A/N:
Maraming salamat po kay @mjvelasco na tanging nagcomment sa last chappy ko. At sa natatanging 6 readers na naglike. Bakasyon ako ng ilang days so update ito ng update. Just keep on voting and giving your comment! Thanks!
________________________________
LD 20
MISSING HERA
KINABUKASAN:
"Lance, salamat kagabi ha?" Nilapitan ni Sarah si Lance habang hindi pa naman nagsisimula ang shooting.
"Salamat saan?" Tanong niya dito habang nagbabasa siya ng ibang papeles. Dinala niya ang ibang trabaho niya dito sa shooting. Obligado kasi siyang magbantay dito kasi ang lead stars ay mga talents niya.
"Salamat sa paghatid mo sa akin." At umupo ito sa tabi niya sabay sandal at stretch ng mga kamay.
Napatingin na tuloy siya sa dalaga. "Hindi kita hinatid. Bumaba din ako. Si JP ang naghatid sa iyo sa hotel." Sincere na sagot niya.
"Ah.. Ganoon ba?" Parang nadismaya ang itsura ni Sarah.
"Sa susunod kasi, huwag ka masyado magpapakalasing. Kinakaladkad ka na ng mga lalaki kagabi. Mabuti na lamang at nakita kita." Sagot niya. He was just on time kagabi para saklolohan si Sarah.
Biglang nagbago ang expression ni Sarah. Para itong nabuhayan sa sinabi niya. Napangiti ito at iniusod ang kinauupuan sa tabi niya. "Talaga? Pinagtanggol mo ako?" Ngiting-ngiting tanong nito.
Parang gustong magdiwang ni Sarah. Hindi lang pala puro kalamigan ang ipapakita ni Lance. May soft spot din pala si Lance sa puso. At ang saya ng dalaga. Kung pwede lang na mangyari ulit iyon ay hindi ito magsisisi, kung ang kapalit ay ipagtatanggol siya ni Lance.
"Do I have a choice? Kasama mo ako at kargo kita." Harsh na sabi niya.
Kahit medyo harsh ang pagkakasabi niya ay hindi nawala ang maluwang na ngiti ng dalaga. Titig na titig pa rin ito sa kanya at parang amused na amused. Ganoon ba ka-bit deal dito na ipinagtanggol niya?
"Whatever! Ang importante, may pakialam ka sa akin."
"Kahit naman sinong kasama mo ay gagawin iyon. Lalo na....."
Hindi niya natapos ang sasabihin niya kasi bigla itong tumayo at hinalikan siya sa pisngi. "Basta thank you!" At kumindat pa ito at tumayo na going somewhere.
Napangiti lang siya sa inasal ni Sarah. Para itong bata na tuwang-tuwa at ipinagtanggol ng kanyang Knight in shining armor. Pero agad ding napawi ang ngiti niya, nang mapansin na nakatayo si JP sa may harap niya. Nakatitig lang ito sa kanya at mukhang kadadating lang sa set.
Umiling ito at lumapit na sa may pwesto niya. Ibinaba ng P.A. nito ang mga gamit. Naiilang siya na baka kung anong iniisip nito sa kanya. Ayaw niyang isipin nito na take advantage siya sa mga talents niyang babae. Lalo na at hindi naman si Hera ang mapapabintang sa kanya.
Mas minabuti na lang niyang tahimik na balikan ang mga papeles na binabasa. Hindi naman siya pwedeng magpaliwanag. Magmumukha siyang defensive. Pero gusto niyang tanungin siya nito para mabigyan niya ng linaw ang nasaksihan nito.
"Mukhang masaya si Sarah ah?" Biglang basag nito sa katahimikan.
Abala na siya sa malalim na pagbabasa ng mga papeles nang biglang nagsalita si JP. "Ha?" Tanging nasabi niya at napatingin sa binata na inaayusan na pala ng make-up artist.
"Huwag mong kalimutan ang warning ko sa iyo about her." Nakalingon sa kanyang sabi nito. Hindi na sila nahihiya sa make-up artist dahil tauhan naman nila ito. At isa sa protocol nila ang WHAT YOU SEE, WHAT YOU HEAR, LEAVE IT HERE! Bawal ang mga chismoso at chismosa sa mga employees nila.
"I know. Don't worry." Sagot ni Lance na nakipaglaban pa ng titigan. Wala naman siyang dapat itago, so bakit siya iiwas sa paningin nito?
"Mabuti naman at natatandaan mo, Sir Lance." With emphasis na sabi pa nito sa salitang Sir.
Napakunot tuloy ang noo niya. Kung hindi siya nagkakamali, mukhang nagseselos sa kanya si JP. "Are you jealous?" Hindi niya napigilang magtanong.
"Bakit ako magseselos?" Tanong nito na hindi makatingin ng diretso sa kanya.
"Kaya nga nagtatanong ako. Bakit ka nagseselos sa akin?"
"Hindi mahirap mahustuhan ang tulad ni Sarah. At ayokong may nagkakagusto sa kanya."
"Ha! Ha! Ha! Now I know! Nagseselos ka." Natatawang puna niya. "Pero para sa ikapapanatag mo, huwag kang mag-alala." sabi pa ni Lance.
"Maganda si Sarah at....." Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ni JP.
"You know the likes of Zyrah del Fierro-Lee, right? Iyon ang mga gusto ko." Paglilinaw pa niya.
"You like her? Pero may asawa na siya. Si Zeon Lee! At talent mo din." Namimilog ang matang sabi ni JP.
"Ha! Ha! Ha! Ano ka ba, JP? Ang sabi ko mga tulad ni Zyrah. Hindi ko sinabing gusto ko pa din si Zyrah. Noon iyon. Noon. Pero hindi na ngayon. I respect her marriage with Zeon. At isa pa, magkaibigan kami ni Zeon, mapapatay ako noon." Nakangising sabi pa niya.
"Sabagay, I also liked Zyrah before. Maganda, talented, at mabait" si JP.
"Exactly! At para sa ikawawala ng pagdududa mo, I already have a girl in my life." Nakangiting sabi niya habang ang magandang mukha ni Hera ang nasa isip niya.
"Talaga? Is she from showbiz? Or non-showbiz?" Makulit pang tanong nito.
"Hindi siya taga-showbiz. Basta I assure you, hindi si Sarah. You'll meet her soon. Soon. Very soon." At sumilay sa labi ni Lance ang napakagandang ngiti. Ang ngiting muling nagbalik sa mukha niya ng dumating si Hera sa buhay niya.
'Ano kayang ginagawa ni Hera?' Muni-muni niya habang nakatitig sa kawalan. Sobra na ang pananabik niya sa dalaga.
(A/N: Zyrah and Zeon po ay from the story INNOCENT LOVE <3. Nasa external link ------->>)
_____________________________
A/N:
Please vote and comment. May kasunod pa ito pang bawi. Wait lang po...
BINABASA MO ANG
Lustful Desires
RomansaSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...