LD 41

8.9K 124 7
                                    



A/N:



Salamat sa lahat! Help me plug this story, please....ThaNk you sa tanging nagcomment: @MrsSuzy! Salamat sa iyong comment. Thank you sa votes ng iba.

Vote. Comment. Follow.



_________________________________




LD 41


GOODBYE







Nakatitig lang si Lance sa mukha ng magandang si Hera. Miss na miss niya ito. At ngayon ay masaya siyang kasama na niya si Hera. Ang malungkot nga lang, nilalagnat naman ang dalaga.






Sayang! First monthsary nila at hindi sila nakapag-celebrate ng ayos. Sayang talaga! Ang dami niya pa naman sanang plano para i-celebrate ang unang buwan nila. Unang buwan bilang mag-MU?






Mag-M.U. lang sila, pero parang sa puso niya, higit pa doon ang dapat nilang i-celebrate. Pakiramdam niya ay mahal na ata niya talaga si Hera. Totoong excited na siyang magmahal ulit. Pero gusto niyang siguruhin muna sa puso niya. Ayaw niya kasing makasakit sa iba.






Sa dating minahal niyang si Zyrah ay naranasan niya ang sakit ng umaasa. Noon kasi ay halos parang magnobyo na sila. Dumating pa nga ang panahon na hindi kayang mabuhay ni Zyrah ng wala siya sa tabi nito. Pero nawala rin ang lahat ng magkaayos ang dalawa ni Zeon.





Kaya ngayon, gusto niya munang siguraduhin ang lahat bago ipaalam kay Hera. Ayaw niya kasing sa huli ay masaktan niya ito. Lalo na kung marerealize niya na desire lang ang dahilan kung bakit gustong-gusto niya si Hera.








Hinaplos niya ang mukha ng nilalagnat na dalaga gamit ang isa niyang kamay. Nakayakap pa rin ito sa kanya. Yakap niya rin ito habang ang kamay niya na iniunan nito ay nakayakap at hawak ang ice bag.






Hinalikan niya ang noo ng dalagang nagpapaikot ng buhay niya ngayon. Iba talaga kapag may babaeng tinatanggi ang isang lalaki. Nagkakainspiration siyang magsikap para sa babaeng gusto niya. Para sa babaeng mahal na nga ba niya?







Nagising ang nilalagnat ni Hera sa patuloy niyang paghaplos sa pisngi nito.





"Bakit, Lance?" Nakangiting tanong nito sa kanya. Ang ngiting nakakapagpabilis ng tibok ng puso niya.







Ngumiti naman siya at niyakap na ito ng dalawang kamay. "I just missed you." Bulong niya sa dalaga.






"I miss you, Lance." Masuyong sagot nito na hinalikan siya sa pisngi.






Inilayo niya ng konti si Hera at tinitigan sa mga mata. "Matulog ka na ulit. Sorry for waking you up. Pahinga ka na at ng gumaling ka na. Kailangan mong gumaling kasi mag-cecelebrate pa tayo." Sabi niya kay Hera at hinalikan niya muli ang noo ng dalaga.






Kinulong naman ni Hera ng kamay ang mukha niya. "Don't worry, kapag nawala ang lagnat mo, maniningil na ako ng gift mo sa first month natin."






Hinampas siya ni Hera ng mahina sa braso. "Loko ka." At pumikit na ito ng tuluyan.







Hindi na niya ginulo muna ulit si Hera. Hinayaan niya itong magpahinga. Kahit na siya mismo ay gustong masolo na muli ang dalaga. Sabik na siyang halikan ito sa labi. Pero wala siyang magawa. Kailangan niyang mag-antay hanggang tuluyang gumaling si Hera. Kahit na miss na miss niya ang dalaga, kailangang makuntento na lang muna siya sa ganito..






Ang yakapin ang babaeng pinaka....





Pinaka....







Pinagusto niya.







'Gusto pa lang ba? Para kasing mahal ko?' Ang isiping iyon ang nagdala na rin kay Lance sa antok. Antok hanggang tuluyang makatulog. Ilang araw niya rin itong namiss. Ang makatulog ng mahimbing sa piling ni Hera.






**








Pagod na pagod na dumating si Ethan sa apartment niya. Nakakain na naman siya dahil pinakain na siya ni Ms. Sophia Lao, nanay nina Lance at Sapphire.






Pagdating niya ay tahimik ang buong bahay. Lampshade lang sa gilid ng sala ang bukas. "Nasaan sila?" Tanong niya sa sarili. Nagtataka siya dahil ang alam niya ay naandito si Lance.







Ayaw niya sanang sabihin kanina ang bagong address nila kay Lance, pero wala siyang nagawa. Malaki ang utang na loob niya sa binata. Ito kasi ang nagpasok sa kanya sa LAO ENTERTAINMENT, at ito rin ang nagbayad sa hospital bill niya. Hanggang ngayon nga ay hinuhulog-hulugan pa niya. Kaya hindi niya magawang maging rude sa binata.







Nagmarcha si Ethan papuntang kusina. Uminom ng tubig sa ref. Napaupo siya sa high stool doon. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Naisip niya kasi, 'Baka nasa condo ni Lance ang mga iyon'. Nalulungkot siya dahil solo siya ngayon sa bahay. At ang isiping, mas importante talaga si Lance para kay Hera, compared sa kanya, ang labis na nagpapalungkot sa kanya.








Laglag ang balikat na papasok siya sa kwarto. Malungkot na magbibihis. Wala siyang karapatan na pigilan si Hera sa gusto nito. Pero ayaw makisama ng puso niya. Nangungulila ito kay Hera. Dahil noon pa man ay may lihim na siyang pagtingin kay Hera. Alam niya noong bata pa sila ay crush din siya ng dalaga. Pero ngayong malaki na sila, hindi niya na alam ang sagot.







Medyo nabuhayan nga siya ng pag-asa ng magkasama na ulit sila sa iisang bahay. Ang mga moments na magkasama sila ni Hera, ang mga awkward moments na iyon, ang nagbibigay sa kanya ng pag-asa na baka gusto pa rin siya nito. Ramdam niya kasi ang bilis ng paghinga ni Hera kapag sobrang lapit nila sa isa't-isa. Kitang-kita niya rin ang pamumula nito kapag nagkakatitigan sila. Kaya kutob niya, may nararamdaman pa rin si Hera for him. Her actions makes her heart flutter.






Pero ang iwan siya niyo ngayon, dahil lang sa umuwi na si Lance, ang nagpapatunay na may iba na itong gusto. At sa isiping iyon, kahit alam niyang mali, hindi niya mapigilang magselos at kabahan. Selos dahil dati siya lamang ang pinag-uukulan ni Hera ng panahon. Kabahan dahil any moment natatakot siyang maiwan ni Hera. Si Hera na ngayon ang tanging naiiwang pamilya para sa kanya.







Binuksan niya ang lampshade ng kwarto nila ni Hera kasi nga ay magbibihis siya. Pero natulala siya sa nakita.







Si Hera at si Lance ay magkayakap sa kama!







Parang ang lahat ng dugo ay umakyat sa ulo niya. Lumapit siya agad sa mga ito para hilahin si Lance pabangon sa tabi Hera.






"Hoy! Tumayo ka diyan!" Sigaw niya na naging dahilan para magising ang dalawa.






Nagulat ang dalawa. Napabalikwas ng upo ang pungas-pungas na si Lance.





"Ethan!" Napatili ang balot ng kumot na si Hera. Hinatak niya kasi patayo si Lance at kinuwelyuhan.






"Easy." Tanging nasabi ni Lance. Nakataas ang dalawang kamay nito na parang sumusuko.






Lalo namang nagalit si Ethan nang makitang hindi nabangon si Hera. Nanatili itong nakabalot ng kumot.






"Walang hiy@ ka! Anong ginawa mo kay Hera?" Galit na galit na tanong niya at sinuntok ng isa sa mukha si Lance. Nanggigigil siya dito! Ang akala niya ay naka hubad si Hera sa ilalim ng kumot kaya hindi makatayo.






"Ethan, anu ba?!" Sigaw ni Hera. Umupo na ito sa kama pero mas lalong hinila ang kumot sa katawan. Tanging ulo lang nito ang nakalabas.






Napatingin siya kay Hera. At dinaklot muli ang polo shirt na suot ng napaupong si Lance sa sahig. "Ang baboy mo! Bahay ko ito. Dito mo pa ginanyan si Hera!" Sigaw niya na halos maputol ang litid sa leeg niya sa pagsigaw.






"Ano bang sinasabi mo?" Ngumisi pa ito sa kanya at pinunasan ang dugo sa labi.






"Ethan, tama na." Nakikiusap na ang boses ni Hera. Ganun pa din ang pwesto nito sa kama.






"Sira ulo ka!" At sinapak niya muli si Lance sa mukha.






Noon lang nawala ang antok ni Lance. Gumanti na rin ito ng suntok kay Ethan. "Ano bang kinagagalit mo?" Galit na utas nito pagkatapos siyang suntukin.






Tumayo siya sa pagkakasandal sa side table ng kama. At muli inatake si Lance. Sinapak niya ang binatang Lao sa sikmura.






"ETHAN!" Sigaw ni Hera. Tumayo na ito ng kama at pumagitna sa kanila. Nakadipa ito sa gitna nila. Ang mga mata ay nanlilisik sa kanya at tinatakpan si Lance na ngayon ay dumudugo pa din ang labi.






Natigilan siya dahil balot na balot ito ng damit sa katawan. At napatingin siya sa bulsa de yelo sa lapag. Nahulog ito ng biglang umalis si Hera sa kama para awatin sila.







"May sakit ka?" Tanong niya sa kay Hera. At para masagot ang tanong niya, dahan-dahan niyang kinapa ang noo ng dalaga. Umatras naman ang dalaga ng mapadampi ang kamay niya sa noo nito.






Ang kaninang inis at selos ay napalitan ng pag-aalala. Mainit kasi si Hera! Mataas ang lagnat nito. Pero bakit hindi man lamang sinabi sa kanya ng dalaga. Sana ay maaga siyang umuwi kung alam lang niya!






"Ano bang ginagawa mo? Bakit ka ba nagwawala?" Galit na singhal ni Hera sa kanya.






"Ang akala ko...." Hiyang-hiya siya ngayon sa dalawa.







"AKALA MO ANO? Na nagsex kaming dalawa? Ano ngayon kung sabihin kong oo?" Lalo siyang nag-alala sa nakikitang galit sa mga mata ni Hera. Nagalit ito sa katangahan niya.






"Hera. Tama na may sakit ka." Awat dito ni Lance. Niyakap pa patalikod ang dalaga.






Parang pinipitpit na luya ang puso ni Ethan. Napabaling siya sa ibang direksyon. Hindi niya kayang may naglalambing ng ganito kay Hera sa harap niya.






"Anong baboy ang sinasabi mo kanina?" Singhal ni Hera sa kanya.






Tiningnan niya muli si Hera. "Ang akala ko nga kasi..." Hindi natapos ang sasabihin niya.







"I had enough of you!" Singhal muli ni Hera.






"I'm sorry.." Halos pabulong niyang sabi. Napatungo pa siya sa kahihiyan. Hahawakan niya sana sa braso si Hera pero tinabig nito.







Kinuha nito ang bag at nag-impake muli ng mga damit. "Tulungan mo ako, Lance. Aalis tayo dito." Padabog na nagbabalot ito ng gamit.






"Hera, magpahinga ka. Pag-usapan ninyo itong magkapatid." Narinig niyang payo ni Lance kay Hera.







"No. Nakaka-suffocate na sa bahay na ito!" Sabi ni Hera kay Lance pero sa kanya nakatingin ng matalas.






"Hera, I'm sorry.." Desperate siyang lumuhod sa harap ni Hera para humingi ng tawad. Hindi naman niya kasi akalain na nilalamig marahil si Hera kaya balot ng kumot. Ang buong akala niya ay hubad ito







Hindi siya inintindi ni Hera. Patuloy itong nagbalot. Inaawat naman ito ni Lance.






"Baby, stop it. Mataas ang lagnat mo. Magpahinga kana muli at mamaya na kayo mag-usap na magkapatid." Sabi ni Lance kay Hera. Habang siya ay nakatungong nakaluhod pa din sa harap ni Hera.






"Tutulungan mo ba ako o lalayas ako ditong mag-isa?" Sabi ni Hera sa binata. Kaya napilitan itong tumulong sa pagiimpake ni Hera.







Hinawakan niya ang kamay ni Hera. "Hera, please... Magpahinga ka at nilalagnat ka. Ang akala ko kasi.. Concern lang naman ako..." Puno ng pagsusumamong sabi niya.






Halos tumigil ang kanyang paghinga ng hawakan ni Hera ang kamay niya at hawiin ng marahas. "You've crossed the line this time, Ethan." Tiim bagang na sabi nito.







"Pero Hera.." Namamasa na ang mga mata niya. Iiwan siya ni Hera dahil sa estupido siya!







"Baby, huwag mong ganyanin ang kapatid mo." Narinig niyang payo ni Lance.







Nakonsensiya siya. Pagkatapos ng ginawa niya kay Lance ay inaalala pa siya nito. Swerte talaga si Hera sa binatang Lao. Likas ang kabaitan ito. Labis tuloy siyang nagsisisi sa ginawa niyang pananakit dito. Pero dahil sa pride, hindi niya kayang isatinig iyon.







Nalaglag ang luhang pinipigil niya ng marinig niya ang sagot ni Hera.






Parang nabingi na siya!








"He's not my real brother. I'm adopted." Sagot ni Hera sa malamig na tono. Tumayo na ito at at lumabas ng kwarto.






Nagkatinginan sila ni Lance. Para tuloy siyang papatayin ng konsensiya niya ng makita ang putok nitong labi. Ang labi nitong may dugo. Napailing na lang ito at sumunod kay Hera. Narinig niyang sumara ang front door.






Tuluyan na siyang napaiyak. Subsob sa sahig. Iniwan na siya ni Hera. Dahil sa pagseselos niya, iniwan siya ng dalaga.






"Hera...." Humahagulhol na tawag niya sa hangin.


_____________________________________



A/N:


VOTE. COMMENT. FOLLOW.



Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon