LD 4

19.3K 229 5
                                    

A/N:

Maraming salamat po sa mga sumoporta ng ONE HELLO!, I LOVE YOU, JUSTINE CHOI!, INNOCENT LOVE <3, at MY DEAD HEART (I.L.<3- PART2). From the bottom of my heart, thank you! Sana po ipamalita natin ang kwentong ito saka ang FALLING FOR MISS PERFECT na nasa external link ---->>>.

_____________________________________

LD 4 HERA & ETHAN

Nasa shoot ng bagong pelikula ni Zyrah si Zeon. Si Zyrah ay ang kanyang talent na dati niyang niligawan, at pagkatapos mabusted, ay kaibigan na niyang matalik. Kasama ni Zyrah ang 2 year old nitong anak na si Von at ang yaya nito. Nasa fashion show kasi ang asawa ni Zyrah, si Zeon, kaya naandito ang bata.

Break sa shoot sina Zyrah kaya nagpapahinga ito habang binabasa ang script. Nilapitan naman niya ito para kumustahin.

"Zyrah, kumusta na?" Tanong ni Lance at umupo sa katabing upuan ni Zyrah.

"Ok naman. Ikaw?" Nakangiting sagot ni Zyrah. Ibinaba muna ang script para makipagkwentuhan sa kanya.

"Oks lang din." Sagot naman niya rito. 

"Magkakasama daw kayong tatlo ng asawa ko at ni Tope kagabi?" Tanong ni Zyrah sa kanya.

"Ah oo. Hinahanapan kasi nila ako ng girlfriend. He! He!" Magiliw na sagot niya habang inaabot ang juice kay Zyrah na bigay ng staff ng shooting.

Natawa naman sa kanya ito. "Ha! Ha! Talagang kailangang hanapan pa ha? Kumusta naman? May nakita ka ba?" Tanong ni Zyrah sa kanya na nakangiti.

"Wala eh." Sagot niyang unti-unting nagbago ang expression ng mukha. "Though, may nakilala akong babae sa bar." Biglang naging seryoso ang mukha niya.

FLASHBACK**

Nagising si Lance kaninang umaga. Hinahanap niya si Hera sa tabi niya, pero wala na ito. Bumangon siya ng kama para tingnan kung nasa labas ng room niya. Pagtayo niya ay napansin niyang, "may suot akong boxer?" Kasi ang natatandaan niya ay natulog siya na walang suot. Pagkatapos kasi ng tiring moment na pinagsaluhan nila ni Hera ay inantok na agad sila at magkayakap na natulog na lamang. 

Napangiti pa si Lance ng maalala kung gaano kasarap ang pinagsaluhan nilang init sa magdamag. Parang naaalala pa niya ang bawat palitan nila ng haplos sa katawan. Ang bawat halik na kanilang pinagsaluhan. Ang mabangong halimuyak nito. At ang bawat hagod niya sa malambot na katawan ni Hera.

Si Hera isang babaeng kakikilala niya lang kagabi pero, aaminin niyang nagtatak na sa kanyang sistema. Para isang gamot na pakiramdam niya ay kailangan ng kanyang katawan.

Napapailing na lamang siyang lumabas ng kwarto niya pagkatapos isuot ang kanyang sando. Titingnan niya at baka nasa dining room o baka naman sa living room lang ito.

Malungkot na napaupo na lamang si Lance ng makita niya ang dining table na may luto ng bacon and egg saka fried rice doon. At sa ilalim ng plato ng bacon ay may nakaipit na note.

Lance,

Thanks for last night.

Hera

Paulit-ulit niyang binabasa ang sulat na iniwan nito. Hindi siya makapaniwala na parang walang anuman dito ang nangyari kagabi. Napakapit siya sa noo, na parang biglang sumakit, ng maalala niya na He almost had Hera. Kung hindi lang niya nabanggit ang pangalan ni Zyrah.

"Stupid!" Inis na pintas niya sa sarili. Kung bakit ba naman kasi bigla niyang naalala si Zyrah? Hindi naman niya pinapantasya si Zyrah ng mga oras na yun, pero gusto niyang sapukin ang sarili niya kung bakit ba niya nabanggit ang pangalan nito. Dahil ba halos si Zyrah ang lagi niyang kasama maghapon kapag may shooting ito?

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon