A/N:
MERRY CHRISTMAS! VOTE & COMMENT PO... Last 1 chapter na po tayo. Abangan po ninyo ang ending sa FACEBOOK PAGE na ANGELMELAY WATTPAD. Doon po ninyo abangan. Itodo na po natin ang comments para mapasalamatan kayo sa ending ng story na ito.
May bago po akong story iyong THE STAR http://www.wattpad.com/story/10828030-the-star. Nasa external link din po iyan dyan sa kaliwa. Iyong mobile ang gamit, paki tingnan na lang po sa profile ko. Thanks po!
______________________________________________
LD 64
THE GUY OF HER DREAMS
Nagulat na lang isang umaga si Hera at biglang may mga pinakilalang tao sa kanya si Lance. At ayon sa usapan nila ng mga bisitang dala ni Lance, iyon palang mga iyon ang mga relatives niya sa Ama niyang hapon.
Ayon sa mga ito, matagal na siyang hinahanap ng mga ito. Halatang-halata ang pagkasabik ng mga ito ng yakapin siya ng mahigpit. At nabanggit din sa kanya ng mga tita at tito niya na isasalin sa kanya ang isang sikat na restaurant business ng pamilya sa pangalan niya.
Ganun na lang ang gulat niya ng sikretong hiramin niya ang iPad ni Lance at iresearch ang nasabing restaurant sa Japan. Isa iyon sa pinakamalaking kainan at pinakasikat sa Tokyo, ang mismong sentro ng Japan. Binigyan din siya ng trust fund ng family ng Dad niya na nagkakahalagang 5 million dollars sa iba't-ibang bangko dito sa Pilipinas. Halos malula si Hera. Hindi niya akalain na ganito kalaki ang pera ng pamilya niya.
Parang kailan lang ay halos kasing hirap siya ng daga, pero ngayon, isa na siyang millionarya. At nangyari ang lahat ng ito bago sila ikasal ni Lance. Si Lance na tumulong sa kanya na hanapin ang mga Japanese relatives niya.
Nag-arrange sila ng isang dinner kung saan pinagkilala nila ni Lance ang pamilya niya at ang pamilya ni Lance. Ngayon, wala ng reklamo ang Ina ng mga Lao. Millionarya ba naman na siya, magrereklamo pa? Siguro nga ay may pagkamatapobre ito, pero masisi mo ba ito kung proteksyunan ni Sophia ang kinabukasan ng nagiisa niyang lalaking anak? Kaya ngayon, tanggap na siya ni Sophia.
Sa nakuhang pera ni Hera, unang ginawa niya ay binayaran ang mga utang nila ni Ethan, nang maospital ito, kay Yrish. Pagkatapos ay binayaran niya ang piyansa ni Tatay Kim. Oo at may masamang ginawa sa kanya ang Ama ni Ethan, pero ito na lang ang natitirang pamilya ng binata. At bilang isang ulila, nauunawaan niya kung gaano kahirap ang walang kahit isang magulang sa tabi mo. Nangako naman sa kanya si Tatay Kim na magbabago na ito. Ngayon ay mayroon na itong maliit na tindahan sa harap ng bahay na binili din ni Hera para sa mag-ama. Ayaw sanang tanggapin ni Ethan noong una, pero ipinilit ni Hera. Hindi naman siya aabot sa ganitong edad kung hindi siya kinupkop ng pamilya ni Ethan. Hindi siya mananatiling ligtas kung hindi siya pinagtanggol ni Ethan noon.
Ngayon ay naandito siya sa condo ni Lance. Hindi na kasi siya bumili ng sariling bahay dahil ayaw ng fiance niya. Nagpagawa na kasi ito ng isang malaking bungalow haws para sa pagpapakasal nila. Naandito rin si Ethan dahil sinamahan siyang mag-pacheck-up sa OB niya kanina. Pumayag naman si Lance dahil may important na out of town ito kasama ang artistang si Zyrah Lee.
![](https://img.wattpad.com/cover/8563451-288-k923251.jpg)
BINABASA MO ANG
Lustful Desires
عاطفيةSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...