LD 51

7.7K 112 12
                                    

A/N:

Maraming salamat po sa mga nagvote at nagcomment. Thank you po!

______________________________________

LD 51

SECOND CHANCE

Tinawagan ni Lance ang driver ni Sarah. Inantay niya ito dito sa bar para ipasundo na ito. Lasing na lasing kasi at talagang knocked down na ito. Mabuti na lamang at medyo malapit din ito sa opisina nila kanina, kung saan iniwan ni Sarah ang driver niya, kaya madali itong nakarating.

Nang makaalis si Sarah at ang sundo nito, si Hera naman na natutulog na ng mahimbing sa backseat ng sasakyan niya, ang kanyang hinarap. Nagmaneho na siya pauwi sa condo niya. Hindi pa sana siya uuwi doon ngayon, pero antok na antok na rin siya at gustong magpahinga.

Habang nasa daan pauwi ay binabalik-balikan ni Lance ang nangyari kanina. Muntik ng mapagsamantalahan si Hera kanina dahil mas una niyang sinagip si Sarah. 'Bakit ko nga ba inuna si Sarah na ipagtanggol kanina?' Ang tanong na iyan ang malalim niyang pinag-iisipan sa ngayon.

'Paano kung nahuli ka ng konti dahil inuna mo si Sarah?' Pagkastigo niya sa sarili.

'Makakaya mo ba kung sakaling nagahasa siya doon?' Tanong niya pa din sa sarili.

Napahampas siya sa manibela ng makarating na sila sa building ng condo niya. Alam niyang kaya niya piniling unahin si Sarah dahil ito ang wala na talagang ulirat ng nagkaulo. Samantalang si Hera, gising pa naman ito at nakapagsasalita. At isa pa, hindi naman siya masyadong nagtagal sa pagsagip dito ah?

Naputol ang pagtatalo-talo ng thoughts niya ng halos paungol na magsalita si Hera ng, "Laanncee.." At bumiling-biling pa ang ulo nito.

Agad na bumaba si Lance at binuksan ang pinto sa likod ng sasakyan niya. Yumuko para mabuhat si Hera palabas ng sasakyan. Pagyuko niya ay saka lang niya naramdaman na medyo lasing na din siya. Naramdaman niya kasi ang pagkahilo ng tumuungo siya.

Ipinasok na niya sa building si Hera habang karga ito ng bridal style. Mahimbing na mahimbing ito kahit buhat na niya.

"Good evening, Sir Lance." Magalang na bati sa kanya ng guwardiya sa harap ng condo.

"Good evening din." Balik bati niya.

"Sir, tulungan ko na po kayo." Pag-aalok ni Kuya Guard ng tulong.

"No! Ako na." Medyo napalakas ang mabilis niyang sagot. "Ako na." Sa mas mahinahon niyang boses.

Hindi siya makakapayag na may ibang lalaki ang hahawak pa sa katawan ni Hera. Iyon ngang isiping nahawakan  at higit pa doon ang ginawa ni Ethan ay halos dumurog na sa kanya. Paano pa kung may hahawak na namang iba dito? Baka mapatay na niya!

Pagbukas ng elevator ay agad na siyang dumiretso sa kanyang pinto at ini-enter ang passcode para mabuksan ang pinto. Pagbukas ay idineretso na niya si Hera sa kwarto niya. Sa couch sa sala na lamang siya hihiga ngayong gabi.

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon