal siya sa ding-ding. 'Tulog lang siguro. Pero paano kung napahamak? Or kung galit pala kaya hindi sumasagot?' Inis na muni-muni niya.
Sa inis ay naisabunot na lang niya ang isang kamay sa buhok niya. Kung pwede niya lang liparin ang Manila. Ginawa niya na sana.
Napabuga na lang siya ng hangin. "Antayin mo ako bukas, Hera." Sabi niya habang nagtatype ng text sa dalaga. Para pagdating ng umaga ay mabasa na ni Hera.
'Kailangan kong umuwi bukas kahit anong mangyari!' Determinadong sabi niya sa sarili.
_____________________________________
A/N:
VOTE & COMMENT please.
![](https://img.wattpad.com/cover/8563451-288-k923251.jpg)
BINABASA MO ANG
Lustful Desires
RomanceSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...