A/N:
Merry Christmas po sa ating lahat! Last 2 chappies na po. 20 VOTES & 15 COMMENTS = UPDATE. Huwag na po ninyong ipagdamot ang votes at comments ninyo, christmas naman.
May bago po akong story iyong THE STAR nasa external link po ----->>> or http://www.wattpad.com/story/10828030-the-star. Please read it po. Pero tapusin ko muna ang The Chase at itong Lustful Desires bago ako mag-update doon ng sunod-sunod. Thanks guys!
____________________________________________
CHAPTER 63
GOLDEN SPOON
Hindi malaman ni Hera kung paanong upo sa kotse ang gagawin niya. Ninenerbyos kasi siya dahil ngayong araw siya pormal na ipakikilala ni Lance kay Miss Sophia, bilang girlfriend nito.
Hindi siya mapakali sa passenger seat. Pinipisil-pisil niya ang magkabilang daliri dahil sa nerbyos. Natatakot siyang tanggihan siya nito dahil hindi maganda ang impression ni Sophia sa kanya.
“Hey, you ok?” Tanong sa kanya ni Lance habang nagmamaneho ito at saglit na sumulyap sa kanya.
Pilit na ngumiti si Hera kahit pa hindi na nakatingin sa kanya ang nobyo. "The truth is, I'm dead nervous!" Halos pati boses niya ay manginig sa kaba.
Nilingon siya nito at hinawakan ang isang kamay. "Don't be. Hindi kita pababayaan." At ibinalik na nito ang kamay sa manibela pagkatapos siyang pisilin. Somehow, nakaramdam siya ng konting panatag ng kalooban sa ginawa nito.
Tahimik na siya buong byahe. Panay ang hinga niya ng malalim para mapakalma ang sarili. Kailangan niyang maging kalmado, kahit papaano. At paulit-ulit niyang nirereplay sa utak niya ang sinabi nitong katabi niya.
Don't be. Hindi kita pababayaan.
Don't be. Hindi kita pababayaan.
Don't be. Hindi kita pababayaan.
Simple lang ang pagkakasabi ni Lance, pero iyon ang panghahawakan niya. Ang katotohanang kahit anong mangyari ay hindi siya pababayaan nito.
(Later..)
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Hera ng pagbuksan na sila ng guwardiya sa bahay ng mga Lao ng gate. Ipinasok ni Lance ang sasakyang dala nila sa malawak na garahe ng mga ito. Inalalayan pa siya nitong bumaba ng kotse.
Iniligid niya ang paningin sa buong garahe. First time niya kasi sa bahay talaga ng mga Lao. Hindi maipagkakaila kung gaano karangya ang pamilya ng mga ito. Makikita sa garahe ang 2 kotse na halinhinan niyang nakikita na minamaneho ni Miss Sophia o ni Sapphire. Naandito rin ang 2 fourwheel drive na minsan ay ginagamit ni Lance, at ang isang van na malaki na parang bahay na sa loob (A/N: Hindi ko alam ang tawag) Iyon ang minsang ginagamit ng mga artista kapag may location shoot. Meroong kusina, cr at tulugan sa loob ng coaster.
![](https://img.wattpad.com/cover/8563451-288-k923251.jpg)
BINABASA MO ANG
Lustful Desires
RomanceSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...