A/N:
Dahil hindi ako nakapag-update kahapon, double update ngayon.. Hehe! 5 chapters to go po.. Paki LIKE ang FACEBOOK PAGE ko pong ANGELMELAY WATTPAD. Salamat guys!
BTW, HAPPY 14TH BIRTHDAY TO KARL RICHMELL HERNANDEZ! Mwuahh!
___________________________________________
LD 55
GOING PARIS
Pauwi na sila from the shoot. Masama ang pakiramdam ni Lance. Parang medyo nahihilo kasi siya. Siguro ay mataas na naman ang bp niya.
"Sarah, can you drive?" Tanong niya kay Sarah. Wala kasi silang kasamang driver kanina ng pumunta dito.
"Nahihilo ka pa ba?" Nag-aalalang tanong ni Sarah habang nakasandal sila sa kotse niya. Si Hera ay abala sa pagpapasok sa compartment ng mga gamit ni Sarah.
"Oo eh. Alam kong pagod ka. Pero kung hindi mo na rin kaya, magpapasundo na lang tayo. Siguro naman after 3-4 hours ay naandito na sila." Sagot niya na ipinikit muna ang mga mata at nagbabakasakaling mawawala ang hilo niya.
"Tapos na po." Sabi ni Hera kay Sarah. Napansin nito ang itsura niya na nakapikit habang nakasandal sa kotse.
"Lance, ok ka lang ba?" Baling nito sa kanya. Hinagod pa nito ng kamay ang buhok niya.
"Hera, tulungan mo ako. Isakay natin si Lance sa backseat." Pakiusap ni Sarah.
Inalalayan siya ng dalawa. Hindi naman ganoon kahirap. Sumandal lang siya dahil delikado sa mataas ang bp ang humiga. Pupunta laloang dugo sa ulo at mas tataas ang pressure.
"Dito ka na sa harap." Sabi ni Sarah kay Hera at sumakay na ito sa driver's seat.
"Ok ka lang ba, Sir Lance?" Alam niya sa boses ni Hera na nag-aalala ito sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot.
"Lance, idadaan ka na namin sa hospital ha?" Concern na sabi ni Sarah. Tumango na lang siya dahil sa parang nasusuka na siya. Marahil ay talagang mataas nga ang presyon.
(Later..)
"Andito na sundo ko. Ipainom mo kay Lance iyang gamot niya ha? At huwag munang bibigyan ng stress." Bilin ni Sarah kay Hera.
"Opo, Miss Sarah. Ingat po!" Kumaway pa si Hera bago isara ang pinto ng condo ni Lance.
Dumiretso si Hera sa kwarto niya. May dala itong bulsa de yelo na pang lagay sa batok niya. Ang sabi ay maganda daw ito sa mga tumataas ang presyon. Napapasara ng malamig ang mga ugat. Kaya hindi na gaanong aakyat ang dugo sa utak na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyon o bp.
"Lance, nahihilo ka pa ba?" Nag-aalalang tanong nito. Hindi na ito natawag ng Sir sa kanya kapag silang dalawa lang.
Nanatiling nakapikit si Lance. "Masama pa din eh." At kinapa nito ang yelong kapit niya. "Ako na bahala dito. Matulog ka na. Alam kong pagod ka." Malamig na sabi niya dito. Alam naman niyang alas-3 na ng madaling-araw at kailangan na nitong magpahinga.

BINABASA MO ANG
Lustful Desires
RomanceSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...