LD 48

7.2K 106 10
                                        

 A/N:

Sorry for the delay. Nagkafashion show kasi si Tope.. Sorry!!

_____________________________________________

LD 48

GIFTS

Nang dahil sa nalaman ni Lance, hindi siya makatulog. Kaya napagpasyahan niyang puntahan na lang si Ethan sa opisina nila. Naligo siya pagkatapos itapon sa labas ang nasira niyang trash can. Nilinis din niya ang kalat niya sa cr.

Kung iniisip ninyo na mangugulo siya, never! Hindi! Hindi niya gagawin ang manggulo. 

Pero bago siya pumunta sa office ng LAO ay bumili muna siya ng gift bags sa bookstore. Bumili siya ng isang pirasong frenzy condom. Bumili din siya ng boxer na kasize noong nasira niyang kay Ethan. Napunit niya kasi iyon sa galit kanina.

Ibinalot niya sa blue na gift bag ang boxer ni Ethan. Pinulot niya kasi ito muli sa trash can. Sa green na bag naman niya ibinalot ang bagong Bench na boxer na binili niya.

Pagkatapos mamili ay dumiretso na siya sa LAO office. Pagpasok pa lang niya ng building ay magalang na siyang binati ng mga empleyado nila. 

Sumakay siya ng elevator papuntang 14th floor. Sa 14th floor kasi ang opisina nilang mga-iina. Samantalang sa 15th floor naman ay ang tigi-tig-isa nilang rooms para kung sakaling gusto ilang matulog. At sa 16th floor ang roof top.

Lumingon-lingon siya sa paligid habang dala ang malaking paper bag. Hinahanap ng mata niya si Ethan. Pero mukhang busy ito at hindi niya makitang pakalat-kalat.

Pagod na sumandal siya sa kanyang swivel chair ng makapasok siya ng office. Ang dami niyang kailangang pirmahan. Mga request for payments ng kanyang mga artista. Napangiti siya habang pinipirmahan ang request para kay Zyrah Del Fierro-Lee na 1.5 million. Malaki na talaga ang artistang kaibigan niya. Ganoon din ang kay Zeon Lee, na asawa na ni Zyrah, na 1.7 million. Naandoon din ang kina Sarah na 150K at JP na 150K din. Medyo maliit pa kasi bago pa lang naman silang artista.

Pagkatapos niyang pumirma ay tinawagan niya si Evie at pinakuha ang papeles para maprocess ng accounting department. Nagpakuha din siya ng kape kay Evie. Grabe lang! Halos 18 hours na siyang gising mula kahapon!

Nagulat siya ng mapagsino ang nagdala ng kanyang kape. Agad siyang napatayo para salubungin ito.

"Zyrah." Nakangiting bati niya at inakay ito paupo sa couch niya. This time ay totoong ngiti na ito.

"Lance, kumusta?" Ganting bati nito at nagfriendly hug sila. Dati niya man itong minahal, pero ngayon, magkaibigan na lang talaga sila.

Biglang  nagbago ang expression niya sa tanong ni Zyrah. Naalala kasi niya ang problemang kinakaharap ngayon.

"May problema? Tell me." Concern na tanong ni Zyrah. Basang-basa na talaga siya ng asawa ni Zeon. Sabagay, matagal rin kasi silang naging magkaibigan. Matagal din silang tumira sa abroad para sa mga international gigs ni Zyrah. At dumating pa nga sila sa pagkakataong para na silang magnobyo sa sobrang close.

Pinisil pa nito ang isang kamay niya. Parang sinasabi na naandito lang siya. Natigilan siya. Nagisip siya, 'sasabihin ko ba kay Zyrah?'

Ngumiti si Zyrah muli sa kanya. "Common, tell me." Pangungulit nito sa kanya.

Natigilan siya at nag-isip kung sasabihin ba niya. Pero parang sasabog na rin kasi ang dibdib niya sa sakit.

"Hera is having an affair." Panimula niya at napayuko sa kanyang mga tuhod.

"Who is Hera? Girlfriend mo?" Tanong sa kanya ni Zyrah.

"No. Hindi. Siyang ka-MU ko na sinasabi ko sa iyo dati." Malungkot na sagot niya. Namamasa na ang mata niya.

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon