A/N:
Sana dumami ang nagbabasa niyong story natin. Please VOTE & COMMENT. Thanks!
_____________________________
LD 29
PHONE CALLKINABUKASAN:
Maagang nagising si Hera. Pakanta-kanta pa siya habang nagluluto ng agahan nila. Masarap na agahan ang niluluto niya dahil maya-maya lang, aalis na muli si Lance pabalik ng Cebu. Alam niyang importante ang trabaho nito. Halos isang taon niyang sweldo sa Hypermart ang katumbas ng sweldo nito sa isang buwan. Porsyento pa lang nito sa mga artistang talents nito ay kalahating taon na niyang sweldo.
Kaya bilang isang manggagawa rin, alam niyang importante ang bawat araw nito. Mabuti na nga lamang at after lunch pa ang shift niya sa cashier, kaya kahit pagsilbihan niya muna si Lance ay ayos lang.
Nasa gitna siya nang pagluluto ng bacon ng may tumunog sa dining table.
Ring..
Ring..
Tumutunog ang celfone ni Lance. Baka hinahanap na ito sa Cebu. Kaya wala siyang dapat sayanging oras. Nilapitan ang cp nito para sagutin ang tawag.
Sarah Calling...
'Sinong Sarah?' Tanong niya sa sarili ng mabasa ang caller i.d. Pinindot niya ang answer button.
<"Hello, Lance? Nasaan ka ba? Bakit wala ka sa hotel room mo nang pinuntahan kita? Mamaya sabay tayo mag-lunch.. Hello? Hello? Hello? Si Sarah ito..."> Tuloy-tuloy na sabi ni Sarah sa kabilang linya.Ang ngiti ni Hera ay napaltan ng pagkalungkot. 'Sinong Sarah? Bakit pumupunta sa hotel room ni Lance? Bakit sabay maglulunch? Bakit hinahanap si Lance?' Tanong ng utak ni Hera.
(A/N: Play youtube video para mas feel... ----->>>>>>)
Parang bigla siyang nawalan ng gana sa narinig. Hindi na nga siya nakapag-salita kanina kahit man lang HELLO. Paano ba naman kasi, pakiramdam niya ay nawala ang boses niya nang marinig niyang may babaeng tumatawag kay Lance.
Alam niyang wala siya sa tamang position para magselos o masaktan, pero she can't control it. Ngayon niya lang naisip, 'Mahirap pala ang relasyong walang commitment. Paano kung may seryoso pala siyang nobya at ako ay isa sa palipasan niya lang ng oras? Paano na ako nito? Masakit din pala. At ang masakit, ay ang wala kang karapatang magreklamo dahil hindi naman KAYO!'
Bumalik siya sa harap ng kalan at tulalang hinahango ang niluto. Pagkatapos ay hinugasan niya ang pinaggamitan niya. Pero wala pa rin siya sa sarili. Hindi niya malimutan ang natuklasan na may ibang babae sa buhay ni Lance. Kung ano iyon sa buhay ni Lance ay hindi niya alam. At parang hindi niya kayang alamin pa. Sigurista si Hera. Natatakot siyang sumugal. Dahil baka sa huli ay masaktan lamang siya.
Hindi niya namalayan na natulo na pala ang mga luha niya. Parang pakiramdam niya ay threat iyon sa kanilang relasyon. Relasyong walang commitment, walang pinanghahawakan, at relasyong hindi sigurado kung hanggang kailan.
At sa narinig niyang pumunta iyong Sarah sa hotel room ni Lance, ibig sabihin ay taga-Cebu din ito. At ngayong madalas si Lance sa Cebu, ibig sabihin ay lagi itong nagkikita.
![](https://img.wattpad.com/cover/8563451-288-k923251.jpg)
BINABASA MO ANG
Lustful Desires
RomanceSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...