A/N:
Paraparamdam naman diyan... VOTE & COMMENT po!
____________________________________
CHAPTER 13
FIRST DAY AT HYPERMART
Hinihimas ni Hera ang legs niya habang nagpapahinga muna dito sa locker area nang mga empleyado. Hanggang closing kasi ang na-assign sa kanyang shift. Wala naman siyang karapatang magreklamo. Mabuti na lamang at nagtext ang yaya noong chinu-tutor niya at sinabing wala naman daw pasok iyong bata bukas dahil teachers day. Kaya hindi na niya kailangan pang dumaan sa bahay ng mga iyon.
"Hera.." At tuloy-tuloy na pumasok si Ethan sa loob ng locker area. Mabuti na lamang at nakalabas na iyong dalawa niyang kapwa empleyadong babae. Kasi naman! Bakit ba namamasok ng locker ng may locker si Ethan.
"Ethan." Sagot niyang pilit ang ngiti. Ang sakit kasi talaga ng binti niya dahil 8 oras siyang nakatayo.
Umupo si Ethan sa tabi niya sa bench na inuupuan niya. "Ayos ka lang ba?" Concerned na tanong nito.
"Oo. Huwag mo akong intindihin kasi masasanay din ako." Nakangiting sagot niya.
"Sigurado ka?" Tanong nitong nakatitig sa binti niyang minamasahe niya.
"Oo na po." Sagot niya at ibinaba na ang binti niyang masakit para hindi na siya kulitin pa ni Ethan.
"Teka, hindi ba at may tutor ka pa? Kaya mo pa bang pumunta doon?" Nag-aalalang tanong nito.
Pinilit niyang ngumiti. "Hindi na ako pupunta. Sabi ni Yaya, wala daw pasok bukas ang bata."
"Ah ganoon ba?" Sabi nito habang napapatango.
"Oo nga po." Sagot niya naman.
"Saan ka nga pala uuwi?" Tanong nito sa kanya.
"Kina Yrish. Wala pa rin kasi ang Mama niya." Sagot niya. Gusto niyang sampalin ang sarili niya. Sa buong buhay niya, nitong mga nakaraang araw lang siyang nasanay na magsinungaling kay Ethan. Kasi naman! Paano niya sasabihin na kay Lance, na bago niya lang kakilala siya uuwi?
"Ah ganoon ba? Sige hatid na muna kita doon." Offer nito sa kanya.
"A-ah h-huwag na." Nauutal niyang sagot na hindi maka-tingin ng diretso kay Ethan. Baka mahalata nitong she's lying.
"Bakit naman?" Nakakunot ang noong tanong nito.
Patay siya kapag nagpumilit ito. "Alam kong pagod ka na. Next time na lang." Sagot niyang umiiwas pa rin ng tingin.
"Pero...."
Hindi na niya pinatapos si Ethan. "Huwag na. Kaya ko nang mag-isa." Pilit na pangungumbinsi niya.
"Sige na nga." Parang nabunutan siya ng tinik ng sa wakas ay pumayag ito.
"Halika na. Uwi na tayo." Yaya nito sa kanya. Nagoffer pa ito ng kamay para makatayo na siya.
"Tara." Nakangiting inabot niya naman ang kamay ni Ethan.
Isa-isa munang chinecheck ni Lance ang lahat bago sila umalis. Kasalakuyang nag-checheck ito kung may mga naiwan pang mga naka-plug sa loob ng opisina nito ng may magtext sa kanya.
Beep..
1 message received
Binuksan niya at nagulat siya ng mabasa kung sino ang nagmessage.
**
From: Baby Lance
**
Napangiti siya sa nabasa. 'Lokong Lance iyon ah! Sinave pa number niya dito. Pinakialaman siguro phone ko kaninang naliligo ako.' Naisip niya. Wala kasi siyang natatandaan na ibinigay niya mobile number niya kay Lance.
![](https://img.wattpad.com/cover/8563451-288-k923251.jpg)
BINABASA MO ANG
Lustful Desires
RomanceSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...