A/N:
Please vote and comment naman diyan..
_______________________________
-5- MUNTIK NA
Kauuwi lang ni Hera galing sa sideline na pagtu-tutor sa bata. Doon siya dumiretso kanina pagkatapos niyang manggaling sa Hypermart. Pagod na pagod siyang pumasok sa bahay na tinutuluyan niya, ang bahay nina Ethan.
Sumalampak muna siya sa sala set at isinandal ang likod. Ipinikit sandali ang mga mata para maipahinga ang sarili.
"Hera.." Nagmulat ng mata si Hera ng may humawak sa balikat niya mula sa likod. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon.
"Kain na tayo ng makapagpahinga ka na." Dagdag pang sabi ni Ethan habang nakangiti sa kanya.
Ipinatong niya ang kamay sa kamay ni Ethan na nasa balikat niya. "Nasaan si Itay?" Hanap niya sa kinilalang Ama, ang tatay ni Ethan.
Ipinatong pa ni Ethan ang kabila pang kamay sa kabila pa niyang balikat. "Ewan. Baka nasa inuman. Halika na gutom na ako." Yaya muli ng naka-apron pang binata.
Ngumiti si Hera at tumayo na mula sa pagkakaupo. Sabay silang pumunta sa hapag kainan ni Ethan. Magkaharap nilang pinagsaluhan ang hapunan. Tahimik lang silang kumakaing dalawa. Mabuti pa kapag ganitong wala si Itay Kim nila at tahimik ang buhay nila.
"Saan ka natulog kagabi?" Tanong ni Ethan maya-maya.
"Kina Yrish." Pagsisinungaling niya.
Si Yrish ang natatanging kaibigan ni Hera mula sa college batch niya. Kaklase iyon ni Hera kaya niya naging kaibigan. Galing ito sa mayaman at matapobreng angkan. Ang totoo, ayaw ng mga magulang ni Yrish na maging magkaibigan sila ng mahirap na si Hera. Pero wala naman din silang magawa, dahil sadyang gustong-gusto ni Yrish ang kanyang character para maging kaibigan.
"Paano? Di ba galit ang magulang niya sa iyo?" Nakakunot ang noong tanong ni Ethan.
"Wala sila." Maikling sagot niya. Ayaw na niyang palawakin ang usapan dahil baka mahalata ni Ethan na nagsisinungaling siya. Na ang totoo ay sa condo ng isang Lance Lao siya natulog!
"Alam mo nag-aalala ako tuwing kasama mo ang kaibigan mong si Yrish." Matapat pang sabi ni Ethan.
"Bakit?" Tanong ni Hera. 'Mas mag-aalala ka kapag nalaman mo na kay Lance ako natulog, na kagabi ko lang din nakilala.' Nasa loob-loob ni Hera.
"Mahilig kasi siya sa party at uminom." Matapat na sagot ni Ethan.
"Pero mabait siyang tao, Ethan. Huwag kang mag-alala, kaya kong alagaan ang sarili ko." Sagot ni Hera. Talaga nga atang tuloy-tuloy na pagsisinungaling niya. Paano niya masasabi kay Ethan na kaya niyang alagaan ang sarili niya, kung sa isang iglap nga kagabi, eh muntik ng makuha ni Lance ang V-card niya?
"Ang hilig kasi niya sa party at lagi ka niyang isinasama. Kahit pa libre ka palagi, hindi ka ba natatakot na baka kung mapaano ka sa lugar na iyon? Ang mga lalaki sa ganoong mga lugar ay parang bumibili lang ng kendi sa tindahan sa pagkuha ng pagkababae ng mga chicks doon." Seryosong sabi ni Ethan.
"Ano ka ba? Huwag ka ng mag-alala, ok? Sumasama rin lang naman ako kay Yrish kasi umiiwas ako kay Itay Kim." Malungkot na sabi niya. Dahil kapag lasing ang Itay ni Ethan ay lagi silang pinagdidiskitahan nito kahit mga adults na silang magbestfriend.
"Sorry, Hera. Hindi ko din alam kung bakit nagkakaganyan si Itay." Malungkot na sabi ni Ethan.
"Wala ka namang kasalanan doon. Kaya lang sana huwag ka ng mag-isip ng kung anu-ano kapag kasama ko si Yrish. Gusto ko kasi tulog na si Itay kapag nauwi ako." Sagot niya habang nakatingin sa mga mata nito para malamang seryoso siya. Kung may iba lang talagang paraan. Kahit pa mamimiss niya si Ethan ay aalis na siya sa bahay na ito.
"Sige na nga. Basta ingatan mo ang sarili mo, BESTFRIEND." Pagbibigay diin ni Ethan sa salitang bestfriend. Paraan iyon ni Ethan para mapaalalahanan, hindi si Hera kundi ang sarili niya, na magkaibigan sila. Ang totoo, may lihim siyang pagmamahal kay Hera. Pagmamahal ng isang lalaki sa iniibig na babae.
Ngumiti si Hera. "Opo, Bez." Sagot niya pa.
Nang matapos silang kumain ay siya na ang nagvolunteer na maghugas ng pinagkainan. Nahihiya naman siya na ito pa ang maghuhugas, samantalang ito na nagluto. Gayong pagod din ito sa trabaho.
"Hera, lalabas ka pa ba?" Tanong ni Ethan nang natapos silang maglinis ng dining area.
"Hindi na siguro. Pagod na pagod na ako." Matamlay na sagot niya.
Inakbayan siya ni Ethan at hinalikan sa buhok. "Sige matulog ka na. Magsasara na lamang ako. May dala namang susi si Itay eh." Malambing na sabi nito sa kanya.
Iniyakap niya ang mga braso sa bewang ni Ethan. "Goodnight, Bez" pumunta na siya sa kanyang kwarto.
Nagbihis na si Hera ng kanyang pangtulog na short at sando. Humiga sa kama niya. Biglang sumagi sa utak niya ang gwapong mukha ni Lance. "Ano kayang ginagawa niya?" Tanong niya sa kanyang sarili.
Pumikit na siya pero gising pa din ang diwa niya. Naiisip pa din niya si Lance. Hindi niya maintindihan kung bakit isang kilala pa lang naman nila ay tumatak na ito sa kanyang utak. Lalo na at nakita pa niya ito kanina.
Abala siya sa pagmuni-muni ng mapansin niyang parang gumagalaw ang kanyang doorknob. Siniguro niyang nakalock iyon tuwi siyang matutulog. Imposible namang si Ethan iyon dahil marunong itong kumatok. At hindi iyon nagtatangkang buksan ang saradong pintong ganito.
Nagpapanic na napaupo siya sa kanyang kama. Isa lang ang naiisip niyang gagawa nito.....
Si Itay Kim niya!
Narinig niyang palayo ang yabag na nasa likod ng pintuan niya. Medyo nabawasan ang kanyang kaba. Pahiga na siya ng makarinig siya ng kalansing ng mga susi. Kung matino ito, bakit kailangang gumamit ng susi para lang kausapin siya?
Agad siyang tumalon patayo sa kama at dumaan sa de-kahoy na bintana na may tukod. Nagmamadali siyang lumusot doon. Kailangan niyang magtago! Hindi niya maintindihan kung saan pupunta kaya ng makita niya ang bukas na bintana din ni Ethan....
"Bahala na!"
Lumusot siya doon. Nagulat naman si Ethan ng bigla siyang bumagsak sa kama nito. "Hera, anong......" Agad niyang tinakpan ang bibig ni Ethan. Nagkatitigan sila sa ganoong position.
Dug..
Dug..
Lumagabog bigla ang kanilang mga puso. Napapikit na lamang ang nasa ibabaw na si Hera. Si Ethan naman ay unti-unting ibinabangon ang ulo nito para maabot at halikan siya.
"Ethan! Ethan!" Kalabog ng kanilang Ama sa pinto ng binata. Sa boses pa lang ay pihadong lasing na. Naglayo silang dalawa at ipinasok siya ni Ethan sa kumot nito. Tumalikod naman si Ethan kasabay ng...
"Nasaan si Hera??" Halos pasigaw na tanong sa kanya ng Ama. Sumiksik naman lalo si Hera sa likod niya sa loob ng kumot.
"H-hindi ko po alam." Kinakabahang sagot ni Ethan na nakatagilid paharap sa Ama para matakpan si Hera.
Lumapit si Kim at hinablot ang kumot. Nahalata kasi niya ang panginginig ng kumot. Kaya alam niyang may tao sa loob nito maliban kay Ethan. Sinunggaban ni Kim ang nanginginig na si Hera. Hinila patayo.
"Huwag Itay!" Ang awat ni Ethan habang hinihila si Hera palayo sa Ama. Pero sinuntok siya sa sikmura ni Kim kaya siya napahiga sa sahig at namilipit.
"Titikman lang kita." Sabi ni Kim na ang mga mata ay puno ng pagnanasa. Pilit niyang hinahalikan ang leeg ni Hera na walang suot na bra.
Pilit kumakawala ni Hera pero lalong humihigpit ang yakap ng manyak na Amain. "ETHAN, TULONG!!" Sigaw niya kay Ethan.
Pilit namang tumayo si Ethan at hiniklas si Hera palayo sa Ama. Napagtagumpayan niya naman itong ilayo. Kaya lang sinuntok siya ng Ama sa mukha. Literal na nakakita siya ng bituin! Ipinilig niya ang ulo at hinaltak ang Ama na muling sumunggab kay Hera.
Humarap ang Ama at akmang susuntukin siya ng makailag siya. "HERA TUMAKAS KA!" Sigaw niya kay Hera.
Litong-lito si Hera sa mga nangyayari. Nagiiiyak siyang lumusot muli sa bintana at tatakbo na sana ng madaklot ni Kim ang kanyang buhok.
Pilit na tinanggal naman ni Ethan ang pagkakahawak ng Ama sa buhok ni Hera. "UMALIS KA NA!" Sigaw niya kay Hera at inihagis ang pitaka niya sa dalaga.
Pinulot na lang iyon ni Hera kahit na hindi niya alam bakit ginawa iyon ni Ethan. Tumakbo siya palayo sa bahay kahit na gulo-gulo ang buhok, naka tsinelas, walang bra, naka ubod ng ikling shorts at sando lamang.
Nang may dumaan na tricycle ay pinara niya agad ito at sumakay. Pupuntahan niya si Yrish at doon muna makikituloy!
Abangan.
_____________________________
A/N:
Please VOTE & COMMENT naman jan!

BINABASA MO ANG
Lustful Desires
RomanceSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...