A/N:
Last 6 chapters na lang po tayo. Help me plug this story naman po. Thank you po! Salamat po sa mga walang sawang nagVOTE & COMMENT. Please continue voting and giving your insights.
_________________________________________________
LD 59
NAPAGLARUAN NG TADHANA
Mabuti na lamang at ligtas naman ang bata sa sinapupunan ni Hera. Nagkaayos na rin sila ni Sapphire. Pinatawad na niya ito sa kundisyong, hindi ito makikialam sa pagsasabi kay Lance. Gusto niya ay siya ang magbabalita dito kapag nakauwi na ito. Kaya nanatiling sikreto pa rin ang kalagayan niya hanggang ngayon. Although, wala naman siyang balak isekreto iyon habang buhay, pero hanggat hindi pa alam ni Lance, ayaw niyang malaman muna ng iba sa trabaho.
2 months and 1 week na siyang nag-aantay kay Lance. Kahit nagkakausap sila, bitin pa rin iyon sa kanya. Miss na miss na niya ang mga yakap nito at halik sa kanya. Pero kaya niyang tiisin iyon. Tulad ng pangako niya kay Lance, magbe-behave siya habang nasa abroad ito kasama si Zeon Lee.
Halos magtatatlong buwan na ang tiyan niya pero hirap pa rin siya sa pagbubuntis. Nakakaramdam pa rin siya ng cravings, dizziness, nausea and vomitting.
"Ganito pala ang nanganganay. Ang hirap!" Sabi niya habang nakaharap sa salamin dito sa loob ng restroom sa opisina nila. Nasa meeting sila kanina ni Sapphire, at kaharap si Miss Sophia, nang makaramdam siya ng morning sickness.
"Anong nangyayari sa iyo? Naglilihi ka pa rin?" Concern na tanong ni Sapphire. Sinundan pala siya ni Sap dito sa restroom ng mag-excuse siya sa meeting.
"Ewan ko nga ba, Miss Sapphire. Tanghaling tapat na pero may morning sickness pa din ako. Ang masama nito, hanggang gabi ay ganito ako." Sabi niya habang naghihilamos para mahimasmasan sa pagsuka.
Hinawakan ni Sap ang balikat niya. "I'm sorry at wala dito si Lance. Kung naandito sana siya, may aasikaso sana sa iyo. Tawagan na kaya natin at sabihin para umuwi na agad iyon?" Suggestion ng nakakatandang Lao sa kanya.
Umiling siya kay Sap habang nagpupunas ng panyo sa mukha. "Huwag na. Konti na lang naman at uuwi na iyon. Hindi naman siguro iyon aabutin ng 3 buwan pa sa Paris." Pilit ang ngiti habang tinatago niya ang pangungulila kay Lance.
"Bahala ka. Pero basta may problema, tawagan mo ako." Concern na sabi nito. Simula talaga ng malaman ni Sapphire ang kalagayan niya ay naging extra caring na ito sa kanya.
"Oo. Salamat. Balik ka na sa meeting, susunod ako." Sabi niya kay Sapphire na agad din namang sinunod nito.
(Later..)

BINABASA MO ANG
Lustful Desires
RomansaSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...