A/N:
Salamat po sa walang sawang nagbabasa nitong story na ito. Pwede po bang humingi ng pabor? Help me plug this story po. Iyon lang po!
Salamat din po pala sa walang sawang nagcocomment at nagvovote. Thank You po!
________________________________________
LD 26
MEET CHE
KINABUKASAN:
“Ang swerte mo naman at close kayo ni Sir Ethan.” Ang kinikilg na sabi ng katrabaho niyang si Che. Naandito kasi sila sa dressing room nila at nagbibihis para sa trabaho.
Natatawa siyang lumingon dito. Halos mangisay ito sa kilig. Paano ba naman, ang loko-lokong Ethan, kinindatan pa siya kanina noon nasa harap sila ng logbook para mag-in? Isa siguro ito sa mga babaeng nabibighani sa charisma ni Ethan.
“Halos magkapatid kasi kami. Sabay kaming lumaki. Kaya bestfriends na rin kami.” Sagot niya habang nilalagay sa locker niya ang kanyang gamit.
Para naman itong nasa cloud nine na nakasandal sa pintuan ng locker nito. “Alam mo, kung ako siguro iyon, mas mabuti pang maging bestfriends with benefits kami.” Nakatulalang sabi nito.
Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Bestfriends with benefits? Parang hindi niya maimagine na magkakaganoon sila ni Ethan. Parang hindi tama. Hindi magandang tingnan!
“Nagka-girlfriend na ba si Sir Ethan, Hera?” Tanong nito na ngayon, sure siya, sa kanya na nakatingin!
Naptigilan siya. 22 years na ang binata pero never pa siyang may nakita o nabalitaan na girlfriend nito. Though, handsome naman ang bestfriend niya. Pero kahit nabalitaang nililigawan, kahit marami-rami na rin ang babae pang nangliligaw dito, never siyang may narinig o nasabi ito sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/8563451-288-k923251.jpg)
BINABASA MO ANG
Lustful Desires
RomanceSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...