LD 39
MUNTIK NA!
AFTER A WEEK:
Dumaan ang one week na mas lalong naging close sina Hera at Ethan. Palagi silang nagbobonding sa bahay. Nanunuod ng movie marathon, nagkukwentuhan, at nag-bibiruan. Nawala na ang pagkailang ni Hera kasi hindi na naman nasundan ang mga kakabog-kabog dibdib na mga eksena.
Pauwi na si Hera ng apartment galing sa Fastfood chain. Bale ang schedule niya ay 7-3pm sa Hypermart, 5-6pm sa tutorial ng bata, at 2 ng madaling araw-5am sa fastfood chain. Kaya pag-uuwi siya ng ala-una ng madaling araw, pagod na pagod na siya. Nakakapagbonding lang sila kapag T-Th-S-Sun. Kasi Monday, Wednesday, at Friday lang naman siya sa fastfood chain.
Patuloy naman ang pagkakamustahan nila sa text ni Lance. Nabawasan na lamang ang tawagan nila, dahil kapagtulog siya, gising ito, at kapag-gising na siya, tulog na ito. Kaya sa makatuwid, miss na miss na niya si Lance Lao. Ang boses nito ang energizer niya kasi.
Kanina pa siya dito sa kanto ay wala pa ding dumadaan na sasakyan. Medyo mabigat ang pakiramdam niya kaya hindi muna siya papasok sa Hypermart. Kung hindi lang sa dami ng utang niya, malamang na nagbawas na siya ng trabaho. Pero dahil sa dami ng kailangang bayaran, nagtitiyaga siya.
Alas sais na ng umaga ay wala pa ding dumadaan na tricycle. Gustong-gusto na nga sana niyang magpahinga. Kaya mas minabuti niyang maglakad na lamang. Kesa naman nasasayang ang oras niya kaantay sa wala.
Medyo madilim pa ang paligid, hindi tulad ng mga nagdaang alas-sais ng umaga. Marahil ay dahil sa umuulan buong magdamag. Mabuti na nga lang at paglabas niya sa Mc Do kanina ay tumila na. Wala pa naman siyang dalang payong.
Medyo malayo-layo na ang nalalakad niya ng nagumpisa na namang umambon. Kinuha niya ang unipormeng pinagbihisan at isinaklob sa ulo. Nagmamadali na siyang makauwi dahil baka lalo pang lumakas ang ulan, at matuluyan na siyang lagnatin.
Halos kalahating kilometro na lamang ang distansiya niya mula sa apartment, ng unti-unting lumaki ang patak ng ulan. Napilitan tuloy siyang tumakbo ng mabilis para makauwi na.
Pagdating niya ng ikalimang kanto mula sa tinutuluyan nila, napasilong muna siya sa ilalim ng punong malaki. Basang-basa na kasi siya at medyo giniginaw. Humangin pa ng malakas kaya lalo siyang nilamig.
"Ano ba yan?!" Inis na sabi niya kasi patuloy ang pagihip ng malakas na hangin.
Napagpasyahan ni Hera na tumakbo na muli para makauwi. Medyo mataas na rin ang tubig sa kalsada kaya lubog ang paa niya at hanggang baba ng binti.
Ang kaso, sa dumi ng tubig, hindi niya namalayan na may lubak pala! Muntik na siyang mapaluhod kung hindi siya naalalayan ni...
"Ethan." Ang tanging nasabi niya. Alerto siyang hinawakan nito sa bewang para hindi mapangud-ngod sa sapalto ng daan.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong nito na titig na titig sa kanya.
Medyo naiilang siya sa posisyon nila kaya umatras siya para makawala sa yakap nito sa kanya. "Wala kasing masakyan." Sagot niya habang pinapayungan siya ni Ethan.
Pinahawakan ni Ethan ang payong sa kanya at hinubad nito ang jacket na nakabalabal dito. Isinuot ito sa kanya ni Ethan na halos mayakap na siya.
Dug..
Dug..
Bumalik ata ang nagda-drum sa dibdib niya?! Kumakabog na naman kasi ang kanyang puso.
"Halika ng umuwi." At inakay na siya nito pauwi sa bahay.
"Salamat ah. Teka, wala ka bang pasok?" Tanong niya kay Ethan. Pilit na pinapakalma ang boses niya dahil baka mahalata ni Ethan ang kaba niya.
"Mamayang after lunch. Dadating na kasi sina Sarah at JP." Sagot nito na hindi niya masyadong nabigyan ng attention. Paano ba naman, inaagaw nito sa kanya ang payong. Walang pag-aalinlangan naman niya iyong iniabot.
Pero parang gusto niyang magsisi kung bakit pa niya pinahawakan muli ang payong. Kapit kasi nito sa isang kamay ang payong at ang isa ay nakaakbay sa kanya. Para hindi siya tuluyang mabasa at ginawin.
Napakurap-kurap si Hera. Ginigising ang sarili. Pakiramdam kasi niya, nasa fantasy land siya. Pakiramdam niya kasi ay isa siyang muse na pinapayungan ng kanyang escort. Ang nakakainis nga lang ay amoy na amoy niya ang after shave cologne na gamit ni Ethan. At ang siko niya ay marahang bumabangga-bangga sa firm abs nito habang sila ay naglalakad.
"Bahay na." Sabi ni Ethan na nakangiti sa kanya.
"Ha?" Tanong niya dahil abala siya sa palitang pagtingin sa mukha nito at katawan habang naglalakad.
"Pasok na tayo at nasa bahay na tayo." Ulit nito na napangisi sa kanya.
"Ahh..." Mukhang tuleg lang na nagtatango-tango siya at nauna ng humakbang papasok ng gate ng mga apartment. Hiyang-hiya tuloy siya na hindi na makuha pang lumingon sa nasa likod niyang si Ethan.
Kinapa ni Ethan ang susi sa bulsa ng pantalon nito. At sa pagtaas ng kamay nito, humakab ang dibdib nitong firm. Napalunok tuloy si Hera.
'Pervert na ata ako ah?' Kastigo niya sa sarili. Para kasing nagigising ang kanyang senses bilang babae sa kakisigan ng katawan ni Ethan.
'Ganito ba talaga kapag wala si Lance sa tabi ko?' Tanong pa niya sa sarili habang naglalakad na tulala papasok ng bahay. Naisip niya kasi, siguro ay sadyang miss lang niya ang mga yakap at halik ni Lance kaya siya nagkakaganito.
"Magbanlaw ka na muna, Hera. Baka magkasakit ka kapag natuyuan ka." Utos nito sa kanya.
Tulalang sumunod naman siya sa utos nito. Hindi niya kasi malimutan ang bakat na pectoral muscles nito sa V-cut plain white shirt nito. Pakiramdam niya tuloy ay nag-iinit ang katawan niya sa tanawing iyon.
Pagpasok niya ng banyo ay agad siyang nagbukas ng shower. Kailangang mawala ang kakaibang init na nararamdaman niya. Kaya medyo nagtagal siya sa pagtapat sa tubig.
"Ano bang nagyayari sa akin?" Tanong niya sa sarili niya. Daig pa kasi niya ang isang babaeng uhaw na uhaw sa halik at yakap. Pati tuloy si Ethan na kababata niya ay pinagnanasaan na yata niya.
Knock..
Knock..
Hera..
Nanglaki ang mata niya! Kinakatok na siya ni Ethan. Kanina pa kasi siya dito sa shower. Baka mamaya ay wasakin nito ang pinto sa pag-aalala. Kaya nagmamadali siyang kumuha ng towel. At nang masigurong tuyo na siya ay ibinalot niya ito sa katawan.
"Hala! Wala pala akong pamalit!" Saka niya lang narealize na wala siyang pamalit. Lagot kang Hera ka!
"Paano na ito?" Tanong niya sa sariling repleksyon sa salamin.
"Hera..
Hera..
Ano ba? Sisirain ko ito!"
Sigaw na ng sigaw at katok na ng katok si Ethan.
"Bahala na nga!" At dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.
Ang siste, nakasandal pala pintuan. Kaya pagbukas niya ng pinto ay napasubsob ito sa kanya. Kung hindi siya nakabalanse, malamang na bumagsak sila.
'Josko! Tuwalya la ang suot ko!' Kabadong-kabado si Hera. Nakayakap kasi ngayon sa kanya si Ethan.
Nang marealize naman ni Ethan na tuwalya lang ang covering niya, tumayo agad ito ng tuwid. "Bakit ba ang tagal mo? Akala ko kung napaano ka na!" Pagsusungit nito pero namumula naman ang buong mukha.
"Lumabas ka nga!" At nag-galit-galitan na rin siya. Mabilis niya itong itinulak ng itinulak papuntang labas ng kwarto. At pagkatulak niya, ibinalibag niya ang pinto.
Pagod na pagod na napaupo si Hera sa kama. "Muntik na ah... Joskopolord! Nagkakasala ako kay Lance nito! Sana umuwi na siya!" Piping dasal niya. Alam niyang ang init na ito ay dala lamang nang pagkamiss niya kay Lance.
Si Lance na nagmulat sa kanya ng isang bagay na nakakaaddict.... Ang pakikipagniig!
______________________________________
A/N:
VOTE & COMMENT please?
BINABASA MO ANG
Lustful Desires
RomanceSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...