LD 42

9.1K 133 6
                                    

A/N:

Thank you sa mga VOTES ninyo! Salamat din po sa COMMENTS nina : @MrsSuzy, @SummerFlinn, @mimosweet, at sa sobrang nagpamiss na si @ukissmeful.

________________________________

LD 42

WARRIOR

Pagdating nila sa condo, kahit masama ang pakiramdam ni Hera, inasikaso nito si Lance na gamutin ang putok niyang labi. Guilting-guilty kasi ito sa ginawa ng kababata nitong si Ethan. 

"Ako na." Giit ni Hera sa kanya. Gusto nito na siya na gumamot sa sugat ni Lance.

"Dahan-dahan, Baby." Sabi niya. Medyo napadiin kasi ang paglagay ng bulak ni Hera sa kanya.

"Bwisit naman kasi si Ethan." Naiinis na sabi pa nito.

"Baby, wag kang magmura. Pabayaan mo na. Gamutin mo na lang ako." Paglalambing niya.

Napangiti tuloy si Hera sa kanya. "Eto na nga po at ginagamot na." Sabi nito sa kanya. Sa sobrang lapit ni Hera ay hindi maiwasang hindi siya mapatitig dito.

"Kiss mo na lang kaya ako para gumaling ako?" Lambing pa niya.

Walang pag-aatubili namang kiniss siya ng mabilis sa mga labi ni Hera. "Humanda ka sa akin kapag magaling na ako." Banta pa ng nakangising si Hera.

"Wow! Babantayan kita magdamag. Dapat gumaling ka na." At ngumisi siya habang tinutulungan si Hera iimis ang mga kinalat nila. Hindi maitatagong excited na siya sa sinasabi ni Hera. Coming from a girl, he can help but feel the excitement all over him.

Pagkatapos ay naglinis na sila ng katawan. Hilamos at toothbrush. Then nagpalit ng damit. Hindi maiwasang hindi magising ang warrior niya ng makitang nakatalikod na nagsusuot si Hera ng pajama. Pero huminga siya ng malalim. Kailangang pakalmahin ang sarili. May sakit si Hera at hindi ito ang tamang panahon para angkinin ito.

Maraming gustong itanong ang maunawaing si Lance kay Hera. Pero pinigil niya. Nilalagnat pa si Hera kaya minabuti niyang huwag na munang magtanong. Kontra sana alaga siya na magbyahe pa sila kanina. Ang kaso nga lang, wala naman siyang magawa kasi desisyon iyon ni Hera. Advantage niya rin naman iyon dahil at least dito sa condo niya, may privacy sila.

"Alam kong madami kang gustong itanong pero pwede bang pag medyo ok na ako?" Sabi ng nilalamig na namang si Hera.

Niyakap niya ng mahigpit ang katabi niya sa kama niyang si Hera. "I know. Pero magpahinga ka na." At hinalikan pa niya sa noo ang dalaga.

"Thank you for understanding me, Lance." Nakangiting sabi nito sa kanya.

"Welcome. Rest ka na." Sabi pa niya.

Sa natukalasan niya, alam na niyang kailangan na niyang magdesisyon. Dahil sa ipinakita ni Ethan kanina, alam niyang lihim itong umiibig sa dalaga. Alam niya na hindi ordinaryo para sa isang kaibigan ang naging asta nito kanina. Lalaki rin siya. Alam niya kung paano ang reaction ng isang umiibig na binata.

Sa daan nila pauwi kanina, alam niyang hindi na ito panahon para magdeny pa siya. Mahal niya na si Hera. Ang mga nararamdaman niyang hindi mapalagay kapag wala ito sa tabi niya, kapag hindi ito nakakausap, kapag nagwoworry siya ng labis, kapag ito lang ang laman ng isip niya, at ang sobrang pagkagusto niya. Alam niyang hindi lang lust ito. Alam niyang mahal na niya ito. Alam niyang there is something in his heart na kailangan na niyang pakawalan.

Kaya nakapagdesisyon na siya. Aamin na siya kay Hera. Sasabihin na niyang mahal na niya ito. Bubwelo lang siya kasi sa dami ng nangyari ngayong araw, hindi pa ito ang tamang panahon na umamin.

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon