LD 43

8.1K 120 8
                                    



A/N:



Thank you po sa lahat ng nagbabasa. Whew! 43 chappy na po pala ito. Hanggang chappy 55 lang po ito. So iyong mga hindi mahilig mag-vote at magcomment, vote & comment na po kayo. Please?


Sorry po sa very late update. Nagdate kasi po si Author ninyo. And umaga na nakauwi. Sinulit ko pa kasi ang date kasi ang Tope ng buhay ko ay nagmomodel na. Bihira na makasama ni Author :( Daldal ko!



Anyways, thank you po kina: @MrsSuzy, @SummerFlinn, @mimosweet, at @ukissmeful sa kanilang mga comments.


______________________________________




LD 43


TIWALA



Nakapaligo na ang dalawa. Nagbibihis na sila ng may tumawag sa celphone ni Lance.





Evie Calling..





Ring..






Ring..





"Hello, Evie?" Sagot ni Lance sa tawag. Nagkatinginan pa sila ni Hera na ngayon ay nag-aayos na ng kanyang buhok sa harap ng salamin.






<"Sir, kararating lang po namin ni Mye dito sa Manila."> Balita sa kanya ng kanyang napaka-efficient na assistant.






"Mabuti naman kung ganoon." At muli niyang sinulyapan si Hera na ngayon ay nakatingin pa din sa kanya. Naglakad naman siya papuntang bintana ng kwarto niya para mas malakas ang signal.







<"At tumawag po ako dahil pinapasabi po ng Mama ninyo na si Sir Ethan daw po ay hindi pumasok.">






"Ha? Bakit?" Worried na tanong niya. Nag-aalala siya dahil siya pa naman ang nagpasok kay Ethan sa trabaho. At kapag tungkol pa naman sa trabaho, sobrang higpit ng Mama niya.






<"Hindi po alam ng mga kasamahan niya. Kanina pa nga po pinatatawagan ni Ms. Sophia, pero hindi po siya makontak!">







"Ano kayang nangyari doon?" At nagkatinginan sila ni Hera. Lumapit ito sa kanya at tinitigan siya. Kung ang mukha niya ay nag-aalala, ganoon din ang mukha ni Hera.







"Something wrong?" Tanong pa ni Hera sa kanya. Umiling lang siya at niyapos ito ng isang kamay.







"Well, anyway, salamat sa pag-inform. Puntahan ninyo sina Sarah at JP. Kayo muna bahala sa kanila. Hindi ako makakapasok. Baka bukas na." Habilin pa niya sa Secretary niya.





<"Ok po, Sir Lance."> Pagkasabi ni Evie ay binaba na ni Lance ang tawag.






Hinawakan ni Hera ang mukha niya. Iniharap siya nito sa kanya. "Anong problema, Baby?" Tanong pa nito sa kanya.







Bumuntong hininga muna si Lance. Para kasing kailangan niyang pakalmahin ang sarili sa nabalitaan.





"Si Ethan kasi hindi pumasok." Nakatitig kay Herang sabi niya.






Napalunok si Hera at tinalikuran siya para umupo sa kama. "Very irresponsible. Pabayaan mo at baka hindi na interesadong magtrabaho." Seryosong sabi nito.






"Ang problema, Baby, galit na galit si Mama."






"Pabayaan mong matanggal. Tamad eh!" Malamig na sabi ni Hera.






Hindi na niya napigilang lumapit kay Hera. Umupo siya sa tabi nito. "Bukod sa galit ni Mama ay pinoproblema ko din siya. Hindi ba't nilayasan natin siya? Nasuntok ko pa. Baka mamaya, kung ano nang nangyari sa kanya." Punong-puno ng pag-aalala na paliwanag niya.






"Kumain na tayo. Huwag na natin siyang problemahin. Walang mangyayari sa kanya, Lance. Ikaw nga na mas maraming tama, ok na. Siya pang isang suntok mo lang? Halika na. Kain na tayo." At hinila na siya ni Hera patayo. Hindi na siya nakipagdebate at sumunod na siya sa dining room.






Kumain na ang dalawa. Kapwa sila tahimik habang kumakain. May kanya-kanyang iniisip. At nang matapos ay siya na ang nagvolunteer na maghugas ng pinggan.





Nang matapos sila sa pag-iimis ng kusina, nanood sila ng tv sa sala. Kinandong ni Lance si Hera. Niyakap sa bewang ang dalaga. Ito naman ay nakapulupot ang mga kamay sa leeg niya.





"Hera, may sasabihin ako sa iyo." Sabi niya dito habang ang baba niya ay nakapatong sa balikat nito.





Inihilig din ni Hera ang ulo sa ulo niya. "Ano?" Masuyong tanong nito.






Pinag-intertwine pa niya ang fingers nila. "Kasi gusto ko sanang sabihin sa iyo na ma..." Hindi natapos ang sasabihin niya.






Ethan Calling..








Ring..







Ring..




Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon