A/N:
Salamat po sa patuloy na supporta. Mayroon pong hindi mga sang-ayon kay Hera. Madami ang nasasagwaan sa nangyari. Pero what can we do? Reality po iyan. Nangyayari talaga. And I'm writing my stories hindi para maging ending ang gusto ninyong ending. Life is not full of roses, di ba po? Kung ang gusto ninyong story eh bad ang guy, sobrang bait ng girl then they end up together.... Bakit pa natin babasahin kung alam nating ganoon ang patutunguhan ng kwento? Honestly, I have a friend na worst pa kay Hera. She was a callgirl. Pero when she met this "sagrado katoliko guy", grabe lang! Ginawa niya ang lahat para mabago ang sarili niya. At doon namin napatunayan na true love will conquer all.
Anyways, salamat po sa mga nagvote at patuloy na nagcomment. Last chappy ang may pinakamahabang comment ng mga readers kong nawindang. Thanks to Tope! His idea wasn't bad after all. Salamat sa mga comments nina: @MrsSuzy, @ukissmeful (minessage kita sa fb, dear), @mjvelasco, @SummerFlinn, @simply_neri, @QuelaiDublas, at @mimosweet.
Sa inyong lahat, salamat!VOTE & COMMENT PLEASE?
_____________________________________________LD 50
FIRM DECISIONMedyo nagulat pa si Lance ng pagsakay niya ng kotse ay si Sarah ang nasa tabi niya sa unahan. Si Hera ang nasa backseat at impit na iyak ng iyak. Mabuti na rin at kasabay nila si Sarah. Dahil pilit nitong inaalo si Hera na tumahan na. She isn't that kind of bitch after all.
"Lance, I don't think na mageenjoy si Hera sa labas. I think it will be better kung umuwi na kayo." Sabi ni Sarah habang nakalingon sa likod. Halatang nanghihinayang ito na hindi sila makakalabas pa. Nasa backseat kasi si Hera at inaabutan niya ito ng tissue.
Sumulyap muna si Lance sa rearview mirror. Nakita niya si Hera na nakatingin sa labas at pinapahid ang mga luha. Mukhang patahan na. "I'm sorry, Sarah. Mukhang tama ka. Ihahatid ko na muna siya then ihahatid kita." Sabi niya na nakatingin na ng diretso sa daan habang nagda-drive.
"It's ok. I understand." Sagot nito sa kanya. "Ok ka na ba? Iuuwi ka na namin." Baling nito muli kay Hera. Medyo naaawa ito sa dalaga, though, she thinks she deserves it. Hindi rin ito sang-ayon sa nangyari dito at kay Lance. She likes Lance kaya parang mixed emotions din ito. Parang natutuwa siya na nag-aaway ang mga ito. At the same time, ay naiinis sa ginawa nito kay Lance.
"Ok lang ako. Pwede bang huwag na muna ninyo akong ihatid? Mag-bar na lang kaya tayo?" Suggestion nito kay Sarah.
Tumingin si Sarah sa kanya na parang humihingi ng permiso. "Are you cool with it? Bar tayo?" Tanong nito sa kanya.
"Sige." Hindi niya alam kung bakit napapayag siya. Ngayon lang siya natauhan sa ilang araw na pag-inom, pero ito na naman at iinom na naman siya. Nahihiya lang kasi din siya kay Sarah. Kung hindi dahil dito, malamang nasa lungga pa rin niya siya.
Ipinark niya ang sasakyan niya sa harap ng isang sikat na bar dito sa malate. Umikot siya para pagbuksan ng pinto si Sarah. At nang si Hera naman ang pagbubuksan niya, narinig na lang niya ang lagabog ng kabilang pintuan. Nakababa na pala ito sa other side ng sasakyan.
"Teka." At dinukot ni Sarah ang shades niyang animo'y bubuyog ito. Saka lang naalala ni Lance na sikat nga palang artista ang kasama nila. Baka pagkaguluhan ito.
"Ok lang bang dito tayo?" Tanong niya kay Sarah. Inaalala niya ang security nito. Wala pa naman silang baong bodyguards.
"Oo. Mamahalin na bar ito, hindi ba? At ang mayayaman ay hindi masyadong mahilig mangharas ng artista. Pigil sila kung humanga." Sagot nitong nakangiti na ngayon ay katabi na si Hera. Umikot pala ito at tumabi sa kinatatayuan ni Sarah sa tabi ng sasakyan niya.
"Sige tara!" At inilahad pa niya ang kamay to giveway na mauna ang dalawa. Habang nasa likod siya, hindi niya maiwasang pagkumaparahin ang dalawang babae sa harap niya.
Sarah is taller than Hera na mas lalo pang tumangkad sa suot nitong clogs. Nakakulot pa ang mahaba nitong buhok na kahit naka-maong lang, ay hindi ka magdadalawang-isip na lingunin. Iba kasi itong maglakad. Very elegant. May grace kumbaga. Lalo na ang complete make-up nito na napansin niya kanina. Halatang artista!
While si Hera naman ay mas maliit nga lang ng half an inch kay Sarah. Pero mukha itong maliit masyado dahil hindi naman ganoon kataas ang heels nito. Parang one inch lang ata. Nakalugay lang ang maitim nitong diretsong buhok. Kanina ay napansin niyang lipstick na lang ang nasa mukha nito. Marahil ay nabura na ng kakaiyak. Pero all in all, hindi naman din ito magmumukhang chimay sa tabi ni Sarah. Simple lang itong maglakad pero medyo may kahinhinan. Para bang may inferiority complex. Pero she's really beautiful in her own way.
Ngayon niya lang naisip, 'Wala talaga sa pisikal na anyo ng isang tao ang tunay na pagkatao nito.' Mukhang inosente si Hera kaya hindi mo aakalain na mangloloko pala.
Ipinilig ni Lance ang ulo ng i-welcome na sila ng bouncer sa entrance na kasama ng guard. Hindi niya kasi namalayan na kanina pa pala niya sinusuri ang dalawa. At sa pagsuri niya, totoong maganda at sexy si Sarah. Pero bakit ganoon? Iba talaga ang tambol ng dibdib niya just by looking at Hera from behind. Kahit naloko na siya, andun pa din ang dagundong sa puso niya para dito.
"VIP card please?" Hingi ng bouncer na halos para ng UFC player sa laki ng katawan.
Kinuha niya sa wallet ang VIP card niya. Meroon siya noon kasi dito rin sila umiinom ng mga kaibigan niyang sina Zeon at Tope. At dahil nga artista at model-singer si Zeon, kaya sa mamahaling bar lang sila pwedeng magpunta.
Binasa ni Kuya Bouncer ang exclusive card niya. "Ay Sir Lao po pala. Sige po, pasok na po." At naglahad ng kamay ang bouncer.

BINABASA MO ANG
Lustful Desires
Storie d'amoreSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...