LD 16

12.7K 152 8
                                    







A/N:

Thank you po kina: @Ruales, @ShinjouFurukawa, @plates, @mjvelasc0, @mimosweet, @MrsSuzy sa mga comments nila. Salat din po sa lahat ng nagvote at nagbabasa nito.




VOTE & COMMENT po.

__________________________________________








Maganda ang ngiti ni Hera, kahit pinagod siya magdamag ni Lance, ng pumasok sa trabaho. Sabay kasi silang kumain, ng niluto niyang breakfast, ni Lance. Pagkatapos ay inihatid pa siya ng binata dito sa trabaho. At ang sabi ay susunduin daw siya mamayang uwian nila para sabay silang magdinner.








Hina-hum pa niya ang kantang "BUKO" na tinitugtog kanina sa kotse ng binata. Sa sobrang saya niya ay wala atang kahit anong negatibo ang makakasira ng araw niya.










"Ethan?" Nasalubong niya ang nakatungong si Ethan kaya bumalik siya para batiin ito.







"Ethan!" Tawag niya sa binata na hindi ata siya naririnig.








Hinawakan niya ang balikat ng naka-talikod na binata. "Ui Ethan... Alam mo ba..." Naputol ang masaya niyang bati ng humarap ito sa kanya.











"Mygad!" Tanging nasambit niya. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ng binata. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at iginala niya ang paningin sa buong mukha nito.

"Hera" hinawakan naman ni Ethan ang kamay niyang nakakapit sa pisngi nito. Nakatitig din sa kanya si Ethan.

"Anong nangyari?" Tanong ni Hera. Putok ang kaliwang noo ni Ethan at may band-aid na nakatakip doon. Ang gilid ng labi ay meroon ding pasa at natuyong dugo. Halatang nabugbog ito!

Ibinaba ni Ethan ang mga kamay niya. "Sa office tayo." Yaya ng binata sa kanya. Sumunod naman siya sa binata. Awang-awa siya sa itsura ni Ethan. Ang makita naman itong sugatan ay parang bumabasag ng puso niya. Gusto lang niyang makatiyak, pero parang alam na niya ang dahilan.

Umupo sila ni Ethan sa couch sa office nito nang makapasok sila. Iniharap ni Hera ang kaibigan sa kanya. Hinawakan pa niya ito sa magkabilang balikat. "Ikwento mo na.." Utos niya.

"Nabugbog na naman ako ni Tatay. Hinahanap ka niya sa akin. Ayaw niyang maniwala sa sinabi kong hindi ko alam kung nasaan ka. Lalo na't nakita niyang pinuno ko ang bag ko ng mga damit mo." At itinuro ni Ethan ang bag nitong nasa sulok ng office.

Niyakap niya si Ethan sa bewang. Sobra-sobra na ang pinagdadaanan ng kaibigan niya. Mauunawaan pa niya ang pananakit sa kanya ng nagpalaking si Tatay Kim, pero ang saktan nito pati si Ethan, na sariling anak, ay hindi niya talaga maabsorb.

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon