LD 36

8.5K 131 2
                                    

A/N:

Thank you po sa votes at comment ninyo. Salamat po sa comments nina: @SummerFlinn, @MrsSuzy, @GianelliChenn, at @mjvelasc0.

Please help me plug this story. Saka paki VOTE & COMMENT naman po oh...

___________________________________________

LD 36

 

SELOSA

KINABUKASAN:

Hindi bumalik sa Cebu muna si Lance. Not now. Sasamahan muna niya si Hera at aasikasuhin ang mga hospital needs nang inaakala niyang tanging kapatid nitong si Ethan. Nagpaalam siya sa Mama Sophia niya. Hindi niya pinaalam na nasa Manila siya. Ang akala ng kanyang Mama ay nasa Cebu pa siya at maysakit.

Nagpadala pa ng extrang assistant si Sophia para kay Lance. Kinutsaba naman ni Lance ang kanyang secretary na si Evie para ito muna ang sumama sa tauhang pinadala ng Mama niya. At kapag may naghanap sa kanya, nasa isang hospital siya, na hindi pwedeng i-reveal, at nagpapahinga.

Totoong kulang sa pahinga si Lance. Kaninang madaling-araw ng magising siya ay bumangon siya at si Hera naman ang pinatulog niya sa lap niya. Awang-awa siya sa biglang pamamayat ng tanging babaeng nagpapaikot ng mundo niya ngayon.

At ngayon, naandito sila sa labas ng operating room. Nakaupo sila sa bench habang inaantay ang paglabas ng doctor. Nakaakbay siya kay Hera. Ngayon, higit kailan pa man, kailangan siya ni Hera.

"Don't worry. Gagaling din siya, Baby." Pag-alo niya kay Hera. Hindi kasi ito mapakali at panay ang pisil sa mga kamay.

"Lance, paano na ako kapag nawala si Ethan?" Tanong nito sa kanya habang nakasandal sa dibdib niya.

Hinaplos niya ang buhok nito at hinalikan. "Walang mangyayaring ganoon, Hera. At saka, worst comes to worst, naandito ako for you." Nakangiting sabi niya kay Hera.

"Salamat, Lance. Salamat at nakilala kita." At niyakap siya ng mahigpit nito sa bewang.

"Walang anuman, Baby." Bulong niya dito. Ang sarap ng ganitong feeling. Iyong may babaeng umaasa sa kanya. Feeling niya napakaimportante niya for Hera.

Sarah Calling..

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon