A/N:
Awe! How sad walang masisipag magcomment :( pati magvote :(
_______________________________
-6- SECOND NIGHT
"Hoy! Wala dito si Ma'am Yrish!" Masungit na sabi sa kanya ng guard sa bahay ng kaibigan niya."Sige po." Lugo-lugo siyang umalis sa harap ng bahay nina Yrish. Marahil ay nasa party ang kanyang kaibigan at umaga na ang uwi noon. Hindi naman niya matawagan dahil tanging wallet ni Ethan na may lamang isang daan ang dala niya. Naiwan pa niya ang kanyang cherry mobile na cp.
"Saan ako nito pupunta?" Tanong niya sa sarili. Imagine naka tsinelas lang siya, magulo ang buhok, at naka pangtulog pa! Ipinagsasalikop na nga lang niya ang kamay sa dibdib para hindi mahalata ang uncovered nipples niya.
Sinilip niya ang pitaka ni Ethan na nasa kanyang bulsa. "May 75 pesos pa." Sabi niya sa sarili. Naipamasahe na kasi niya ang 25 pesos papunta kina Yrish. Kapag hindi pa siya nakaisip ng uuwian, malamang sa ayos niya, ay tuluyan na siyang magahasa.
Naglalakad siya palabas ng subdivision ng may mga tambay na nakakita sa kanya.
"Hi Miss!" Bati sa kanya na nilampasan niya.
"Teka lang..." At hinabol siya ng isa.
Ito na nga ba ang kinatatakot niya. Ang magahasa sa kalye sa ayos niyang ito. Pilit niyang hinihila ang brasong kapit ng tambay pero malakas ito."Ano ba?!" Tapang-tapangang sabi niya kay Lasing 1.
"Ang sexy mo ah.. Tara shot tayo." Yaya sa kanya pagkatapos paglandasin ang kamay sa pisngi niya.
Tinabig naman iyon ni Hera at tumingin ng matalim kay Lasing 1. "Tigilan mo nga ako!" Singhal niya sa lasing na ayaw pa din siyang bitawan.
"Wow matapang iyan ah!" Sabi ng dalawa pang kasama nito na palapit sa kanya.
Pilit kumakawala si Hera para makatakbo. Ang kaso ay pinagtulungan na siya ng 2 pang lalaki. Hinihila siya papunta sa isang bakanteng lote. Dito kasi sa subdivision nina Yrish ay bihira at layo-layo pa ang mga bahay.
"Saan ninyo ako dadalhin?" Takot na takot na pumipiglas siya.
"Sa langit." At ngumisi pa si Lasing 2."Ah... Tulong!!" Sigaw niya na nagdadasal na may makarinig sana sa kanya.
Tinakpan naman ni Lasing 3 ang bibig niya. Si Lasing 1 ay hila-hila siya at nakayakap sa bewang niya. Habang si Lasing 2 ay hinahatak ang mga kamay niya papuntang kadiliman.
"Ummm... Ummmm.." Hindi siya makapagsalita dahil sa takip sa bibig niya. Pilit na nagpupumiglas si Hera. Natatakot na, 'ito na ba talaga ang katapusan ko?'
Nasa ganoon silang eksena ng may dumaang gwardiya ng subdivision ang nakatanaw sa kanila. Dali-dali itong nagmotor at pinuntahan sila.
"ANO YAN HA?!" sigaw nito sa mga lasing. Nang laki naman ang mata ng mga lasing at tumakbo palayo, iniwan siya. Hinabol naman sila ng gwardiya.Agad na pumara si Hera ng padating na tricycle. Sumakay siya kahit nanginginig ang buong kalamnan niya sa takot.
"Saan tayo?" Tanong ng matandang driver.
Saan siya pupunta?
Hindi siya pwedeng bumalik kina Ethan.Saan nga ba?

BINABASA MO ANG
Lustful Desires
RomanceSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...