LD 35

8.6K 119 5
                                        



A/N:



Salamat po sa VOTES at COMMENTS! Salamat kina: @SummerFlinn, @yaniebabe, @mjvelasc0, @MrsSuzy, at @mimosweet (sa napakaraming votes!). Salamat din po sa mga bagong followers.




And please, help me plug this story. Thank you po!




__________________________________



LD 34


HE'S BACK!




Nakatulog na si Hera sa tabing kama ni Ethan. Nakatungo siya habang ang isang kamay ay naka-kapit ng mahigpit kay Ethan. Si Ethan na hindi pa rin nagigising. Ang masakit pa rito, hindi pa nahuhuli si Tatay Kim nito. Si Tatay Kim na dahilan ng pagiging comatose ng binata ngayon.





Kahit na maglabas-masok ang nurse ay tulog pa din si Hera. Sa sobrang pagod at emotional problems ba namang kinahaharap niya, kaya mahimbing ito ngayon. Solo naman sila dito sa ICU kaya walang nagambala sa kanya.





Medyo nagising si Hera at tumuwid ng upo ng may humalik sa pisngi niya. Tiningnan muna niya si Ethan, pagkatapos ay lumingon sa likod niya.






"Lance.." Kinusot-kusot pa niya ang mata. Baka kasi nagkakamali lang siya.






Hinalikan ulit siya ni Lance. This time ay sa labi naman. "Hera, pinag-alala mo ko." Bulong nito sa kanya.





Nang marinig niya ang boses ni Lance ay nawala na ang antok niya. "Lance!" Pigil na pigil ang tili niya. Tumayo na siya at dumamba ng yakap kay Lance.





Bumuhos na ang luha niya. Naandito na si Lance! May kakapit na sa kamay niya at magiging inspirasyon para malutas ng mga problema niya. May mahihingahan na siya ng sama ng loob. May gagabay na sa mga desisyon niya.





Niyakap niya ng ubod ng higpit si Lance. Sumubsob siya dibdib nito. Para namang bukas na gripo ang kayang mga luha. Naiiyak siya dahil sa wakas naandito na ang inspirasyon niya. Ang magbibigay ng encouragement sa kanya. Ang automatic na kakampi niya sa lahat ng problema.






"Namiss mo ako?" Nakangising tanong nito. Pinagdikit pa ang kanilang noo.






"Oo! Sobra!" At pinupog niya ng halik ang buong mukha ni Lance.





Hinuli naman ni Lance ang labi niya. Binuhat siya nito paharap at hinalikan ng mariin. Punong-puno na pangungulila ang halik nito.





"I miss you..." Sabi ni Hera ng sandali silang huminto para huminga.





Umupo naman si Lance at kinandong siya nito paharap. Pinagdikit muli ang noo nila. "Anong nangyari? Akala ko nakidnap ka na." Seryosong sabi nito.






"Kasi nabugbog si Ethan....." At ikinuwento na niya ang buong nangyari. Parang inulit lang niya, kasi kaninang tumawag ito ay naikwento na niya.






"Paano nga pala nalaman ni Ate Sapphire kung nasaan ako?" Tabong pa niya matapos magkwento ng mahaba.






"Akala ko kasi nadukot ka. Kaya nagsumbong ako sa pulis. Hinanap ka nila. At natuklasan nilang may nakapiit sa presintong iyon na kapangalan mo. Kaya pinuntahan ka ni Sap to make sure kung ikaw nga." Mahabang paliwanag nito.






Niyakap niya ng mahigpit si Lance. "Salamat, Baby!" Sabi pa niya.






"Baby, please lang, huwag mo ng uulitin ang pag-alalahin ako ha?" Sabi pa niyo habang yakap din siya.






"Sorry. Hindi naman sadya iyon." Sabi pa niya habang nakatitig sa mga mata ni Lance.






"Kalimutan na natin. Anyway, anong balita sa kanya? Bakit hindi pa siya nagigising?" Concern na tanong nito sa kanya.





"Kailangan niyang maoperahan. Pero wala kaming pera." At kinagat niya ang labi. Kasi alam niyang any moment ay papatak na ng luha niya.





"Kaming dalawa na lang ang magkapamilya. Hindi pwedeng mawala siya."Dagdag pa niya. At pumatak na ng kusa ang luha niya.





Listong pinunasan naman ni Lance ang luha niya. "Huwag kang umiyak. Naandito ako. Bakit nga pala hindi mo sinabi sa akin?" Tanong pa nito sa kanya.





"Nawalan ako ng chance. Naiwan ko ang cp ko eh."





"Bukas, paopera mo si Ethan."





"Wala pa nga kaming pera."





Hinawakan ni Lance ang magkabila niyang pisngi. "Ako ang bahala, ok." Masuyong sabi pa nito sa kanya.





"Kung hindi lang talaga buhay ni Ethan ang nakataya, hindi ko tatanggapin. Baka isipin mong pera lang ang habol ko sa iyo. Pero kasi.." Hindi na niya natapos ang sasabihin kasi inis-smack na siya sa lips ng binata.





"Sshh..Tama na. Ako na nga ang bahala. At please, Hera... Huwag na huwag ka ng papasok ulit sa kabaliwang ganoon. Ang magbenta ng laman para magkapera. Sa akin ka lang, di ba?" Sabi pa nito pagkatapos siya gawaran ng halik sa labi.





"Opo. Sorry!" Nahihiyang sagot ni Hera. Napatungo na lang siya. Hindi niya kayang makipagtitigan dito dahil guilty siya.






"Ok lang, Baby. Basta huwag mo ng gagawin ulit iyon, kung ayaw mong masaktan ako ng sobra." Sabi pa nito habang nakangiti sa kanya.






"Oo, Baby. Hindi na. Ahhh.. Paano na ako kung wala ka?" Naluha pa ring sabi niya.





"Sabi ng tahan na eh." At pinahid na muli nito ng thumb ang mga tears niya. "Kung wala ako, walang kakarga sa iyo ng ganito." Patawa pa ni Lance.






Mukha siyang baliw na napangiti habang umiiyak. "Baliw." At mahinang hinampas si Lance sa dibdib.






"Arayy!" Kunyari ay nasaktan ito. "Ang bigat na nga ng kandong ko, nambubugbog pa." At ngumisi pa si Lance sa kanya.





Bumaba na siya sa kandungan nito at umupo sa tabi ng binata. Niyakap na lang niya ang bewang nito. Miss na miss talaga niya si Lance. Sobra! "Yabang." At tuluyan ng tumigil ang pagluha niya. "Kumain ka na ba?" Dagdag na tanong niya. Alas-dos na kasi, baka gutom na si Lance.





"Kumain na ako." At hinubad nito mula sa pagkakasukbit ang bag. "Patulog muna sa lap mo. Pagod na pagod ako." Dagdag pa nito.





Inalalayan naman ni Hera na mapahiga si Lance sa kandungan niya. "Tulog ka na muna, Baby!" At hinaplos niya ang palad sa buhok nito.





Agad namang isinara ni Lance ang mga mata. Ang isang kamay ay nakakawit sa bewang niya, at ang isa ay kapit ang kamay niya.





Tinitigan niya ang mukha ni Lance. Habang patuloy ang pagsuklay sa buhok nito gamit ang daliri niya.




Ang chinito nitong mata, manipis at mapupulang labi, ang matangos na ilong, at ang ngiti nitong humahalina sa kanya. Lahat ng iyan ay kanya. Hindi niya alam kung anong kabutihan ang nagawa niya sa past life niya, para swertehin ng ganito. Ang dating lust, na naging like, na tingin niya ay love na hindi maamin para sa kanya. Lahat ng iyan naranasan niya kay Lance Lao lamang.





"I miss you, and I like you." Pagkausap niya dito kahit alam niyang mahimbing na ito. She meant every word. Namiss niya ito talaga at gusto niya ang lahat-lahat dito.





"I like you, too." Halos pabulong na sagot nito. Ang akala ba niya ay tulog na ito? Bakit nasagot pa sa kanya.





Kaya hindi na niya napigilan ang sarili na halikan ito ng mabilis sa labi. Ngumiti naman ito kahit nakapikit ang mga mata.




Very peaceful ang pakiramdam ni Hera sa tuwing nakikita niya ang mukha ni Lance sa tabi niya. 'Ikamamatay ko pag nawala ka.' Bulong ng isip niya. Alam niyang kumpleto siya basta naandiyan si Lance. Si Lance na kumukumpleto sa pagkatao niya.


(A/N: Si Hera sa multi-media box --- >>>)

____________________________________



A/N:




VOTE & COMMENT please?

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon