LD 28

9.6K 140 6
                                    

A/N:

Paki balita sa iba para may magbasa. Pakiusap naman po tulungan ninyo akong i-plug ang kwentong ito. Salamat po!

___________________________________________

LD 28

MISSING YOU

"Halika na." At niyaya na si Hera ni Lance paakyat sa building ng condominium.

"Teka lang naman." Literal na muntik na siyang madapa. Parang hinahabol sila ng leon sa bilis ng lakad nila.

"Sorry! I just can't wait to kiss you and make love to you again." Halos pabulong na sabi nito, habang nakatayo sila, at inaantay ang elevator na bumukas para makaakyat na sila sa floor nila.

Hindi mapigilan ni Hera na hindi panindigan ng balahibo ng maramdaman ang mainit na hininga ni Lance sa kanyang tenga. At hindi rin niya mapigilang mamula. Make love kasi at hindi sex ang ginamit na term ng bInata. Kaya hindi niya mapigilang hindi kiligin.

"Awe! You're blushing! And I must say, it turns me on." Comment pa nito in a sexy tone.

Napailag siya dahil nakikiliti talaga siya sa hininga nito sa kanyang tenga. "Lance, stop it. Nakikiliti ako." Pagsaway niya.

"Nakikiliti ka ba?" Nakangising tanong nito nang bigla siya halikan sa may leeg.

Halos mamilipit siya sa kiliti. Napatingin siya sa paligid dahil baka may tao. 7pm pa lang, kaya kinakabahan siyang may makakita sa panghaharot ni Lance sa kanya. Mabuti na lamang at walang tao.

"Lance, please?" Pakiusap niya at itinulak ng konti si Lance palayo. Para kasi itong bampira na pasimpleng sinisipsip ang leeg niya.

Dumistansya nga naman ito ng bahagya. Pero ikinawit naman ang isang braso sa bewang niya. "Ang damot mo." Nakapout na sabi nito.

Napakagat labi naman si Hera dahil pinipigil ang pagtawa. Minsan talaga parang bata si Lance. Pero magkagayun man, feeling niya, mas gumagwapo ito sa paningin niya.

"Sorry" at hinaplos niya ang pisngi ng binata. "Kasi naman, baka may makakita. Nakakahiya kaya." Nakangiting pagkumbindi dito.

"Bakit ka naman mahihiya? Eh partner naman kita?" Seryosong sabi nito na tumitig pa sa kanyang mga mata.

Natigilan si Hera. Nakakakilig na i-consider siya, ng isa sa pinaka-eligible bachelors, na tulad ni Lance Lao bilang partner. Pero parang may kulang eh. Mas maganda sana kung maririnig niyang i-coconsider siya nito as his girlFriend or wife. 'Teka, wife? Ano ba itong naiisip ko?' Inis na saway niya sa sarili. Para siyang baliw na kung anu-ano na ang pumapasok sa utak. Tsskk! Tsskk!

TING!

At nagising siya sa saglit na paglalakbay ng utak sa kawalan. Tumunog na kasi ang elevator at bumukas. Mabuti na lamang at wala itong sakay. Napakasweet kasi ng position nilang dalawa kanina.

"Halika na." At inalalayan na siya papasok ni Lance habang kapit pa rin nito ang bewang niya.

Nang sumara ang elevator ay muntik na siyang mapatili. Mabuti na lamang at napigil niya. Paano ba naman, bigla siyang isinandal ng binata sa dingding ng elevator at sinunggaban ang kanyang mga labi?! 

"Kanina ko pa gustong gawin ito." Sabi nito in between sa malalalim na paghalik nito sa kanya. Mga halik na sadyang nakakalasing. Para siyang under spell na walang nagawa kundi ang tugunin ang halik nito.

Hinawakan na nito ng dalawang kamay ang bewang niya para mas mailapit pa sa katawan nito. Siya naman ay nakakapit sa batok nito. Parang auto matic na doon ito napunta tuwing hinahalikan siya ng binata.

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon