LD 47

7.4K 115 21
                                    

A/N:

Ito na po... Iyong mga gusto palaging happy, sa tunay na buhay hindi po laging happy tayo, hindi ba? Pero I would like to put the blame on Tope. Idea niya ito... Joke lang! Credits to him kasi siya nagbigay ng idea kung paano ko guguluhin ang mga bida para maging makatotohanan ang story. Sino daw siya? Iyong kasama ko sa profile pic.

Thank you sa mga nagvote at nagcomment. Sa mga bagong followers, salamat po! Please like my fb page: ANGELMELAY WATTPAD. Minsan diyan ako nagpopost ng ending... Hahaha! Iyong mga masipag magcomment, nagdedicate ako ng chappy sa inyo. Check ninyo sa profile nyo. Salamat!

Thank you kina: @ukissmeful, @ortizjoanna, @MrsSuzy, at sa first time na mga nagparamdam, @LuzFerrer and @QuelaiDublas (wcback!).

________________________________________

LD 47

BOXER

Hindi kayang sulyapan man lang ni Lance si Ethan ng nakasakay na sila sa kotse niya at pauwi. Second time na niyang nahuli ang dalawa. Himala nga lang na napipigilan niyang sumabog sa sobrang galit!

Mabuti na lang at nauunawaan ni Sarah ang bigla nilang pag-uwi. Gusto pa nga sana nitong sumama sa condo, pero hindi na siya pumayag. Nakipag-convoy na lamang si Sarah palabas ng lugar na iyon. Naghiwalay na lang sila sa highway.

Inihatid nila si Ethan sa apartment. Huling-huli niya ang sulyapan nina Hera. Para bang lalo pang nagdurugo, hindi ang sugat niya, kundi ang puso niya.

"See you tomorrow." Paalam niya na nakangiti. Kung alam lang nila na ang totoo, umiiyak ang puso niya.

Sumulyap muna ito for the last time kay Hera na nakatingin din dito ng matiim. "Bukas na lang, Lance!" Paalam nito at tumalikod na para pumasok sa loob.

Napansin niya na tahimik lang si Hera at nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Para bang malalim talaga ang iniisip nito. Gustong-gusto na niya itong komprontahin, pero hindi niya iyon ginawa. Nanatili siyang nagtatanga-tangahan sa lahat.

Pinagbukas niya as usual ng pinto si Hera ng makarating sila sa parking lot ng condo sa ilalim ng building. Underground parking for short. Hinawakan pa niya ang palad nito ng pumasok sila sa elevator paakyat ng condo. Kung pwede niya lang hawakan ng ganito ang kamay ni Hera habang buhay, para hindi na maagaw ng iba ay ginawa na niya.

Pagkapasok nila ng condo ay umupo na siyang pagod na pagod sa sofa. Ipinikit ang mata at sumandal sa sofa. Pakiramdam niya ay para siyang kandilang nauupos. Sino ba namang hindi mapapagod kung sobra-sobra ang effort na na pigilan mo ang magwala at sumigaw?

Dali-dali namang kinuha ni Hera ang first aid kit. "Lance." Tapik nito sa kanya kaya napamulat siya.

Umupo ito sa tabi niya at nilinisan ang sugat niya na binalot lang nila kanina ng panyo ni Hera. Napapangiwi pa siya sa sakit ng nilagyan na ng alcohol.

"Masakit?" Tanong ni Hera sa kanya habang nakatitig sa mga mata. Kung sa pilosopong sagot ang sarap sabihin na, 'obvious ba?' Pero sa pagkakataon ngayon, gusto niyang sabihin na, 'mas masakit ang puso ko!' Pero pinigilan niya. He continued to act cool.

Hindi niya mabasa si Hera. Halos parehas lang kasi ang expression ng mga mata nito kapag nag-aalala kay Ethan at sa kanya. 'Sino kaya ang mas matimbang sa amin?' Lihim na tanong niya sa sarili.

"Ano ba yan? Bakit ko pa ba tinatanong? Syempre masakit di ba?" Sabi pa nito, habang kagat ang labi, ng hindi siya sumagot.

'Oo. Iputan mo ba naman ako sa ulo eh?!' Gusto niya sanang isigaw sa mukha ni Hera. Pero ang lumabas sa bibig niya ay iba. "Oo naman, Baby." Sagot niya with fake smile.

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon