LD 54

7.5K 116 5
                                    

A/N:

VOTE. COMMENT. FOLLOW.

Salamat po sa patuloy na nagvote at nagcomment. Salamat din po sa comments nina: @mjvelasc0l, @simply_neri, @SummerFlinn at @QuelaiDublas.  

___________________________________________

LD 54

MAHAL KO SIYA

Kasalukuyang nasa shooting ni Sarah, JP, Lance, Hera at Mye. Nasa parteng Pagsanjan Falls sila at may kinukunang mga eksena. Medyo kalmado na naman si Lance dahil simula noong huli silang nag-usap ni Hera ay nag-behave na ito. Nakita niya ang efforts nito para iwasan si Ethan.

"Sir, merienda po." Offer sa kanya ni Hera ng pagkain na ibinigay ng staff sa set.

Sinulyapan niya lang ito at ibinalik na ang attention sa articles na nababasa. Sinadya niyang maging cold dito tulad ng mga nakaraang araw. Ginagawa niyang ilayo ang sarili kay Hera para kung sakaling matukso na naman ito at si Ethan ay hindi na siya masyadong masasaktan.

Umupo si Hera sa tabi niya. "Lance, kung dahil lang sa akin kaya ayaw mong kumain, huwag kang mag-alala dahil tatawagin ko si Mye para siya ang magdala sa iyo. Baka iniisip mong may lason ito kaya ayaw mong kainin." Malungkot na sabi ni Hera.

Napatingin tuloy siya dito dahil sa sinabi nito. At literal na isinubo nito ang buong slice ng pizza para ipakitang wala naman iyong lason. 

Napaawang ang kanyang labi sa ginawa nito. Hindi naman iyon ang iniisip niya kaya hindi niya iyon agad kinuha. Plano niya lang sana na maya-mayang konti iyon kainin. Para lang hindi maging atat ang dating niya sa pagkaing bigay ni Hera.

Napatungo ito pagkatapos uminom ng softdrinks at tumayo na sa upuan sa tabi niya. "Hindi naman iyon ang..." Itatama niya dapat ang iniisip ni Hera pero pinutol siya nito.

"Ok lang, Lance. I understand. Manloloko kasi ako. Natatakot ka lang na maloko ka ulit. Pero nakalimutan mo yata na mangloloko lang ako at hindi mamatay tao." Mapait itong ngumiti sa kanya at tumalikod na.

Gusto niya sanang habulin si Hera para magpaliwanag pero hindi niya ginawa. Ayaw niya namang lumaki ang ulo nito kapag inamo niya.

"Not now, Lance. Huwag muna. Hindi pa sapat ang pagsisisi ni Hera." Pagkausap niya sa sarili at isinara na muna ang laptop.

**

Lunch break na ng lahat. Magkakasama sila sa isang bilog na lamesa. Katabi niya si Sarah sa kanan at si Mye sa kaliwa. Sa tabi ni Sarah sa kabila ay si Hera na katabi naman ni JP.

Siyempre katabi ng dalawang artista ang mga assistants nila. Si Hera ang umaasikaso sa katabi niyang si Sarah, at si Mye sa katabi niyang si JP.

"Mye, paki abot nga ang tubig." Utos ni JP sa kanyang assistant na si Mye. 


Iniabot naman ni Mye ang hinihingi ni JP. "Eto po." At itinuloy na ang pagkain.

"Kayo po, Miss Sarah, gusto ba ninyo ng tubig?" Tanong naman ni Hera sa katabi niya.

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon