LD 56

7.3K 122 8
                                    





A/N:

Maraming salamat po sa lahat. Before I forget, "HAPPY BIRTHDAY, TOPE!!" Please VOTE, COMMENT and SHARE THIS... Thank you, guys!



___________________________________________



LD 56

GOODBYE



Mahimbing na ang tulog ni Hera sa loob ng room nila ng marinig nito ang pagclick ng lock ng front door ng condo. Nagmamadali tuloy itong lumabas para tingnan kung sino ang dumating.



"Anong nangyari diyan?" Napatakbo ito sa gilid ni Lance at tinulungan si Tope na ipasok sa kwarto, ang lasing na lasing na si Lance. Inihiga ng mga ito si Lance sa kama at kinumutan.



"Naglasing iyan ng sobra kanina sa bar." Paliwanag ni Tope kay Hera.



Nakatayo lang ang mga ito sa may paanan ng kama, habang nakatingin sa himbing na himbing na si Lance.



"Bakit? Anong daw nangyari? Maaga nga iyang umalis kanina sa opisina eh." Tanong ni Hera kay Tope.



Nagkibit-balikat lang si Tope. Alam ni Hera na may alam ito pero hindi nagsalita. Maya-maya'y nagpaalam na rin ito dahil baka daw hanapin ito ni Ria, ang kanyang asawa.



Inasikaso naman ni Hera si Lance at pinaltan ng damit. Habang pinapaltan ito, 'ano bang nangyari kanina? May problema ba?' Tanong niya sa isip niya. Gusto niya sanang itanong dito ng diretso. Pero paano sasagot ang mahimbing na lasing?



**



Nagising si Lance dahil naiihi siya. Bumangon siya at tiningnan ang wallclock. Ayon sa relo ay 2 a.m. na. Tumingin-tingin siya sa paligid. Nakadapa si Hera sa tabi niya. Napaisip tuloy siya kung paano siya nakauwi? Ang tanda niya ay sina Tope at Zeon ang huling kasama niya sa bar.



Bumangon siya at napahawak din sa ulo niya sa tindi ng hangover. Dumiretso siya sa banyo para magbawas na ng sobrang alak sa katawan. Ang kaso, pagdating niya sa banyo ay....





"UWAAAHHHHKKKK..." Sumuka ng sumuka si Lance sa dami ng nainom.





"Lance? Lance?" Sunod-sunod na tawag at katok ni Hera sa kanya sa loob ng banyo. Habang siya ay patuloy ang pagsuka.




"Lance... Lance... Buksan mo.." Pakiusap pa rin ni Hera.




Ang pangit ng pakiramdam ni Lance na parang wala na siyang maisuka pero naduduwal pa din siya. Nagpatuloy lang siya at nagtoothbrush pagkatapos. Naghilamos na rin siya para medyo matauhan.





"Lance, ok ka lang?" Katok pa rin ni Hera sa labas ng cr.




Binuksan niya na ng matapos siya. Isang nag-aalala at hindi mapakaling Hera ang napagbuksan niya. Nagkatitigan silang dalawa.




"Ayos ka lang ba?" Concern na tanong ni Hera habang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo.



Tinabig ni Lance ang kamay na iyon kaya ganoon na lang ang pagtataka ni Hera. "I'm fine!" Sabi niya sa pinakamalamig na tono. Nagtataka naman si Hera sa inaasal niya. Sinundan pa rin siya nito hanggang sa pag-upo sa kama.



"May problema ba tayo?" Naguguluhang tanong ni Hera.





"Wala." At humarap siya sa kabilang side, iyong opposite kay Hera.




Hinawakan ni Hera ang siko niya. "Alam kong may problema, common tell me." Sabi pa nito sa kanya.




"Lumabas ka muna dito. Gusto kong mapag-isa." Maawtoridad na sabi niya.




Pero sadyang makulit si Hera. Lalo pa itong sumiksik sa kanya. "Sabihin mo kung anong problema, please?" Pakiusap nito sa kanya.




"OUT!!" Sigaw niya sa dito. Marahas na ang paghinga niya at galit na galit na!



Pero imbes na matakot si Hera ay hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at iniharap sa kanya. "Anong nangyayari sa iyo?" Tanong nito sa kanya.



Tumingin ng diretso si Lance sa mga mata nito. Gustong-gusto nitong ibulyaw dito kung ano bang ipinagsisintir niya.




"Lance, please?" Pakiusap nito sa kanya habang magkadikit ang kanilang mga noo.




Kahit tuloy galit siya kay Hera ay hindi niya mapigilan ang pagnanasa niya. Lalo na at nakikita niya ang maganda nitong mukha, mapupulang labi, at mabango nitong hininga.



Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon