LD 40

8.3K 116 4
                                        



LD 40

FIRST MONTHSARY






"Sir, tapos na po ang schedule ninyo ngayong araw. At sina JP po at Sarah ay naibook ko na po ng flight going Manila." Sabi ng very efficient na secretary ni Lance na si Evie. Inuna nitong kinuha ng plane tickets ang dalawang artista para makadalaw muna sa kanya-kanyang pamilya ng mga ito.






"Ganoon ba? Very good. Ikuha mo na rin tayo ng earliest flight as soon as possible." Utos niya kay Evie habang katulong ang bagong assistant na padala ng Mama niya.






"Meroon na po, Sir." Sagot naman agad ni Evie. Nakitulong na rin ito sa pag-iimpake ng mga gamit niya.





Ibinaba niya muna ang mga hawak na folders at binalingan si Evie. "Wow! Very efficient ka talaga, Evie! Ganyan ang gusto ko. Gayahin mo si Evie, ok Mye?" Nakangiting baling niya sa bagong assistant.




"Yes, Sir." Sagot naman ng 30 anyos na si Mye.






Nakangiting bumaling muli siya kay Evie. "What time ang flight natin, Evie?"






Tumigil sa ginagawa si Evie. "Sir, tomorrow after lunch po." Sagot agad ni Evie.





"WHAT?? After lunch pa bukas? Baguhin mo! Ikuha mo ako ng pang-ngayong araw!" Pasigaw na utos niya kay Evie. Gustong-gusto na niyang makita si Hera. First monthsary nila kasi. Kaya gusto niya talaga itong makasama ngayong araw na ito.






"Naku, Sir! Puno na po." Natatakot sa sigaw niya na sabi ni Evie.





"Ano ba Evie? Gumawa ka ng way! Damn! Kahit chance passenger! Gusto kong umuwi ngayong araw. Ngayong araw at hindi bukas!" May diin na utos niya. Hindi niya mapigilang hindi mainis. Sabik na sabik na siya kasing makasama si Hera.





Takot na takot na tumawag sa landline si Evie. "Opo. Opo." Hindi magkaintindihang sagot nito.






(Later...)





Palapag na ang eroplano sa Subic. Sumakay na lang siya sa mga eroplanong mumurahin. Hindi na ininda ni Lance na baka mapahamak siya. Gusto niya talaga kasing mayakap, makita, at mahalikan na si Hera.





Iniwan niya sina Evie sa Cebu. Sa commercial flights ng NAIA sasakay ang mga ito. Hindi niya naman pwedeng ipagsapalaran ang buhay ng dalawa niyang empleyado, para lang mapagbigyan ang kapritso niya. Kasi nga, hindi ganoon kaligtas ang mga eroplano dito sa Subic.






Nang i-announce na ang paglapag ng eroplano ay nagmamadali na naman siyang bumaba. Just like before. Tuwing pauwi siya ng Manila ay excited talaga siya.






Pagkalabas ng airport ay agad siyang sinalubong ng kanyang driver. "Saan po tayo, Sir?" Magalang na tanong nitong si Ben, the driver.






Tumingin muna siya sa relo. Sinigurado niya muna ang oras kung saang trabaho ba ngayon si Hera. 3pm na! Sigurado siyang nasa Hypermart iyon.






"Sa Hypermart tayo! Susunduin natin si Maam Hera mo." Utos niya kay Ben.






"Sige po." At sumunod naman agad si Ben sa utos niyang puntahan nila si Hera sa trabaho.






Bumaba agad ng Hypermart si Lance at hinanap si Hera. He was so excited ng makarating na sila ng Manila from Subic. Pero laglag ang balikat pagkatapos ng 30mins. na pagtatanong-tanong sa loob ng Hypermart. Wala daw kasi si Hera. Hindi ito pumasok.





Kaya napagdesisyunan niyang tawagan si Ethan. Ayaw niyang tawagan si Hera, dahil gusto nga niya itong sopresahin.




Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon