A/N:
Thank you po kina: @MarianneCorias, @vaigne, @QuelaiDublas, at @mjvelasco sa inyong mga comments. Paki like o vote din po ang chapters. Salamat po.
Last 4 chapters to go. Kaya magparamdam na po ang mga ibang readers para makapag-dedicate ako sa mga madalas magcomment at magvote ng chappies.
Thank you sa inyong lahat!
________________________________________________
LD 61
SASABIHIN NA BA?
Naging perfect naman ang gabi ni Hera. Sinundo siya ni Lance at dumaan sila sa simbahan. Nagdasal sila doon at nagpasalamat na naging maayos ang lahat sa kanilang dalawa. Lihim din pinagdasal ni Hera na sana ay matanggap ni Lance ang magiging anak nila. Pagkatapos noon ay kumain sila ng hapunan sa isang mamahaling restaurant. Napakasweet pa nila sa isa't-isa habang nagkukukwentuhan at nagsusubuan.
Pagkatapos ng kanilang date ay umuwi na silang dalawa sa condo. Pagkaupo ni Hera ay napapikit siya ng mariin. Napadami ang kain niya kanina at ngayon ay parang nasusuka na naman siya. Hirap na hirap talaga siya sa pagbubuntis. Kasi kapag may ipapasok siyang pagkain sa bibig niya, halos kalahati noon ay isinusuka niya. Minsan pa nga kapag minalas, halos lahat ng kinain niya ay inilalabas din niya.
"Are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Lance habang inaayos ang ilang hibla ng buhok na nalaglag sa kanyang mukha.
"Medyo sumama ang pakiramdam ko." Mahinang sagot niya. Nacoconcentrate kasi siya. Pinipigil niyang bumalik palabas ang mga kinain niya dahil nasasayangan siya sa mahal ng mga iyon. Isa pa, paano niya mano-nourish ng ayos ang baby sa tiyan niya kung inilalabas din niya?
"Magpahinga ka na sa kwarto." Malambing na sabi sa kanya ni Lance.
Medyo nadistract naman si Hera sa way ng pagkaksabi ni Lance. Alam niyang wala naman sa intention nito, pero naakit siya sa way ng pagsasalita nito. Hindi niya mapigilang kilabutan sa kilig.
"M-mabuti pa nga." Nabubulol na sagot ni Hera. Pagmulat kasi ng mata niya, iyong gwapong mukha ni Lance na naka-tunghay sa kanya ang nakita niya. Hindi niya naman sinasadyang sa labi agad ng binata siya mapatingin.
Busy siya sa pagtitig sa mga labi nito ng madismaya siya dahil lumayo na ito sa kanya. 'Bitin pa ako dun ah!' Reklamo niya sa isip niya.
Tumayo ito sa harap niya at nag-offer ng kamay sa kanya para makatayo na siya at makapahinga sa kwarto. "Halika na." Malambing na sabi nito.
Nanigas naman sa kinauupuan si Hera. Hindi niya alam kung bakit ang dating nang sinabi ni Lance sa kanya ay halik na (meaning kiss na). Napaisip tuloy siya, 'ganito ba kapag buntis? Napaka-pervert ko naman!' Ipinilig niya ang ulo para matauhan.
"AYYYY!!" Napatili na lang siya ng bigla siyang buhatin ni Lance ng bridal style. Wala siyang nagawa kundi ipulupot ang ma braso sa leeg nito para hindi siya mahulog.

BINABASA MO ANG
Lustful Desires
RomanceSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...