A/N:
Salamat po sa patuloy na sumusubaybay, nagVOTE at nagCOMMENT. Salamat po sa comments nina: @MrsSuzy, @SummerFinn, @mjvelasc0, at @yaniebabe.
Thank you sa inyong lahat.
____________________________________
LD 31
MASAYA
Kailangan ng sumakay ng eroplano ni Lance pabalik ng Cebu. Kanina pa kasi tawag ng tawag dito sina JP at Sarah. Kapag si JP ang natawag, kinakausap ni Lance. Pero kapag si Sarah, sa kanya pinakakausap. At doon nata-touch si Hera. Ibig lang sabihin na wala itong itinatago sa kanya.
"I'm leaving, Hera." Malungkot na sabi nito habang yakap siya sa airport.
"Ingat ka. Mamimiss kita." Malungkot din na sabi ni Hera. Parang ayaw na niyang bumitaw pa si Lance sa kanya. Gusto niya, ganito na lang sila maghapon.
"Mamimiss din kita. Kung pwede lang na isama na kita. Sumama ka na kaya?" Tanong nito sa kanya.
"Lance, may trabaho ako..."
"Then work for me instead."
"Ayoko namang umasa sa iyo."
Niyakap siya ng mahigpit ni Lance at hinalikan sa noo. "Ok. I understand. Paano? I got to go. Ingat ka at behave ha?" Bilin pa nito sa kanya.
"Ok. Ok. Behave ka din doon. Take care." Sabi ni Hera at yumakap ng ubod ng higpit.
"Bye na talaga." Hinalikan siya ng malalim ni Lance sa labi. Hindi alintana ang mga dumadaan.
"Sige na at baka maiwan ka." Tinulak niya na ito papasok. "Call me ha?" Dagdag pa niya.
"Ok. Sumama ka na kasi." Pagbabakasakali ni Lance na pumayag siya.
"Tse! Sige na, Baby. Go na!" Muling tulak niya dito.
"Bye, Baby!" Nagflying kiss ito at pumasok na ng tuluyan.
Lumabas na si Hera at sumakay sa sasakyan ni Lance kasama ang driver ng mga Lao. Nakatingin siya sa bintana ng kotse. 'Damn! Miss ko na agad siya!' Bulong ng utak niya.
Kung hindi lang dahil sa trabaho ay sumama na siya. Ayaw naman kasi niyang umasa lang sa company nina Lance. Ayaw niyang isipin ng iba na isa siyang oportunistang babae.
Gusto niyang patunayan sa lahat, na kahit sobrang yaman ng partner niya, hindi niya kailangan ng impluwensiya nito. Kaya niyang magkatrabaho ng sariling sikap niya.
"Kuya, diyan na po ako. Salamat po." Bumaba na si Hera at dumiretso sa trabaho. Mas mabuti pa ang ganito. Kesa mag-isa siya sa condo. Lalo niya lang mamimiss si Lance doon. Kaya kahit halfday, pumasok siya.
**
"Gusto kong makausap ang boyfriend mo mamayang gabi." Bungad ni Ethan nang makita siya nito dahil break time nila.
"He's not my boyfriend." Tamad na sagot niya habang kumakain ng burger.
"Whatever! Sabihan mo na magkita kami." Seryosong sabi sa kanya ni Ethan.
"Nasa Cebu na siya." Sagot niyang hindi tumitingin kay Ethan. Grabe! Miss na miss na niya si Lance.
"Serious?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ethan.
"Mukha ba akong nagbibiro?" Medyo napipikon na sabi niya. Ang kulit kasi nito.
"Meroon ka ba? Ang sungit mo ah. Ang mayayaman talaga! Biruin mo, kagabi lang dumating, ngayon nakaalis na. Big time talaga!" Umiiling-iling pang sabi nito. Hindi naman siya sumagot kasi naiinis na siya.
BINABASA MO ANG
Lustful Desires
RomansaSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...