A/N:
Salamat po sa lahat nang nagVOTE. Salamat din sa COMMENT ni @mjvelasc0 at @MrsSuzy. Sana po mas madagdagan pa ang concerned readers ko..
___________________________________
LD 22
SECURED?
Kinagabihan pagkatapos niyang magtutor ay nagbihis lang siya sa condo ni Lance at pumunta na sa bar. Pinuntahan kasi sila ni Yrish sa Hypermart kanina para yayaing mag-bar. Gusto niya namang mag-enjoy si Ethan kaya pumayag siya. Pero kahit hindi siya obligado, tinatawagan pa rin niya si Lance para iinform ito ng whereabouts niya.
Nakailang contact na siya ay hindi niya makontact. Marahil ay busy ito. Kaya nagtext na lang siya.
**
To: Lance
Baby, punta ako ng bar with Yrish ang my brother.
**
"Ano na, Hera? Halika na!" Nakangiting yaya sa kanya ni Yrish. Dito na kasi sa bar nila napagkasunduang tatlo na magkita-kita.
"Oo na po." At sumunod na siya sa pagpasok sa bar.
Palinga-linga sila at hinahanap nila si Ethan na baka nasa loob na. Pero wala pa ito. Umupo na lang muna sila at umorder na si Yrish ng isang bucket nila.
"Nasaan na si Ethan?" Medyo dismayadong tanong nito.
"Baka na late lang." Sagot niya.
"Tawagan mo na. Sabihin mong naandito na tayo." Utos pa nito sa kanya.
Natigilan siya. Bakit parang atat na atat si Yrish na makita ang besfriend niya? Parang may something siyang napapansin sa kinikilos nito.
"Hera, tawagan na natin." At iniaabot ni Yrish ang cp nito sa kanya.
"Huwag na. Antayin na lang natin. On the way na iyon." Pagtanggi niya.
"K." Tinatamad na sagot nito. Iniabot sa kanya ang isang bote at nilagok naman nito ang isa.
Swerte din itong si Yrish. Kahit gabi-gabi itong mag-inom ay sexy pa rin ito at hindi nataba. Samantalang siya, kailangan niyang hanapan ng time para sunugin ang kinain niya sa maghapon.
Patuloy sila sa pag-inom habang nanunuod sa mga taong nasa ledge at nagsasayaw. Masayang-masaya ang atmosphere sa bar na ito.
"Ang gwapo." girl 1.
"Akin na lang" girl 2.
"Ang hot niya!" girl 3.
Napukaw ang attention nila ni Yrish sa malakas na usapan sa katabi nilang table. Nagkatinginan sila ni Yrish at nagkangitian. Sinundan nila ang sinasabing gwapo daw.
Nangislap ang mga mata ni Yrish ng makita ang papalapit sa kanila. Siya naman ay natulala sa lalaking ilang hakbang na lang.
SI ETHAN!
Ang gwapo ni Ethan sa suot nito!
Halos lahat ng madaanang babae ay nakukuha ang attention nito.
Tumayo naman si Yrish at sinalubong ito ng beso. Nakangiting nakipagbeso din si Ethan sa dalaga.
"May girlfriend?" bakla 1.
"Eh ano? Mapera naman tayo." bakla 2.
Natatawa na lang siya ng lihim sa naririnig. Kung alam lang ng mga baklang homophobic si Ethan. Na kahit pahigain nila ito sa kama ng pera, pero never itong papatol sa bakla. At isa pa, hindi naman mukhang pera si Ethan.
"Sorry na late ako." Bungad nito ng lubusan ng makalapit sa kaniya. Umupo ito sa tabi ni Hera.
"Ok lang. Inom ka na." At inabot niya dito ang isang bote ng beer.
"Tingnan mo ang naiinggit na mata nila sa atin." Nakangising sabi ni Yrish. Napalingon siya sa paligid at tama ito! Nakakuha ng attention ang pagdating ni Ethan.
"Wow! Mukhang lumalakas na nga ata ang appeal mo ah." At mahinang binangga pa niya ang balikat ni Ethan.
Natawa naman ito. "Ngayon mo lang nalaman? Iyan ang hirap sa iyo eh. Tingin ka ng tingin sa malayo, eh nasa harap mo lang ang prinsipe mo." At ngumisi pa si Ethan sa kanya.
"Ang yabang mo!" Hinampas niya sa braso si Ethan.
"Hey! Kung hindi ko lang alam na halos magkapatid kayo, iisipin kong magnobyo kayo." Nakangiting puna ni Yrish sa kanila.
Napailing na lang ang nakangiting si Ethan. Inakbayan pa siya. "Sayang nga eh, naging magkapatid kami." Sakay ng binata sa sinabi ni Yrish.
"Oi! Oi! Hindi kita kapatid ah.." At hinawi niya ang braso ni Ethan. Ngumiti siya ng maluwang para magmukhang hindi siya apektado. Pero ang totoo, naiilang siya bigla sa akbay ng binata. Naiilang siya kasi ng akbayan siya ay bumilis ang tibok ng kanyang puso.
"Narinig mo, Yrish? Hindi kami magkapatid." Kumindat pa ito kay Yrish. "Ibig sabihin, pwede tayong maging magkasintahan?" Kumindat pa si Ethan sa kanya.
Hindi siya nakaimik. Unti-unting napawi ang maganda niyang ngiti. 'Sinasapian ata si Ethan. Kung anu-anong pinagsasabi. Hindi pa naman lasing.' Naiisip niya kaya hindi siya makapagsalita.
"Hera! Hera, nagbibiro lang ako." Biglang bawi ni Ethan. Ayaw nitong masira ang closeness nila. Hindi alam ni Hera na sinusubukan lang nito ang magiging reaction niya kung sakali.
"Oh, baka magkapikunan. Dito ka na nga sa tabi ko umupo." Sabi ni Yrish at tinatapik pa ang katabing upuan na malapit dito.
Ginulo muna ni Ethan ang buhok niya bago ito umupo sa tabi ni Yrish. Ngumiti na lang siya ng pilit. "Mabuti pang diyan ka na nga sa tabi ni Yrish." sulsol pa nito.
"Sus! Ayaw ng may katabing gwapo." At nakuha pa nitong umirap sa kanya.
"Oh tama na! Kampay na. Kampay..." At itinaas ni Yrish ang bote ng beer para sa isang cheers.
KAMPAY!
(Later...)
Lasing na silang tatlo. Si Yrish ay kasayaw na ni Ethan doon sa may stage ng bar. Kung anong harot ng music ay siyang harot din ng sayaw ng dalawa. Hindi komportable si Hera sa nakikitang sayaw ng dalawa. Very sensual ang dating sa paningin niya.

BINABASA MO ANG
Lustful Desires
RomantizmSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...